PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dennis Padilla to brother Gene: "Wala kang mali..."

Gene Padilla has a message to bashers.
by Arniel C. Serato
Published Apr 15, 2025
Gene Padilla addresses bashers after wedding issue
Dennis Padilla to his brother Gene: "Wala kang mali... Nagbigay ka lang ng suporta sa akin... Dahil naramdaman mo ako... Salamat."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Bukod kay Dennis Padilla, pinutakte rin ng bashers ang kapatid nitong si Gene Padilla.

Hindi naman daw kasi siya invited sa kasal ng pamangking si Claudia Barretto kay Basti Lorenzo, pero sinusugan pa niya ang "visitor of the bride" rant ng kanyang kuya.

Read: Dennis Padilla heartbroken after being treated as "visitor" at daughter Claudia's wedding

Narito ang ilan sa mga puna laban kay Gene (all comments published as is):

Ayon sa isang netizen, "TOXIC NIYONG MAGKAPATID!!! IMBIS NA PRIVATE ANG WEDDING PINAGPYESTAHAN DAHIL SA INYO!!!! (extreme anger emojis)"

Netizens to Gene Padilla
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May nagkomento rin ng: "HINDI KA NAMAN PALA INVITED! PUPUNTA PUNTA KA! SANA NATULOG KA NALANG!!!! (extreme anger emojis)"

Netizens to Gene Padilla

Puna ng isa, "ITO YUNG BISITA DI NAMAN INVITED AN DAMI PANG KUDA"

Netizens to Gene Padilla
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Marjorie Barretto slams Dennis Padilla's "lies" in Claudia issue

DENNIS PADILLA TO BROTHER GENE: "Wala kang mali... "

Sa kanyang Instagram feed kagabi, April 14, 2025, nagbahagi ng mensahe si Gene sa mga bumabatikos sa kanya.

Hindi naman daw niya iniinda ang masasakit na salitang ibinabato ng netizens.

Hindi rin naman daw niya kasi kilala ang mga ito.

Buong mensahe ni Gene, "It’s okay if you say hurtful things. You don’t know me, and I don’t know you—but I still choose to send you love, peace, and prayers for healing."

Sa comments section, nagbigay ng mensahe sa kapatid si Dennis.

Ayon sa komedyante, walang maling nagawa ang kapatid dahil ipinakita lamang nito ang suporta sa kanya.

Buong mensahe ng VIVA actor, "Dear Gene... Wala kang mali... Nagbigay ka lang ng suporta sa akin... Dahil naramdaman mo ako... Salamat (crying face, heart emojis)"

Dennis Padilla's message to brother Gene
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Marjorie Barretto claims kids are "terrorized" by Dennis Padilla

GENE padilla's post ABOUT THE WEDDING

Sa panayam ni Ogie Diaz, may buwelta si Marjorie Barretto sa aniya'y pagsawsaw ng mga kapatid ni Dennis na sina Gene at Jennifer Baldivia.

Pero, mas nag-focus si Marjorie sa post ni Gene, na pumunta sa St. James The Great Parish sa Alabang, Muntinlupa City.

Noong April 9, isang araw matapos ang kasal ni Claudia, ibinahagi ni Gene ang bersiyon niya ng karanasan nila ni Dennis.

Maaga raw silang bumiyahe patungo sa simbahan dahil "excited" silang masaksihan ang kasal ni Claudia.

Pero hindi man lang daw binigyan ng kahit anong parte sa wedding ceremony si Dennis, na father of the bride.

Lahad ni Gene (published as is): "Ngayon lang po ako magsasalita...by 1PM nasa church na po ako... galing bulacan going to alabang... simama po namin 5am gumising na excited same kay kuya dennis padilla para sa kasal ng anak niya...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"ngayon lang ako nakawitness ng kasal na di part ng program ang ama ng bride... sa aga namin dun... na nandun mga event organizer wala man lang nagsabi na di siya part ng program... di kasama sa entourage na maglalakad sa gitna papuntang harapan ng altar..."

Nagtanong daw sila sa wedding organizer kung saan sila uupo at pupuwesto, pero sinabihan daw silang kahit saan.

Si Dennis naman daw ay maaaring tumabi sa mga ninong.

Nagdesisyon ang magkapatid at ang kanilang ina na sa bandang likod na lamang pumuwesto.

