Napalapit na rin sa pamilya ni Ruffa Gutierrez si Barbie Imperial, ang girlfriend ng kapatid ni Ruffa na si Richard Gutierrez.
Katunayan, naging punong-abala raw si Barbie sa surprise intimate birthday dinner para kay Richard at sa kakambal nitong si Raymond Gutierrez noong January 21, 2026, para sa ika-42 kaarawan ng magkapatid.
Ginanap ito sa Spices restaurant sa Manila Peninsula Hotel sa Makati City.

Kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ruffa si Barbie.
Sagot niya: "Okay naman po. Mabait siya sa akin. I'm very excited na siya yung bagong leading lady ni Chard."
Ang tinutukoy ni Ruffa ay ang pagsasamahang action-drama series nina Richard at Barbie sa ABS-CBN, ang Blood vs Duty.
Bagamat mukhang okay si Barbie sa pamilya ni Ruffa, may nang-iintriga pa ring baka magkaroon ito ng problema sa Gutierrez matriarch na si Annabelle Rama, na kilala sa pagiging prangka at mataray.
At hindi rin lingid sa kaalaman ng marami ang naging isyu nito sa estranged wife ni Richard na si Sarah Lahbati.
Pero ayon kay Ruffa, "Ay, alam mo naman intriga lang yun, pero sa labas lang yung ingay. Sa loob naman, wala."
Papuri pa ni Ruffa kay Barbie: "Masarap siya magluto.
"Dapat turuan niya akong magluto ng mga maanghang na mga pagkain."
Biro pa niya, "Sana walang gayuma."
Si Barbie ay tubong-Bicol.
Kinumpirma nina Richard at Barbie ang kanilang "private relationship" sa panayam ng ABS-CBN News nooong January 19, 2026.
Read: Richard Gutierrez, Barbie Imperial admit “private relationship”
RUFFA GUTIERREZ GIVES UPDATE ON DAD EDDIE'S HEALTH
Malaki naman ang pasasalamat ni Ruffa sa lahat ng nagdasal para sa paggaling ng amang si Eddie Gutierrez, na dinala pa nila sa Singapore upang doon magpagamot.
Lahad ni Ruffa: "My dad is actually feeling, feeling so much better. Ah, maraming-maraming salamat sa lahat po ng nagdasal para sa kanya.
"Talagang prayers, I can say, really work. So, natutuwa po ako talaga and I'm very happy that I was able to spend more time with my dad."

Hindi naman maitago kay Ruffa ang labis nilang pag-aalala sa kalagayan ng ama.
"Siyempre lahat talaga nag-aalala and, you know, 83 na po si Daddy, so gusto ko talaga this year I'll spend more time. Not only with my dad pero with my mom as well."
Lagpas isang linggo raw silang namalagi sa Singapore para sa pagpapagamot ni Eddie.
"Nakauwi na kami. Nine days po kami sa Singapore and marami pa siyang treatments na dapat gawin. Pero babalik po dapat kami sa April," sabi ni Ruffa.
Ano ang mga dapat gawin ng daddy niya ngayong nagpapagaling ito?
Ayon kay Ruffa: "Pahinga at saka kailangan ng exercise din.
"So, kailangan niya mag-water therapy.
"And yun siguro, kailangan prayers pa din talaga para hindi bumalik po yung sakit."
Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ruffa sa sideline ng 4th Thanksgiving Dinner ng Luxe Beauty and Wellness Group ni Anna Magkawas.
Ginanap ito sa Cleo by Blue Leaf, Carmona, Cavite, Linggo ng gabi, January 25, 2026.

Sabi ni Ruffa tungkol kay Anna: "Siyempre, mahal na mahal ko si Ms. Anna and talagang nandito ako para sa kanya.
"Happy fourth year anniversary to the Luxe Wellness Group.
"And talagang bilib na bilib ako sa supporta ng mga affiliates ni Ms. Anna, mga Luxers, kasi nakikita naman natin ang dedication and ang kanyang perseverance para maging successful siya sa kanyang business.
"I really admire her and she's an inspiration to me."
Read: Claudine Barretto accuses personal assistant of kidnapping
