Ipinanganak ni Rita Daniela noong December 22, 2022 ang panganay na supling nila ng kanyang non-showbiz partner.
Pinangalanan nila itong Juan “Uno” Andres.
Ani Rita sa kanyang Instagram post ngayong Sabado, December 24, 2022, ang baby nila ang pinakabonggang Christmas gift na natanggap nila ng kanyang non-showbiz partner.
Sabi niya sa caption ng larawang karga-karga niya ang bata, "Hi, my son. You’re the greatest Christmas gift that God has given me. You’re such a blessing to us.
"Your Tatay and I are so joyful to have you. Can’t believe I’m celebrating Christmas this way.. with you. [heart emoji]"
View this post on Instagram
Bagamat bukas tungkol sa kanyang panganganak, hindi pa rin ipinakilala ni Rita sa publiko ang kanyang partner.
RITA DANIELA ON HER PREGNANCY
June 26, 2022, mangiyak-ngiyak na inamin ni Rita ang kanyang pagbubuntis.
Ginawa ng Kapuso singer-actress ang announcement sa "Queendom" segment ng All-Out Sundays.
Read: Rita Daniela, may "life-changing revelation" sa All-Out Sundays
Ayon kay Rita, wala siyang balak ilihim ang kanyang kalagayan pero naghintay lamang siya ng wastong panahon.
Saad niya, “I am so, so happy and proud to say that I’m soon to be a mother. Happy Mother’s Day to me.
“Wala naman po akong planong ilihim ito. I just… naghanap lang po ako ng tamang oras para sabihin and to share the new blessing in my life."
Lubos ang pasasalamat ni Rita sa home network niya na buong-buo ang suporta sa kanya.
Ani Rita, “Thank you so much All-Out Sundays family and, of course, GMA Network for supporting me and for loving me.
“Akalain mo yung, di ba, nagsimula ako dito sa GMA? I was just 10 years old and now, soon I will have a ten years old also and dito na talaga ako.
“Yung journey sa buhay ko, talagang nagsimula sa GMA. Maraming-maraming salamat GMA Network."
