Baby boy ang magiging first baby ni Kapuso actress-comedian Valeen Montenegro at ng kanyang non-showbiz husband na si Riel Manuel.
Read: Valeen Montenegro now married to Riel Manuel
Due date ni Valeen ay sa November 2025. Noong June 2025 lamang ini-reveal ng aktres na siya ay buntis na sa first baby nila ni Riel.
Tinaon niya ang pagsapubliko ng kanyang pregnancy sa kanyang 35th birthday noong June 10.
Read: Valeen Montenegro pregnant with first child
“Been keeping a little secret,” caption ni Valeen sa kanyang pregnancy-reveal kunsaan may video na naka-bathing suit siya at ipinakita niya sa kanilang friends ang photo ng ultrasound niya.
View this post on Instagram
Noong nakaraang August 1, nagkaroon ng intimate gender-reveal party si Valeen at Riel.
Naging creative sila sa pag-reveal sa gender ng baby sa pamamagitan ng larong tic-tac-toe.
Noong magkaroon ng straight pattern of blue circles, dun na na-reveal na boy ang isisilang ni Valeen.
Ilan sa mga naging bisita ni Valeen ay ang mga co-stars niya sa GMA-7 gag show na Bubble Gang na sina Chariz Solomon, Lovely Abella, Dasuri Choi, Ashley Rivera, at Princess Ryan.
View this post on Instagram
View this post on Instagram
Sa post naman ni Valeen noong August 2 na may caption na “My year in progress Chapter 2 is Loading…” ang laman nito ay video ng kanyang pregnancy progress, kasama ang kanyang pag-exercise, pagkain, regular checkup, pagbili ng mga gamit for the baby, ang gender-reveal party, at pati na ang pagbiyahe kahit malaki na ang tiyan niya.
View this post on Instagram
Sa latest post ni Valeen, nasa Paris ito at namamasyal.
May caption ito na: “Strolling down Rue du Faubourg Saint Honoré"
Ang Rue du Faubourg Saint-Honoré ay isang pamoso at upscale na kalye sa 8th arrondissement (district) of Paris, na kilala dahil sa luxury boutiques, art galleries, and prestigious addresses na narito.
View this post on Instagram
Ikinasal si Valeen at Riel, na isang cinematographer, noong January 2024 sa Santuario de San Antonio Parish in Forbes Park, Makati City.
Huling lumabas si Valeen sa teleserye na Love. Die. Repeat. na pinagbidahan nina Jennylyn Mercado at Xian Lim noong 2024.
Si JC Santos naman ang huling nakasama ni Valeen sa pelikulang I Remember You na pinalabas noong July 9, 2025.
View this post on Instagram