Ayon kay Gene, iniyakan ni Dennis ang nangyari sa loob ng simbahan kaya umuwi na lang sila matapos ang ceremony at picture-taking session.

Pagpapatuloy ni Gene (published as is): "nagtanong kami kung san uupo ang nanay namin ang sabi kahit saan dun at yung ama dun na lang DAW sa tumabi sa mga ninong...kaya kami ni kuya dennis pumunta na lamang sa likuran...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"napaluha at napaiyak si kuya sa mga nangyari... kaya sabi ko umuwi na tayo after ng simbahan at papicture na lang sa kinasal...

"naawa din ako sa nanay ko kasi naiyak na rin... naramdaman ko yung sakit na naramdaman ng kapatid at nanay ko dahil ama din ako..."

Ang sagot ni Marjorie sa post ni Gene:

"Si Gene at si Jennifer Padilla na hindi taga-dito. She lives abroad.

"Ano ba nira-rant mo, Gene?

"First things first, Gene, no offense, you were not invited to the wedding. Si Mama lang at si Dennis.

"Kasi sa ranting niya, parang nagising pa siya ng 5 A.M. Mula Bulacan, pumunta pa siyang Alabang. Wala naman nagsabing gawin mo yun, Gene.

"Imbes na pinahinahon mo yung kapatid mo, inano pa niya, e, finuel niya."

Dagdag ni Marjorie, "Mas charged daw siya, e.

"Ang kuwento ng mga pamangkin ko, 'Siya pa, si Kuya, walang role... Ina-agitate mo pa.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Alam mo, bigla kang nag-post, di ba? Parang it's just so..."

Inulit ni Marjorie na hindi imbitado si Gene at hindi siya close sa bride.

"Hindi ka invited, Gene, e.

"With all due respect, my daughter has no recollection of you.

"Wala kayong naging relasyon."

Sabi naman niya kay Jennifer, "Jennifer, Jen, you're really Jen.

"Grabeng sakit ng mga sinabi mo. May wish pa na, 'Makakarma kayo balang araw.' Why?

"Nandun ka ba? Nandun ka ba nun? Nakita mo umiyak si Mama? Totoo?"

MARJORIE DEFENDS THE COMFORTABLE life OF HER CHILDREN

Hindi rin pinalampas ni Marjorie ang aniya'y pagkastigo ni Gene sa mga anak nila ni Dennis.

Post ni Gene sa Facebook post (published as is): "ang tagal na panahon na nanunuyo at nahingi ng atensyon ama niyo sa inyo mga anak... yan ba itinanim ng mga nakapaligid sa inyo....

"puro kayo karangyaan at kasikatan... sa inyo na lahat yan... sanay kami sa hirap at di talaga kami nababagay sa inyo..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot ni Marjorie: "Huwag mo kung ano, Gene and Jen, kung inaano niyo, pinagtatanggol yung kapatid niyo.

"Anak ko itong ginaganun niyo. You're wishing karma on my children?

"Gene, ano pa yung sinasabi mo? 'Yung mga karangyaan niyo, yung mga kayamanan,' whatever.

"Gene, pinagtatrabahuan ng mga anak ko iyan. Do not punish my children if their life is good.

"They work so hard for what they have, Gene. Really, talagang grabe ka.

"Kayo, alam niyo kung anong ginawa sa akin, alam niyo yung pagkukulang.

"Ano sabi nila? Dennis cries himself to sleep?

"Yung mga crying my children to sleep, nakita niyo yun?

"Nakita niyo ba yung effect na babatiin lang ng mga anak ko ng Happy Father's Day ang kapatid niyo? Papadalhan ng pagkain, magra-rant kaagad? 'I don't need your food. I need a letter.'

"Birthday niya, magpapadala ng pagkain mga anak ko sa bahay niya.

"'Bakit ito lang?'

"Ang dami, o, Gene. Ang dami. Grabe yung mga anak ko, over and over na lang nasasaktan. Over and over.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"May sumagot na bang mga anak ko, ever? Did any of my children talk bad about their father in interviews? Never.

"They suffer in silence. It has an effect on their mental health."

Read: Gene Padilla defends brother Dennis's wedding-guest rant

Mananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa dagdag na pahayag nina Gene at Dennis sa isyu.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dennis Padilla to his brother Gene: "Wala kang mali... Nagbigay ka lang ng suporta sa akin... Dahil naramdaman mo ako... Salamat."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results