Ang Benten Mountain na nasa Road 10, Tokushima Prefecture, ang itinuturing na shortest natural mountain sa Japan.
Nasa pusod ito ng malawak na palayan na may malusog na lupa.
May taas lang ito na 6.1 meters o 20 feet, at diameter na wala pang 60 meters.
Isa rin ito sa pinakamababang bundok sa buong mundo.
Read: Six-year-old girl, only first-grader in Japan school

Read: Andi Eigenmann "faking sadness" during Japan trip?
Kung aakyatin ang Benten Mountain, ang isang average person ay gugugol lang ng mahigit isang minuto para marating ang pinakatuktok nito.
At ito ang specific purpose ng tinatayang nasa 10,000 katao na “naglalakbay” sa Benten Mountain taun-taon.
Effortless nga naman ang pag-akyat.
Read: Success! Japanese boy reconstructs shredded 10K yen bill
BENTEN MOUNTAIN PART NG CHERRY BLOSSOM FESTIVALS
Kung para sa ibang bumibisita sa Benten Mountain ay isang novelty lang ang magalugad ang kabuuan ng pinakamaliit na bundok sa Japan, ang iba naman ay nagpupunta para tingnan ang magagandang cherry blossoms, wax tree, camelias, at iba pang halamang namumulaklak na malayang tumutubo roon.
Read: Amazing and relaxing “cherry blossom-like views” sa Taguig City
Ang ibang bisita naman ay pinupuntahan ang Itsukushima Shrine na itinayo bilang parangal kay Benzaiten, ang goddess of wisdom.
Ang Benten Mountain ay opisyal na binubuksan para sa mga turista simula June 1 ng bawat taon.
Kasabay iyon ng event na tinawag na “First Climb of the New Year” na inoorganisa ng mga local non-profit organizations.
Read: Japan authorities, binalaan ang mga turista sa paggamit ng illegal taxis

Read: Why are jeans made in Japan more expensive?
Ang mga bisita na narating ang ituktok ng Benten Mountain ay pinagkakalooban ng ng Proof of Scaling Certificate, at hinihilingan ng munting donasyon para sa pagpapanatili ng kaayusan ng maliit na bundok.
Bahagi rin ang Benten Mountain ng iba’t ibang events sa Japan gaya ng cherry blossom festivals.
Read: Video of deer enjoying cherry blossoms in Japan's empty Nara Park is just too pretty!
Maaari ring magdaos dito ng wedding ceremonies.
Bukod sa pagiging Japan’s shortest mountain, ang Benten Mountain din ang itinuturing na safest mountain sa naturang bansa.
Wala pang naiulat na anumang aksidenteng naganap dito.
Bilang paghahambing, ang pinakamataas namang bundok sa Japan ay ang Mount Fuji, na may taas na 3,776 meters.
Read: View of Mount Fuji will soon be blocked for tourists, why?
