Natatawa si Yasmien Kurdi tuwing naaalala niya ang kanyang bullying experience noong bata siya.
"Naranasan ko, pero palaban ako.
"Naaalala ko dati... Kasi sa Middle East kasi, nung nasa Middle East ako, hindi ako nabu-bully dun okay, kasi ang laki ko nun, e.
"Like, antaba ko nun tapos ang laki ko nun.
"So siguro, takot yung mga bata sa akin na kapag inaway nila ako, dadambahan ko sila."
Kahit noong nasa Pilipinas na siya, hindi raw umubra ang mga bullies.
"Pero nung nag-high school ako, umuwi kami dito sa Philippines. Naalala ko, nananalo ako doon yung beauty contest, sa school namin.
"Tapos parang may yung mga dumating na girls. Sabi sa akin, 'Anong tingin mo? Maganda ka, ha? Nanalo ka ng Tagis Lakas.'
"Sa, ano pa yun, e, dati siyang school ko.
"Parang sports, sports, ano lang yun, sports news.
"At sabi ko, 'Oo, bakit? Kesa naman diyan sa mukha mo?' Ganun ako, palaban talaga ako.
"Like, talagang nakita mo naman kami ni Cristine Reyes, di ba? 'I find you plastic, I find you plastic,' mga ganyan, di ba?
Sina Yasmien at Cristine ay batchmates sa StarStruck Season 1.
Ang nasabing five-second clip ay inilabas sa Twitter (X na ngayon) ng isang netizen noong August 12, 2021, at may caption na: "me and my besties kung paano nabuo ang friendship namin."
Makikita ritong nagkaroon ng kumprontasyon ang dalawa.
Sabi ni Cristine kay Yasmien, "You're kinda plastic."
Sagot ni Yasmien, "Actually, na-find din kitang plastic."
Read: Throwback: Yasmien Kurdi, Cristine Reyes call each other plastic
Giit ni Yasmien, hindi siya yung tipo na matatalo kapag may away.
"So talagang ako yung kid na I don't know kung ita-try mo akong i-bully, talagang mang-aaway ako, ganun.
"Lalaban ako."
YASMIEN KURDI ON DAUGHTER BEING BULLIED
Ito raw ang pagkakaiba nila ng panganay niyang si Ayesha.
"...Kasi iba yung anak ko. Yung anak ko kasi, wala, e, tumahimik e."
Nagbiro tuloy siya ng: "Sabi ko sa kanya, 'Dapat yun inupakan, e.'
"Hindi, joke. Pero alam mo yun? Kung ako ka lang kasi yun, iba yung magiging reaction ko.
"Pero kung mabait ka, yun, yun, iiyak-iyak ka, ganun."
Read: Yasmien Kurdi pursues law degree to protect and defend her family
YASMIEN KURDI ON BOOK ABOUT BULLYING
Nag-file ng reklamo si Ayesha sa Department of Education dahil sa alleged bullying na naranasan niya sa dating school.
Dahil dito, naging anti-bullying advocate ang aktres.
May collab siya with showbiz reporter Nelson Canlas librong pambata na pinamagatang Si Jose at ang Mahiwagang Taguri.

Naging public relations officer kasi noon si Nelson sa StarStruck kaya naging malapit sila.
Saad niya: "Siya yung nagturo sa amin paano sumagot sa mga press.
"Kaya matagal ko ng kakilala, matagal ko ng mentor si Kuya Nelson.
"And noong nangyari nga yung kay Ayesha, naku isa siya sa mga tumawag talaga sa akin.
"Galit na galit siya. Sabi, 'Naku, Yasmien,' ganyan. Yun pala, nati-trigger siya kasi dati nabu-bully din siya and all.
"E, sabi ko nga, nung nakita niya yung story ni Ayesha, na-inspire siya na gumawa ng libro na Si Jose at ang Mahiwagang Taguri.
"Kaya sabi niya, collab tayo and all."
May malaking ambag si Ayesha sa librong pambata.
"...habang sinusulat yung Si Jose at ang Mahiwagang Taguri, we always ask Ayesha, 'Dito sa mga senaryo mong ito, anong gagawin mo? Ano yung magiging reaction mo?'
"And, at the same time, merong poem si Ayesha. May sulat siyang tula na andun sa libro mismo, 'A Happy Place for All.' Yun yung title.
