Walang mapagsidlan ang saya ng puso ngayon ng influencer na si Bea Borres sa lahat ng suportang natatanggap niya sa kanyang pagbubuntis.
Noong August 12, 2025, isinapubliko ni Bea sa kanyang YouTube vlog na siya ay nagdadalantao makaraang mag-pregnancy test nang ilang ulit.
Read: Bea Borres, 22, confirms pregnancy
Pag-amin niya wala naman siyang planong itago ang kanyang pagbubuntis, taliwas ito sa lumalabas na ispekulasyon ng netizens.

Kung tutuusin, masayang-masaya raw si Bea nang malaman ito kahit hindi naman niya inaasahang sa edad na 22 ay magiging ina na siya.
Read: Bea Borres reveals sexual exploitation by own brother
Bea Borres reminds her followers
Sa post sa Facebook ni Bea noong August 15, inalala niya kung paano hinarap ang katotohanan nang malaman na nagdadalantao siya.
Noong una ay aminado si Bea na nakaramdam siya ng takot, ngunit agad daw itong napalitan ng saya nang makita at maramdaman niya ang tulong at suporta ng kanyang mga mahal sa buhay.
Saad niya: "I just wanna share the importance of having a great support system… This has been a long journey of acceptance because I was facing it alone at first, but there’s nothing I want more now than to finally meet my baby.
"Thank you to my family and friends who have been nothing but supportive and accepting.
"I’m one of the lucky few to have such a strong support system."
Sa likod ng nararamdaman ngayong saya at pag-asa ni Bea, nilinaw niya na hindi dapat i-normalize ang pagiging ina sa murang edad.
Saad niya, "[By the way], I just want to make it clear that being a young mom shouldn’t be normalized."
Payo pa niya sa kanyang nakababatang kababaihang audience: "To my young girl audience, please always practice being safe.
"I just really got lucky because I have a great support system."

Read: Alleged father of Bea Borres’ unborn baby breaks silence
ALARMING NUMBER OF YOUNG PREGNANCIES
May bigat talaga ang apila ni Bea sa kanyang young girl audience na maging maingat, dahil ayon sa January 16, 2025 report ng Philippine News Agency base sa 2023 data ng Philippine Statistics Authority, nagkaroon ng 6.6 percent increase ng live birth among young girls ages 10 to 14 mula 2019 hanggang 2023.
Mula sa bilang na 2,411, lumaki ito sa bilang na 3,343.
Ang nakababahala pa, ayon kay Commission on Population and Development Undersecretary Lisa Grace Bersales, 38 na batang babaeng may edad below 15 years old ang nakaranas ng multiple pregnancies nung 2023, habang 17 naman under the age of 20 ang nanganak ng lima o mas marami pang beses nung taon ding iyon.
Kaya't nananawagan si Bersales na ipasa na sa Senado ang Adolescent Pregnancy Prevention Bill (Senate Bill 1979) na sa kasalukuyan daw ay nasa interpellation pa.
