PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Miguel Tanfelix talks about "DIY" solo adventures abroad

Miguel Tanfelix on the satisfaction he gets from his solo travels: "Freedom."
by Arniel C. Serato
Published 20 hours ago
Miguel Tanfelix reveals his do-it-youself method in his solo adventures abroad
Miguel Tanfelix on his solo adventures abroad: "Ayaw ko kasing may sinusunod na schedule, e. Kasi ayaw kong nara-rush pag nasa ibang bansa ako. Parang gusto ko, oras ko susundin ko. So, DIY."

Ang pinakapaboritong libangan ng Kapuso actor na si Miguel Tanfelix ay ang mag-travel sa ibang bansa mag-isa.

Hindi raw siya natatakot na mag-solo travel.

"Well, ang sinabi sa akin ng isang traveler din pag nagtatanong ako kung safe ba diyan, lahat naman daw ng lugar, hindi safe. Lahat may risk. May danger.

"Nasa iyo na lang kung paano ka mag-iingat. So kahit saan man po ay pumunta, ay kailangan pa rin mag-ingat."

Hindi raw nag-a-avail ng guided tours na may itinerary.

Ang kanyang ginagawa ay mga "do-it-yourself" o DIY tours kung saan siya mismo ang nagri-research ng mga lugar na gusto niyang i-explore.

"DIY po ako. Ayaw ko kasing may sinusunod na schedule, e.

"Kasi ayaw kong nara-rush pag nasa ibang bansa ako. Parang gusto ko, oras ko susundin ko. So, DIY."

Mas nakakamura ba siya sa DIY travel niya?

"Well, madalas po mapamura sa ganda....Napapamura po ako dahil budget travel lang ako, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Economy seats, minsan. Tapos naka-backpack lang ako, walang check-in, tas natutulog ako sa mga hostels.

"Yes. So, backpacker style talaga. Tapos towards the end, mga last three days, doon po akong maghu-hotel na maganda para relax na."

Miguel's photos taken from his trip to Argentina.
Miguel's photos taken from his trip to Argentina.
Photo/s: Instagram

Read: Bianca Umali sets aside college plans for cousin’s education

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MIGUEL ON HIS TRAVELS: "Freedom."

Anong satisfaction ang dulot sa kanya ng mga solo adventures?

"Freedom. Time for myself. Stress reliever. Saka adventure. Mahilig po akong adventurous po ang tao."

Ano ang pinakamagandang lugar na ang tumatak sa kanya?

"Well, siyempre yung last travel ko. Nag-Brazil, Argentina, Peru ako.

"Ang favorite ko doon, Peru. So, Peru is pinakamaganda.

"Isa sa mga Seven Wonders ang Machu Picchu."

Ang tinutuloy niya ay ang tinaguriang "lost city" ng Inca Empire na matatagpuan sa Cusco region at Urubamba province.

Miguel Tanfelix during his travel to Machu Picchu in Peru.
Miguel Tanfelix at Machu Picchu in Peru.
Photo/s: Instagram
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dagdag ng Kapuso actor: "Yes. Tapos meron pang pinuntahan dun na nag-sandboarding ako sa isang malaking desert nila. Sobrang ganda. Adventure talaga."

Ayon sa kanyang post sa Instagram, "unplanned" daw ang pagpunta niya sa Huacachina, isang desert oasis village na malapit sa isang natural lagoon na nasa southwestern Peru.

Ang cost ng sandboarding tour ay nasa USD15 to USD40 (or PHP924 to PHP2,466).

At para kay Miguel, ito ay "one of the core memories of this trip."

Miguel's sandboarding experience in Peru.
Miguel's sandboarding experience in Peru.
Photo/s: Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ngayon, mapapanood pa rin si Miguel gabi-gabi sa Taskforce Firewall ng GMA.

Read: Has Alex Gonzaga given birth?

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miguel Tanfelix on his solo adventures abroad: "Ayaw ko kasing may sinusunod na schedule, e. Kasi ayaw kong nara-rush pag nasa ibang bansa ako. Parang gusto ko, oras ko susundin ko. So, DIY."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results