"So, sabi ko, itong book din na ito, maganda siya kasi, honestly, ang dami kasing mga na-bully na hindi na-address way back.
"Kaya, honestly, ako, alam kong mismo yung feeling na, yung parang nasasakal kapag nandiyan yung mga bully mo.
"Alam mo yung parang pag nandiyan na sila, hindi mo alam kung anong gagawin mo. Yung parang nakakasakal lang, hindi makahihinga.
"So, alam ko yung ganung feeling talaga. At nung kinukuwento sa akin ni Kuya Nelson, sabi ko, 'It's about time na may ganitong klaseng libro kasi ito yung mga hindi ino-open up.'
"Hindi nagiging open yung mga tao sa pag-tackle about bullying. Kapag mayroong bullying, hindi sinasabi. Hindi nag-i-speak up yung mga bata."
Dapat daw na maturuan ang mga bata na i-alert ang kanilang mga magugulang kapag nakakaranas sila ng bullying.
Sa pagpapatuloy ng Kapuso star: "E, supposedly dapat turuan natin yung mga bata paano sila magsalita, paano sila magsumbong.
"Sabihin niyo to someone who's older than you. Sabihin niyo sa guardian niyo.
"Sabihin niyo sa mga parents niyo. Hindi kayo dapat tumahimik lang kasi paano malalaman din ng mga bullies na mali ang ginawa nila kung hindi niyo sasabihin sa kanila?"
Hindi raw dapat pinapabayaan ang mga bullies.
"Siyempre, pag nasanay sila na mam-bully ng iba, ano yun, lalaki silang criminal, di ba, ganun yun, e.
"So, you really, really have to, habang bata pa, di ba? I-correct mo na.
"Putulin mo na sungay kesa lalaki silang suwail. Ikaw rin, bahala ha, ikaw rin mahihirapan."
Ang purpose ng kanyang children's book ay for awareness.
"So, I think it's about time na meron ganitong klaseng books at sana mas dumami pa ang Si Jose at Mahiwagang Taguri.
"It's all about bullying and paano niyo malalagpasan ang pagsubok na kapag nangyari yun sa inyo, di ba.
"Kailangan rin ng book na parang, I think dapat din sa mga schools, di ba, i-open up na rin nila, what if mangyari sa iyo yung bullying, what to do? How to react? Di ba? Ang ganda, e.
"Minsan may mga nakikita ako sa Instagram, mga ganun, mga content. So, I think maganda siya for kids and for, for high schools, you know.
"And honestly, yung bullying kasi, hindi lang naman siya sa schools. Pati naman in showbiz, di ba? Maraming bullies, maraming ganun. How do you react?
"Pero siyempre kasi pag bata, hindi pa nila alam kung pano sila magri-react sa mga ganun klaseng mga tao, ganung scenario.
"So, I think dapat maraming ganito, mga educational books to help them cope with the feelings, with anxiety, with everything that's going on."
Read: Yasmien Kurdi, itinuloy ang reklamo sa dating eskuwelahan ng anak
YASMIEN ON MOTHER'S DAY; MOTHERHOOD
Ngayong Mother's Day, ano ang masasabi niya tungkol sa pagiging ina?
Saad niya: “Hindi naman po ako perfect na mommy. Marami rin po akong mali. Marami akong hindi, I think, hindi ko nagagampanan na, you know, pagiging isang perfect mommy.
“I don't know kung paano maging perfect mommy. But, you know, I always do my best and I try my best na gawin lang kung ano yung tama, sa tingin kong tama, para sa mga anak ko.
“And together with Daddy Rey, you know, we always talk to each other kasi may partner ako. We always talk to each other.
"Kung ano yung mga decisions namin, mga susunod na decisions namin. Kasi, hindi ako puwedeng gumawa rin ng mga decisions on my own dahil nga I have a husband.
"So, basta, as a mom, I give my love and my life and everything, my strength na itaguyod at palakihin ng maayos yung mga anak ko.”
View this post on Instagram
Ano ang kaya mong gawin bilang isang ina para sa mga anak mo? Ano ang kaya mong ipagpalit? Ano ang kaya mong ibigay? Ano ang kaya mong i-give up?
Sagot niya: “Kaya ko ibigay buhay ko para sa mga anak ko.”
Abangan sa PEP Real Talk YouTube channel ang buong panayam kay Yasmien.
Read: Pro-Duterte senators oust Sotto from Senate seat; Bato returns
