Matapos ang ilang taong pamamahinga pagka-graduate ng kolehiyo noong 2019, ang pag-aaral naman ng abogasiya ang pinagtutuunan ng pansin ngayon ng aktres na si Yasmien Kurdi.
Nagtapos na magna cum laude si Yasmien sa kursong AB Political Science sa Arellano University noong April 6, 2019.
Read: Yasmien Kurdi graduates from college magna cum laude
Noong March 2026, inanunsiyo ni Yasmien na siya ay muling bumalik sa pag-aaral, sa Arellano Law School, upang tuparin ang isa sa pangarap niya—ang makakuha ng law degree at maging ganap na abogada.

YASMIEN on challenging subjects during HER first semester
Sa pagbisita ng Real Talk ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa bahay ni Yasmien sa isang exclusive village sa South kahapon, May 6, 2026, nagkuwento ang aktres ng mga naranasan niyang hirap sa mga unang buwan ng semester bilang law student.
Lahad niya: "Okay naman po ang pagiging law student.
"Masaya siya and marami akong nami-meet na friends na nagwu-work sila sa iba-ibang mga industries.
"And marami akong natututunan sa kanila and, at the same time, marami akong natututunan sa course ko.
"Mahirap siya dahil kailangan mo laging nagbabasa. And kapag hindi ka masipag magbasa, parang mapag-iiwanan ka.
"Kaya kailangan talagang sipagan kapag law student."
Dagdag pa niya: "Iba talaga yung pagbabasa sa law school. Magko-cover to cover ka ng isang book.
"Like for example, babasahin mo yung Criminal Law nang cover to cover. May Book One, may Book Two, kasi ilang articles yun.
"So, sa isang sem. talagang matatapos mo yung isang buong libro. Sa isang subject pa lang yun, e, andaming subjects.
"So, andami mong librong tatapusin talaga."
So far, ano ang masasabi niyang pinakamahirap na subject?
Sagot ni Yasmien: "I think, pinakamahirap sa first year yung ano, yung paano ka gagawa ng case digest, kasi siyempre bago ka pa lang sa law school.
"So, wala ka pang idea kung paano mo siya susulatin or paano ka sasagot sa exam.
"Paano ba yung ALAC [Answer, Legal Basis, Application, Conclusion] method, kasi may mga ganun, e.
"So siyempre mapapaisip ka pa, 'Papano ko ito gagawin?' I think yung adjustment, yun yung mahirap sa first year.
"Pero once na nag-second sem ka na, it's ano na, nakaka-adjust ka na.
"And sa second sem naman, ang mahirap na subject sa first year, I think yung ObliCon, Obligations and Contract.
"So, yung Obligations and Contract, yun yung parang pinag-uusapan yung mga kontrata, yung mga utang, ganun.
"So, I think yun yung medyo challenging na subject."
Read: Kris Aquino tests positive for COVID-19 after hospitalization
YASMIEN RECALLS OLD INTERVIEWS ABOUT PURSUING A LAW DEGREE
Natatawa namang binalikan ni Yasmien ang isang panayam pagka-graduate niya ng college.
AB Political Science ang kursong natapos ng aktres kaya inaasahan ng lahat na kapag ile-level up niya ang kanyang pag-aaral niya law kaagad ang iisipin ng iba.
Pagbabalik-tanaw ni Yasmien: "Nakakatawa po kasi, one time, nagsu-scroll ako ng mga interviews ko sa YouTube.
"May nakita akong interview, sabi sa akin, 'Yasmien, dahil nagtapos ka ng Political Science, are you gonna pursue Law?'
"Sabi sa akin. Sabi ko, 'Ay, hindi. Hindi para sa akin yan,' sabi ko.
"May ganun pa ako sa interview, kaya tawa ako nang tawa noong nakita ko yung interview na yun.
"Sabi ko, 'Hindi, magma-Master's ako ng International, Consular Diplomacy, mga ganyan. Yun yung mga tatahakin ko.'
"Never siyang napunta sa isip ko na mag-law school until now.
"Kaya iyon, kaya medyo, okay, parang kinain ko yung sinabi ko. Kasi ano, yun pala, nag-law school din pala ako."
Paano niya napagdesisyunang ituloy ang pag-aaral ng abogasiya?
Aniya: "Siguro dahil gusto ko rin i-challenge yung sarili ko.
"Na when it comes to readings and to knowledge, tapos at the same time, parang nakita ko rin yung demand sa life ko and sa family ko.
"Pag artista ka kasi, pag-public figure ka, laging ikaw yung target. Laging ikaw yung parang pinupuntirya sa mga issues.
"So minsan, hindi ka makapagsalita, hindi mo ma-defend yung family mo.
"So, I think it's really nice na mapag-aralan ko to, para in the future, I can really, you know, I really know the law and I know how to defend my family and myself, too."
Ayon kay Yasmien, nakikita niya ang sariling tatanda sa showbiz, pero iba pa rin daw yung marami siyang alam.
Paliwanag niya: "Matagal ko nang nakikita yun. Sabi ko nga dati, matagal ko nang pangarap na maging parang Gloria Romero.
"Kasi, di ba, si Tita Glo, ang tagal niya sa showbiz. Talagang hanggang dulo-dulo, ang ganda-ganda niya pa rin, di ba?
"Na-maintain niya pa rin yung ganda niya as an actress.
"And matagal ko nang pangarap na maging forever artista talaga.
"Mahal ko ang trabaho ko, e. Mahal ko'ng pagiging artista.
"Pero siguro dahil doon sa mga nangyayari ngayon, yung mga changes, parang siyempre, kailangan mo rin ng survival.
"Kailangan mo ring matutunan yung ibang klase ng trabaho. Magkaroon ka rin ng ibang role para if ever na kailangan ng family mo and for the business.
"Alam mo yun? Yun yung mga magagamit mo para makatulong."
Read: Gomez, Leviste nearly figured in heated confrontation in Congress
SUPPORT FROM HUSBAND REY SOLDEVILLA
Suportado raw ng asawa ni Yasmien na si Rey Soldevilla ang kanyang pag-aaral, at ito pa nga raw ang nagtulak na ituloy niya ito.

Kailangan din daw may kaalaman siya sa ibang mga bagay sa labas ng showbiz.
Saad ni Yasmien: "Yes, oo. Saka minsan kasi, parang... ang hirap sabihin, e.
"Pero minsan, napi-feel ko, as an actress, parang feeling ko ang baba ng tingin sa amin, minsan.
"And hindi ko naman sinasabi na lahat ng tao ganun. Pero minsan, parang feeling nila wala kaming pangarap sa buhay, ganun.
"And I know a lot of actresses and actors, marami silang pangarap sa buhay.
"Pero kailangan lang talagang gawin yan [pag-arte] dahil siyempre may mga sinusuportahan silang pamilya and all, ganyan.
"And so, parang ako, ngayon, parang sabi ko, 'Kailangan ko rin ng ibang career na para pag hindi ako artista, meron din ako ibang purpose.'"
Abangan ang Real Talk Mother's Day Special sa PEP.ph YouTube channel featuring Yasmien.
Dito ay inilahad niya ang mga hirap na pinagdaanan niya bilang isang ina lalo na't nasangkot ang panganay nilang anak ni Rey na si Ayesha sa alleged bullying incident sa eskuwelahan.
Read: Yasmien Kurdi, itinuloy ang reklamo sa dating eskuwelahan ng anak
