PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bea Borres reveals sexual exploitation by own brother

Bea Borres: “Si Kuya kasi growing up he was lonely din. He was depressed."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Aug 26, 2024
Bea Borres reveals being sexually exploited by own brother
Bea Borres on being sexually exploited by own brother in the past: "Binidyuhan niya ako while taking a bath, na naked. He took a video of me and then he sent it to his friends for, I don't know, for money, for... hindi ko alam, e."
PHOTO/S: Screengrab on Toni Gonzaga Studio YouTube

Trigger Warning: Mention of sexual exploitation, bipolar disorder, depression

Emosyunal na binalikan ng YouTuber-actress na si Bea Borres, 21, ang masalimuot na pinagdaanan umano noong kanyang kabataan.

Kuwento ni Bea sa Toni Talks nitong Linggo, August 25, 2024, bagamat kumpleto noon ang kanyang pamilya, pakiramdam niya ay kulang ang atensiyon at pagmamahal na ibinigay sa kanya ng sariling kadugo, lalo na ng kanyang sariling magulang.

Sa murang edad ay nasaksihan daw niya ang madalas na pag-aaway ng kanyang ama at ina.

Bea Borres reveals being sexually exploited by own brother
Photo/s: Screengrab on Toni Gonzaga Studio YouTube. BEA BORRES REVEALS CHILDHOOD STRUGGLES.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga panahon pa raw na, dala ng sitwasyon ng mag-asawa, napagbubuntunan siya ng galit ng ina, na siyang dahilan para masugatan siya at magkaroon ng mga pasa-pasa sa katawan.

Ganunpaman, hindi raw nagtanim ng sama ng loob dito si Bea. Unti-unti raw niya itong naintindihan lalo na nang ma-diagnose ang kanyang ina na may bipolar disorder.

Ayon sa National Institute of Mental Health, ang bipolar disorder—na kilala noon sa tawag na manic-depressive illness o manic depression—ay isang uri ng mental illness "that causes unusual shifts in a person's mood, energy, activity levels, and concentration."

BEA’S TRAUMATIC EXPERIENCES

Hindi man perpekto ang pamilyang kinalakihan, mahal na mahal daw ni Bea ang kanyang pamilya, kaya tila gumuho ang mundo nang magkasunod na namatay ang ama at ina noong 2022 dahil sa magkaibang sakit.

Read: Bea Borres tells KathNiel fans: "Wala kayong makukuha sa akin."

Pagkatapos mamatay ang mga magulang, ang nakatatandang kapatid na lalaki ni Bea na raw ang tumayong ama at ina niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ito’y kahit hindi naman kagandahan ang relasyon nilang magkapatid noong nabubuhay pa ang magulang nila.

Lahad ni Bea, “Growing up, kulang talaga kami sa guidance, and actually, ngayon, talaga sobrang love ko si Kuya.

“Sobrang proud ako sa mga small achievements niya.

"Pero growing up, hindi naging okay yung relationship namin.”

Read: Ricci Rivero responds to Bea Borres "hanggang hard launch nag mamalinis" cryptic tweet

Sa puntong ito, naging emosyunal si Bea nang alalahanin ang puno’t dulo ng pagkasira noon ng relasyon nilang magkapatid.

Bea Borres reveals being sexually exploited by own brother
Photo/s: Screengrab on Toni Gonzaga Studio YouTube. bea borres emotional in her interview.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Bea, nakaranas siya ng seksuwal na harassment mula mismo sa kanyang kapatid.

Nadiskubre niyang lihim daw siya nitong kinukunan ng video habang naliligo nang hubo’t hubad.

At pagkatapos ay ipinadala pa raw ng kanyang kuya ang video sa mga kaibigan kapalit ng pera.

Kuwento ni Bea: “So, binidyuhan niya ako while taking a bath, na naked.

“I think I was thirteen, fourteen.

“Hindi ko po alam [na binibidyuhan niya ako]. And then he took a video of me, and then he sent it to his friends for, I don't know, for money, for... hindi ko alam, e.

"Nakita ko na habang kinakalikot ko yung phone niya. Sabi ko, 'Kuya, borrow phone,’ kasi may mga games siya.

"Then, nag-open ako ng messenger ta's nakita ko, ayaw ko pa po maniwala, pero 'CR namin ‘to ah.'

“Tapos nakita ko, 'My God, katawan ko!'

"Sabi ko, 'Kuya, what's this?' Tapos hindi siya makasalita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi niya, 'I'm sorry. I'm sorry, Bea.'”

Read: Gerald Santos speaks up about "sexual harassment" at 15

Nang isumbong ito ni Bea sa pamilya, hindi raw sila nag-atubiling gumawa ng aksyon para kastiguhin at bigyan ng leksyon ang kuya niya.

Lahad ni Bea: “Nagwawala na ako, pati yung tito ko, nagwawala na rin.

"Sabi niya [sa kuya ko], ‘Bakit mo ginaganyan yung kapatid mo? Bakit, anong ginawa sa yo?’

“Tapos [si Kuya] hindi na po siya makaimik kasi parang siguro na-realize niya na mali din ginawa niya.

“Then, umalis siya to the point na nag-worry lahat kasi baka kung anong gawin niya [sa sarili niya].

“Kasi si Kuya din po, bipolar din siya. Ang hirap kasi yung kuya ko bipolar and mommy ko rin bipolar. Ang hirap talaga growing up.

"Ayun nga, the next day, parang bumalik siya. Ako naman, iniyak ko na lang lahat.”

Pagpapatuloy ni Bea: “Pero yun nga, the next day, bumalik si Kuya [sa bahay]. Tapos tinatanong na nila, sabi ng family ko, sabi ng mom [and] dad ko, 'Bea, ano, gusto mo bang ipakulong si Kuya mo? Tara na, ipa-blotter na natin.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi ko, 'Hindi po, huwag na, ipa-check niyo na lang po si Kuya.'

“Kasi feeling ko, if normal naman siya or hindi kami ganun lumaki na kulang kami sa love, feeling ko, hindi niya naman gagawin yon.”

Read: Sandro Muhlach speaks up about sexual abuse

INAPPROPRIATE BEHAVIOR from BEA'S BROTHER

Tinanong ng vlog host si Bea kung may ginawa pang iba sa kanya ang kapatid bukod sa pagbi-video habang naliligo ang dalaga.

Dito ipinagtapat ni Bea na hindi iyon ang unang beses na nakaranas siya ng pangha-harass mula sa sariling kapatid.

Read: Sandro Muhlach, nakararanas umano ng trauma at PTSD

Bago pa raw niya mahuling binibidyuhan siya nito habang siya'y naliligo, makailang beses na rin umano siyang hinipuan ng kanyang kuya habang siya ay natutulog.

Pahayag ni Bea: “Actually, parang ayun na yung last. Pero before that, I saw the signs na dine-deny ko lang and my mom knew it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“She didn’t tolerate it kasi pinapalayo na niya ako kay Kuya. Parang sinasabi [ng mommy ko] na, ‘Huwag kang mag-shorts, huwag kang mag-skirt.’

“Kasi, every time na nagsusuot ako ng maikli, pinipiktyuran ni Kuya pakunwari.

“Tapos kapag tulog ako, hinahawakan niya ako [inappropriately]. Nagigising na lang ako na, 'Oh my God!' Nagagalit ako at sinasabi ko sa kanya na, ‘Don’t do that.’

“Palaban din po kasi ako, sumisigaw talaga ako to the point na parang may mga makakarinig sa amin.”

Ngunit sa halip na isuplong at ipakulong, mas inintindi raw ni Bea ang taglay umanong sakit ng kuya niya kaya mas pinili niyang patawarin ito.

Sabi ni Bea: “Actually ngayon, okay na ako. Kasi sobrang nangingibabaw yung love and forgiveness ko.

“Si Kuya kasi, growing up, he was lonely din. He was depressed.

“Parang lalaki, e, parang nagke-crave din siya ng female validation siguro. So, parang feeling ko, nilalabas niya sa akin yon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BEA FORGIVES HER BROTHER

Nakikita rin naman daw ni Bea ngayon kung gaano pinagsisisihan ng kanyang kuya ang ginawa nito noon, kaya ngayon ay bumabawi raw ito sa kanya.

Lahad ni Bea: “Nag-usap na kami, and I feel like, kasi I've been holding it, so parang gusto ko nang i-set free. Yun, kasi love na love ko pa rin yung kuya ko.

"And after that incident, wala na pong nangyari.

“Sobrang bumawi po siya sa akin, like, in ways that he could.

"I think, nag-heal na talaga ako from that. Pero siguro, meron pa rin akong pagtampo sa kanya kasi hindi ko talaga alam anong ginawa ko para gawin sa akin yon.”

Dagdag pa ng YouTube actress, “But looking back, hindi na sumisikip yung dibdib ko.

“Kasi before talaga, noong hindi pa ako okay, every time I think about it, as in sumisikip talaga yung dibdib ko, nanginginig ako.

"Na-trauma po talaga ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Sen. Jinggoy Estrada addresses "victim blaming" accusations

EDITORS: Bukas ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa panig ng sinuman sa mga nabanggit sa artikulong ito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Borres on being sexually exploited by own brother in the past: "Binidyuhan niya ako while taking a bath, na naked. He took a video of me and then he sent it to his friends for, I don't know, for money, for... hindi ko alam, e."
PHOTO/S: Screengrab on Toni Gonzaga Studio YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results