Nagkaroon ng bonding session ang mga anak ni Sunshine Cruz kasama ang ama nilang si Cesar Montano at kapatid na si Diego Loyzaga.
Nagkaroon ng quality time ang mag-aama sa pamamagitan ng sports, gaya ng basketball at badminton.
Noong nakaraang linggo ay ipinost ni Diego ang bonding moment nila ni Cesar, na hudyat na rin ng kanilang tuluyang pagkakaayos.
Read: Diego Loyzaga makes amends with father Cesar Montano: "I apologise…"
Sinundan ito ng pagkikita ng mag-ama kasama ang tatlong anak ni Cesar sa dating asawang si Sunshine—sina Angelina, Samantha, at Franchesca.
Ipinost ni Diego ang mga larawan ng kanilang “family day” sa Instagram nitong Huwebes, March 10, 2022.
Caption ng aktor: “Fun fun fun family daaaay w Maestro and the twins.”
Si Diego ay anak ni Cesar sa dating karelasyong si Teresa Loyzaga.

Reaksiyon naman ni Angelina, panganay nina Cesar at Sunshine: “dream team [star emoji]”
Reply ni Diego: “@angelinaisabele this was a good comment hahaha [gold medal emoji]”

Ibinahagi naman nina Angelina, Samantha, at Franchesca ang mga larawan ng kanilang bonding session via Instagram Stories.
Ikinatuwa nina Sunshine at Teresa ang family time ng kani-kanilang mga anak kasama ang kanilang tatay.
Bakas sa kanilang komento na hindi sila tutol sa pagsasama-sama ng mga anak nila at ng ama nilang si Cesar.
Komento ni Sunshine: “Finally all five of you! More of this please.”

Ni-repost ni Teresa ang picture ng mag-aama.
Caption ng seasoned actress: “When our Children are Happy, the Mothers are Happiest! Blessing!”

Nagkaroon ng relasyon noon sina Teresa at Cesar, at naging bunga ng kanilang pagmamahalan si Diego.
Si Cesar ay ikinasal naman kay Sunshine noong 2000. Nagkaroon sila ng tatlong anak na babae.
Nagsumite ng annulment case si Sunshine noong 2014, at na-grant ito ng Quezon City Regional Trial Court noong September 2018.
