FIRST READ ON PEP: Did Nora Aunor marry her lesbian manager in Las Vegas?


According to the Marriage Inquiry System of Clark County, Las Vegas, Nevada, a certain Nora C. Villamayor—or more popularly known as Nora Aunor—was married twice. The first time was on July 7, 1988 to Richard James Merk and the second time was on May 22, 2000 to Norie Sayo.



Sa pamamagitan ng kanyang confidante at manager na si Norie Sayo, tumanggi ang Superstar na si Nora Aunor na magbigay ng pahayag tungkol sa isyu na dalawang beses siyang nagpakasal sa Las Vegas, Nevada.



Ang record ng kasal nina Mark Lapid at Yuri Park sa Marriage Inquiry System ng Clark County sa Las Vegas ang nagbigay sa amin ng idea para i-research ang ibang showbiz personalites na nagpakasal sa nabanggit na lugar.



Nakita namin sa Marriage Inquiry System ang mga record ng kasal nina Vilma Santos at Edu Manzano noong July 19, 1980; Gabby Concepcion at Jenny Syquia noong June 17, 1993; Phillip Salvador at Emma Ledesma noong November 15, 2003; at Dorothy Jones (the late Nida Blanca) at Roger Laurence Strunk na dalawang beses din nagpakasal noong 1979 at 1981.



Sinubukan namin na i-search sa inquiry system ang pangalan na Nora Villamayor, Nora's real name, at lumabas sa aming laptop screen ang record ng kasal nila ni Richard James Merk noong July 7, 1988. Si Richard ay ang kilalang jazz singer na nag-artista rin noon, na anak ni Annie Brazil at kapatid ni Rachel Ann Wolfe.



Hindi namin ikinagulat ang aming nakita dahil well-publicized noon ang relasyon nina Nora at Richard.



Ang ikalawang beses na pagpapakasal ni Nora ang aming ikinagulat dahil kapwa babae ang kanyang pinakasalan.



Nakalagay sa record ng Clark County na muling ikinasal si Nora noong May 22, 2000 kay Norie Sayo, na very open sa kanyang pagiging lesbian.



Nagtanong kami sa isang lawyer kung valid ang kasal nina Nora at Norie dahil pareho silang babae pero "hindi" ang kanyang sagot. Sa Nevada kasi ay hindi pa legal ang same-sex marriage, hindi gaya ng ibang states sa United States gaya ng Massachusetts.

Hindi rin sinagot ni Norie ang isyu nang subukan ng Showbiz Central staff na kunin ang kanyang panig. Sa text message na ipinadala ni Norie, sinabi nito na walang plano si Nora na magbigay ng anumang pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Dahil sinabi ng lawyer na hindi valid ang kasal nina Norie at Nora, gusto naman naming malaman kung nakapag-file ng divorce si Richard Merk bago sila nagpakasal ng kanyang misis na si Ronnie Tapia.



Na-divorce din ba ni Nora si Richard bago niya pinakasalan si Norie?



Kasalukuyang nasa Amerika si Norie at siya ang in-charge sa singing career doon ni Nora.

Musical arranger at director si Norie. Siya ang naging karamay ni Nora noong mga panahon na marami itong problema.

Ang paglabas ng record ng kasal nina Nora at Norie ang pruweba na hindi si Desiree del Valle ang ang unang Filipina actress na nagpakasal sa kapwa babae.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN