Tila nangigibabaw ang pagiging ina ni Marjorie Barretto sa gitna ng namumuong magandang pagkakaibigan nila ni Linda Gorton.
Si Linda ay ex-partner ni Dennis Padilla, at meron silang dalawang anak, sina Gavin at Maddie Baldivia.
Si Marjorie naman ay ex-wife ni Dennis, at meron silang tatlong anak, sina Julia, Claudia, at Leon Barretto.
Pero, lingid sa kaalaman ng publiko, naging magkaibigan sina Marjorie at Linda at nagkakilala rin ang kanilang mga anak.

Read: Marjorie Barretto claims kids are "terrorized" by Dennis Padilla
linda gorton's message for marjorie barretto
Nitong nakaraang May 20, 2025, nagbahagi ng larawan si Linda sa Instagram kung saan makikitang nag-bonding sila ni Marjorie at lahat ng kanilang mga anak kay Dennis.

Hindi nasabi ni Linda kung kailan kuha ang mga larawan. Pero malinaw na walang masamang tinapay ang dalawang panig.
Sa caption ni Linda, sinabi nitong napaaga ang birthday gift na natanggap niya dahil sa pagkikita nila ni Marjorie at pagkakataong magkakilala ang kani-kanilang mga anak.
Bahagi ng caption ni Linda, "This was a birthday gift received earlier than expected. Our children had such a wonderful time.
"It was so nice to see them all talk, laugh and joke around like they’ve always been together. And it was really a beautiful thing to watch."
Sabay mensahe ni Linda kay Marjorie: "But mainly, I would like to greet you a belated happy birthday Marj! You are truly an exceptional woman.
"I admire your courage and strength. And how you face challenges with determination and grace. Wishing you all the dreams your heart desires"
Read: Marjorie and Linda bond with their children with Dennis
MARJORIE BARRETTO SAYS SHE'S JUST "A CALL AWAY"
Sa comments section, isang mahabang mensahe ang iniwan ni Marjorie.
Ayon dito, masaya niyang nabatid na isang "strong mother" si Linda.
Napahanga raw si Marjorie sa maayos na pagpapalaki nito sa mga anak.
Sabi ni Marjorie: "Thank you dearest Linda for your beautiful birthday message (heart emoji)
"Getting to know you more and more I see what a good and strong mother you are.
"You work very hard for the kids and believe me when I tell you that one day, you will feel the rewards for all the love and sacrifice you give to them."
Ayon pa kay Marjorie, masaya siyang nagkakasundo ang kanilang mga anak.
Ani Marjorie (published as is), "I will always be a call away, you know that. It was truly touching watching our children together and happy. As they should be.
"Lets make sure they grow up in each others lives."
Dagdag ni Marjorie, "Will get together soon, in the meantime, please have a great life, and love yourself a little bit more everyday. Happy Birthday to us!!!!
"Sending you lots of love (heart emoji)"

Read: Marjorie Barretto reveals friendship with Linda Gorton
