PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Miguel Tanfelix co-directed this scene in Taskforce Firewall

Miguel Tanfelix says he previously tried co-directing for Mga Batang Riles.
by Arniel C. Serato
Published 7 hours ago
Miguel Tanfelix co-directed the motorcycle scene of Taskforce Firewall
Actor Miguel Tanfelix on co-directing some scenes in Taskforce Firewall: "Ako kasi, ano lang ako, e, tamang matyag lang ako sa background, e, kung paano yung mga shots. Pero yun nga, pag binibigyan ng opportunities na ganun, medyo napi-pressure ako pero andun na yung opportunity, so grab ko na lang."
PHOTO/S: Arniel Serato

Inamin ni Miguel Tanfelix na pangarap niyang maging direktor at tuwing may pagkakataon ay nagpi-pitch in siya sa pagdidirek sa mga pinagbibidahan niyang teleserye.

Isa na rito ang bench at motorcycle scene niya sa Kapuso primetime series na Taskforce Firewall.

Gumaganap siya rito bilang Galo Villareal, isang combat specialist, at kasama niya sa eksena si Lexi Gonzales bilang Emma Mallari, isang computer analyst.

Miguel Tanfelix and Lexi Gonzales in Taskforce Firewall motorcycle scene co-directed by the actor himself.
Miguel Tanfelix and Lexi Gonzales in Taskforce Firewall motorcycle scene co-directed by the actor himself.
Photo/s: Courtesy: GMA
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ni Miguel, "Actually, yung eksena na may punching bag ta's may bench, yung parang special na tambayan ni Galo, additional sequence lang po siya.

"Parang nung binabasa ko kasi yung script, napansin ko na parang kulang pa, kulang pa yung... hindi pa natin nami-milk yung eksena ni Galo and Emma.

"So, nagpadagdag po ako ng eksena. Yun yung setup na yun na kung saan, yun yung safe space ni Galo.

"And yung lines na rin po, kami na rin ni Lexi nag-usap kung paano namin, kung anong mga lines ang bibitawan namin."

MIGUEL TANFELIX ON HIS SUPPORTIVE DIRECTOR

Dahil sa interes niya sa pagdidirek, naatasan siya ng director ng programa na si Rico Gutierrez na magdirek ng motorcycle scene.

"And then after that scene yung nagmu-motor kami. Parang isang taping day, sabi ni Direk, 'O, sige. Mag-tracking kayo. Miguel, gusto ko ikaw mag-co-direct nitong eksena na ito.'

"Sabi ko, 'Direk, pressure naman ako,' kasi nag-take ako ng film, e, ng short course ng film.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sabi nya, 'No, it's an exercise. Di ba, gustong mo maging director in the future? So, bibigyan kita ng exercise.'

"So, ako, very thankful ako na supportive si Direk sa pangarap ko in the future."

Ayon pa kay Miguel, tuwing nagti-taping siya or shooting, nagmamatyag talaga siya sa paligid at inoobserbahan ang proseso ng produksiyon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dagdag niya, "Ako kasi, ano lang ako, e, tamang matyag lang ako sa background, e, kung paano yung mga shots.

"Pero yun nga, pag binibigyan ng opportunities na ganun, medyo napi-pressure ako pero andun na yung opportunity, so grab ko na lang."

Nasubukan din niyang magdirek ng mga eksena sa defunct Kapuso primetime series na Mga Batang Riles sa GMA.

Kuwento ni Miguel, "Minsan sa Mga Batang Riles, pinapagdirek po ako sa second unit.

"Minsan kami nagko-choreo ng fight. Yun po."

Nakakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang miyembro ng media si Miguel sa set visit ng press sa location taping nila ng Taskforce Firewall noong June 24, 2026, sa Marikina City.

Kasamang humarap sa media ni Miguel sina Kyline Alcantara at Jak Roberto.

(L-R) Miguel Tanfelix, Kyline Alcantara, and Jak Roberto during their conversation with the media at Taskforce Firewall set visit in Marikina.
(L-R) Miguel Tanfelix, Kyline Alcantara, and Jak Roberto during their conversation with the media at Taskforce Firewall set visit in Marikina.
Photo/s: Arniel Serato
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Bianca Manalo and Sherwin Gatchalian: A Relationship Timeline

MIGUEL TANFELIX ON HIS DREAM OF BECOMING A DIRECTOR

Twenty-seven years old na ngayon si Miguel.

May timeline ba siya kung kailan siya magdidirek ng full time?

Sagot niya, "Hindi ko po masasabi kasi pag may show, siyempre iyon po yung priority ko.

"Pag walang show, dun po ako puwede makapag-direct ng mga music video, sa mga short films."

Sa ngayon daw ay sinusubukan niyang gumawa ng mga music video at short films.

Saan siya mas nahirapan? Sa technicals o sa storytelling?

Lahad ng aktor, "Pinakanahirapan po ako sa ano, sa ilaw.

"Pero when it comes to storytelling, sa pag-direct ng mga actors, hindi naman po masyado dahil aktor din naman ako kaya alam ko anong lengguwahe nila."

Ano ang nakaimpluwensiya sa kanya upang tahakin ang pagiging direktor balang araw?

Lahad niya: "Natutuwa po ako sa sistema ng buong taping, na kailangan efficient ka rin, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi lang basta maganda lang yung material. Kailangan efficient ka bilang direktor dahil meron ding budget na pinag-uusapan.

"Di puwedeng sobrang tagal. So, ano, e, maraming dynamics ang pagiging direktor."

Samantala, sinabi ni Miguel na marami pang aabangang eksena sa Taskforce Firewall sa mga susunod na araw.

Mapapanood ito tuwing 8:50 P.M. sa GMA Prime.

Read: Does Jose Mari Chan still receive royalty from his hit songs?

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor Miguel Tanfelix on co-directing some scenes in Taskforce Firewall: "Ako kasi, ano lang ako, e, tamang matyag lang ako sa background, e, kung paano yung mga shots. Pero yun nga, pag binibigyan ng opportunities na ganun, medyo napi-pressure ako pero andun na yung opportunity, so grab ko na lang."
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results