Masayang ibinalita ni Ruffa Gutierrez na magtatapos na ng college ang panganay niyang anak na si Lorin Bektas.
Nag-aral ng advertising at integrated marketing si Lorin sa Pepperdine University sa Los Angeles, California.
Kuwento ni Ruffa, "Yes, si Lorin po is graduating na sa May 1 and 2. Meron siyang commencement exercises sa L. A. kaya pupunta ako doon."
Anong pakiramdam na may anak na siyang magtatapos na ng kolehiyo?
"Yes, graduating na. Oo, happing-happy ako kasi talagang graduating na siya at meron na akong isang magtatapos po.
"So bilang ina, talagang tuwang-tuwa ako. And, ah, isa na lang ang paparaalin ko, si Venice na lang."
Si Lorin at Venice ay parehong anak ni Ruffa sa Turkish ex-husband niyang si Yilmaz Bektas.
Patuloy pa rin daw ang komunikasyon nila.
"Oo naman! I mean lagi kaming nag-uusap kasi siyempre may mga anak kami."
Dadalo din ba si Yilmaz sa graduation ng anak?
"Ay, hindi natin alam. Hindi natin alam. Surprise."
Kuwento pa ni Ruffa sa mga kursong kinukuha ng mga anak: "Si Lorin, tinatapos po niya is advertising and integrated marketing.
"Tapos si Venice po, political science."
Itong mga kurso ba nila ay mga gusto talaga nilang kunin o may impluwensiya niya?
Sagot ng celebrity mom: "Ay, hindi sila ang may gusto niyan. Sila talagang dapat pumili kasi sila... I mean that's what they are going to study in the future."
Read: Ruffa Gutierrez, "napupunta ang sweldo" sa pag-aaral ng mga anak
Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ruffa noong papaalis na ito sa venue ng ginanap na 4th Anniversary Thanksgiving Dinner ng Luxe Beauty and Wellness Group ni Anna Magkawas.
Ginanap ang event kagabi, January 25, 2026, sa Cleo by Blue Leaf, Carmona, Cavite.

Read: Kampo ni Raymart, sinagot ang "kidnapping" allegation ni Claudine
RUFFA GUTIERREZ ON LOVE LIFE
Kamusta naman kaya ang love life ngayon ni Ruffa?
Sagot niya, "Ay, huwag muna, wala ng time para sa love life. Tama na yung inspiration. Tawag-tawag. Text, text."
So may mga nagpaparamdam?
Ang nakangiti niyang sagot, "Marami."
Paano kaya niya ipagdiriwang ang Valentine's Day sa darating na Pebrero?
Sagot ni Ruffa na may halong biro, "Ang pagmamahal na galing sa lahat ng tao, including sa iyo. Oo, di ba?"
Ang huling napabalitang boyfriend ni Ruffa ay si Herbert Bautista.
