Nagpasalamat si Sabina “Sab” Santiago, 18, sa kanyang mga magulang na sina Claudine Barretto at Raymart Santiago dahil sa paggabay ng mga ito sa kanya.
Sa kanyang Instagram Story kagabi, May 28, 2023, ibinahagi ni Sab ang short clip ng kanyang graduation kung saan kasama niyang umakyat sa stage ang adoptive parents na sina Claudine at Raymart.
Bukod sa kanyang mga magulang, kasama rin niyang umakyat sa entablado si Yaya Ging, na ayon kay Claudine ay labing-siyam na taon na sa kanilang pamilya.
Caption ni Sab sa kanyang post, “Thank you to my parents for always being there to guide me and yaya ging for being a second mom to me!
“I love you parents and yaya ging”

Marami ang natuwa dahil nagkasama muli ang mga magulang ni Sab sa graduation niya at sa recognition ceremony ng kapatid niyang si Santino Santiago.
Sabi ni Claudine sa kanyang Instagram post para kay Sab, “The other day was SANTINO’s recognition day & Sabina’s Graduation.
“Pasensya na po but iam just soo Proud of both of my kids.
"They have always been straight A students ever since they started pre school, but i was so proud & amazed of how plenty their Awards, Medals & Certificates they both received.
“I want to thank Sab & Saint for making me proud, i must have done something good to deserve both Sab @ Saint!
“Congratulations mga anak! God be with you in this next chapter of your lives.mommy will always be here cheering & rooting for you both.its a Privilege to be you’re Mom. [heart emojis]
“@sab_barretto the woman beside Sab’ Dad & i is YAYA GING. 2nd mom of Sabina for 19 years. it was so important for Sab that her Yaya Ging go up stage with us. [heart emojis]”
