Bali, Indonesia ang destinasyon ng maraming Filipino celebrities ngayong Holy Week.
Isa na nga sa kanila ang pamilya ni Sunshine Cruz kasama ang mga anak na sina Samantha, Angelina, at Chesca para magbakasyon.
View this post on Instagram
Sa pamamagitan ng Facebook messaging, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sunshine habang nasa poolside ng nirerentahang Villa Avalon Resort, Bali.
Published as is ay ang mga sagot at kuwento niya kung anong klaseng activities ang nagagawa nila ngayong "ALL-GIRL TRIP" nila.
Natatawang kuwento ng aktres, “Shopping. Kidding aside, we girls usually travel once a year and we spend as much time as we can at kung puwede pati sa room magkakasama kaming apat.
"It’s also our way para mag-catch up and bond as family.”
Ano naman ang common interest nilang mag-iina kapag nasa abroad?
Lahad ni Sunshine, “We love to eat and explore when it comes to food, places.
"Anything goes basta magkakasama kami. Bawal ang KJ [killjoy] at maarte.”
Magastos magbiyahe sa ibang bansa. Paano niya pinaghahandaan ang yearly tradition na nilang magbakasyon sa ibang bansa?
Kuwento niya, “Matipid ako. Pinaghihirapan ko ang money, hindi pinupulot, kaya I spent it wisely.
“I’d rather spend my money for good food and souvenirs namin ng mga bata kesa mag-business class especially kung short flights lang.
"Kaya nga di totoo na nag-business class ako/kami sa Bali dahil walang issue samin ang mag-economy.”
Ang tinutukoy ni Sunshine ay ang pagkadawit ng kanilang pamilya at grupo sa kumalat na “CELEBRITY FAMILY is flying and our seats were given to them” post ng isang netizen noong April 3, 2023.
Read: Sunshine Cruz denies her group caused bumping of other Bali-bound passengers from business class
Ikinagulat ni Sunshine ang akusasyon matapos siyang tanungin ng ilang netizens kung ang grupo ba nila ang dahilan kung bakit na-bump off diumano ang isang grupo papuntang Bali sa kanilang business class seats.
Read: Sunshine Cruz calls out Bali-bound netizen who ranted about being bumped off from business class
Nagtataka siya kung paano nadamay ang pangalan niya sa walang basehang post gayong naka-economy class seats lamang sila ng mga anak.
Read: Sunshine Cruz, daughters travel economy to Bali: “Yes! Economy lang kami.”
WEARING BIKINI AT 45
Kuwento pa ng aktres, hindi Bali ang pinakamahal nilang biyahe kundi Japan.
Aniya, “Japan trip I think pero I always save and prepare for our once a year out of the country trip.
“Minsan lang sa isang taon kaya pinaghahandaan ko. Walang regret ang every minute spent with my kids.
“Kung wala akong enough para mag-travel, di ko ipipilit but because my goal is to really let my children experience travelling to different places, yan ang nagiging inspiration ko to work harder.
“I still want to travel with them to as many different countries as I can bago sila magka boyfriend at mag-asawa.
"That is my goal for years kaya work, work para lahat happy.”
Sa panahon ngayon, hindi na maiiwasan ng maraming celebrities ang ma-bash lalo na pagdating sa kanilang sinusuot.
Ang ilan pa nga rito ay nilalait pa ang itsura kapag nagsusuot ng seksing-sexy na swimwear.
Pero para kay Sunshine, basta maayos sa kanyang panlasa at wala naman siyang inaapakan, gugustuhin pa rin niyang magsuot ng ganitong klaseng kasuotan.
View this post on Instagram
Saad niya, “Appropriate get-up ang swimsuit/swimwear for swimming. I believe na kahit ano pa ang size at shape natin, hindi issue ang pagsusuot ng swimsuit.
“As long as wala naman tayong nilalabag, wala tayong nasasaktan, let’s enjoy life!
“Like what I always say online. Magandang reminder din ito para sa lahat: wear clothes that make you feel good about yourself, happy, and confident.
"That’s what matters.”
