Hindi inirekomenda ni Joel Cruz kay Vice Ganda ang Russian company na tumulong sa kanya na magkaroon ng mga anak na kambal.
Si Joel, business owner ng isang perfume brand, ay may walong anak.
Ayon kay Joel, nilapitan siya ni Vice para humingi ng payo tungkol sa pagsailalim sa surrogacy.
Plano ni Vice at ng partner nitong si Ion Perez na magkaroon ng anak.
Bukod sa may war sa Russia, ibinahagi ni Joel na nagkakaproblema ngayon ang surrogacy clinic na pinupuntahan niya noon.
"Actually, problema ng ibang clients niya," paglilinaw ni Joel.
"Good thing ako nakatapos na ako ng walo. Di ba, ako may walo akong anak? Awa naman ng Diyos wala akong problema sa kanya.
"But lately, I heard, nagkaroon siya ng kaso sa isang Filipino client and Chinese client. May namatay na bata. May mga batang nabiyak.
"So, simula noon hindi ko muna ma-recommend."
Sayang daw dahil maganda naman ang karanasan niya noon sa clinic na iyon.
"But alam naman nitong Russian firm na ito na mula 11 years ako nasa kanya, promote ako nang promote sa kanya, which, in fact, siya ang pumupunta dito.
"Lawyer siya, e. Pumupunta siya sa Philippines. Prino-promote ko siya, e.
"But after what happened recently, hindi na ako nagre-recommend sa kanya.
"Kasi nga, baka merong mangayri na hindi maganda sa kanya. Bakit napabayaan? Bakit namatay yung bata? Kaya hindi ko muna ni-recommend kay Vice."
Pinayuhan na lang daw ni Joel si Vice na tignan ang options sa U.S., Singapore, at India.
"Ang alam ko mas mura pa sa Singapore kesa sa India, compared sa Russia, 'no. Pero sa U.S., medyo mas mahal compared sa Russia," dagdag ni Joel.
Anong isinagot ni Vice sa kanya?
Sagot ni Joel, "Uh, I think sa U.S. siya pupunta. Ang alam ko ngayon nasa U.S. siya, e. Kasi magmi-meet kami ni Vice first week of May pagbalik niya."
Plano raw kasi ni Joel na mag-organisa ng birthday celebration para kay Vice.
"Kasi nung April 1 ininvite niya ako sa birthday niya, dinner. E, April 1 pumunta ako ng Japan. Kaya sabi ko, 'Naku, sorry. Hindi ako makaka-attend. Gustung-gusto kong pumunta.''
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joel sa asalto ng kaibigan niya at radio host na si Jobert Sucaldito, sa Music Box sa Timog, Quezon City, noong Linggo, April 15, 2023.
READ: Joel Cruz: In his mansion of plenty
HOW JOEL AND VICE GANDA BECAME FRIENDS
Isa si Vice sa mga celebrities na na-inspire na magka-baby sa pamamagitan ng surrogacy.
Nagkunek sina Joel at Vice dahil bukod sa endorser si Vice ng perfume brand ni Joel ay may common friend sila, si Dr. Ralph delas Alas.
Kasama raw ni Vice si Dr. Ralph nang puntahan ng mga ito si Joel.
"Although, naririnig ko na nagpaplano siyang magka-baby. Kaya naisip ko na kaya gusto niya talagang pumunta sa akin. Seryoso siya.
"Parang surprise ang nangyari. Kasi sabi nung aming common friend, si Dr. Ralph, ang aming dentist, sabing ganoon na, 'Oy, may surprise ako sa 'yo na dadalhin ko.'
Hanggang sa mamaya na medyo confirmed na si Vice, ayun. Sinabi na ni Dr. Ralph an si Vice yung kasama niya.
"Na-excite naman ako pati yung mga kasama ko sa Tagaytay. Sabi ko, 'Oy. darating si Vice Ganda.' Yung ganoon."
READ: Joel Cruz reveals what one of his kids knows about not having a mom
ON JOEL'S SPERM COUNT
Ibinahagi rin ni Joel kay Vice ang pagsubok na pinagdaanan niya bago naging matagumpay ang kanyang mga plano for surrogacy,
Napabalitang PHP57M ang ginastos ni Joel sa walong babies niya.
"Kinuwento ko rin sa kanya na, 'Alam mo ako Vice, yung una hindi ako puwedeng agad magkaanak because yung sperm count ko, kulang.
"Kasi parang, if I'm not mistaken, parang 100 or 200 million of sperm cells ang kailangan ng isang lalaki para magkaanak. Yung sa akin parang 5O million lang ata or 25 million lang, ha.
"Imadyinin mo, ganoon karami yun, pero ang sabi ng doktor sa akin, kung meron kang asawa na babae mahirap kang magkaanak.
"So, sabi ko, 'My god. Marami na yung 20 million pero kulang pa rin pala yun, yung ganoon.
"So, kinuwento ko kay Vice yun. Sabi ko, 'Dapat, Vice, hindi ka stress. Dapat relax ka kasi ang mga stress, problemado, or maraming iniisip, or sobrang busy ka sa work, pagod na pagod ka...
"Puwedeng mahina rin ang sperm count mo."
Ano ang reaksiyon ni Vice?
Sagot ni Joel, "Jokingly, nagpunta siya sa toilet. Sabi niya, 'Teka, magto-toilet lang ako. Itse-tsek ko ang sperm cell ko.' Hahaha!
"Tawang-tawa kaming lahat," masayang paglalahad ni Joel.
WAITING GAME
Naging honest daw si Joel kay Vice na hindi raw madali ang proseso ng surrogacy.
"Actually, nung nasa Russia ako, there was an interview also na bakit gusto kong magkaanak.
"Kasi siyempre, baka naman isipin nila, gawin kong business ang anak ko or ibenta ang anak ko.
"So, nung kinukwento ko doon sa Russian dati like 13 years ago, umiiyak ako talaga sa kanya na kung alam niyo lang na hindi lang naman ako ngayon gusto magkaanak.
"Actually, 20 years ago pa gusto ko ng magkaanak. Saka ang hirap mangyari yun.
"Kaya nung na-convince na talaga siya na I will be a good parent, a good father, sabi niya, 'Okey I will help you.'
"Kasi, basically ang tinutulungan naman niya couples. Babae at lalaki na walang anak."
Sa huli, nagbigay ng mensahe si Joel para kay Vice at Ion.
"And, of course, I would like to wish Vice Ganda and Ion, kasi gusto nilang magkaroon ng baby. I'm so happy for them.
"Nakakatuwa ang couple na ito kasi sa kuwento niya talagang malalalaman mo na talagang nagmamahalan yung dalawa.
"So, they deserve to have their own children," pagtatapos ni Joel.
