Ria Atayde says brother Arjo's love for Maine Mendoza is "well reciprocated"

IMAGE Ria Atayde Instagram / Mark Nicdao Instagram

Ria Atayde on Arjo Atayde-Maine Mendoza relationship: "As long as masaya ang kapatid ko, as long as napapasaya siya ng partner niya, okay sa akin yung partner niyang yun."


Masaya si Ria Atayde, 26, sa lumalalim na pagtitinginan sa pagitan ng kapatid niyang si Arjo Atayde, 28, at ng Kapuso star na si Maine Mendoza, 24.

Paglalarawan pa ni Ria sa kanyang kuya, para itong high school student na kinikilig.

Pahayag ng Kapamilya actress, "Of course, I'm very, very happy for him.

“I haven't seen him this happy. My heart is so full for him.

“Para siyang bumalik sa high school. As in parang, ‘Oh, my God, I'm so kilig!’

“Pero parang, ‘You're so annoying. I'm so jealous.’ Parang I want also.

"I don't know… sobrang nakakatuwa to see the love he is giving is well reciprocated.”

Sabi pa ni Ria, “Hindi siya one-way. Nakikita mo pareho sila ng equal importance sa isa't isa.

“Nakakatuwa yun for me kasi, para sa akin, as long as masaya ang kapatid ko, as long as napapasaya siya ng partner niya, okay sa akin yung partner niyang yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May bago siyang dahilan para bumangon sa umaga.

“Okay siya, I am happy for him… sana ako rin.”

Naipakilala na raw ni Arjo sa kanya si Maine, at ilang beses na silang nagkita ng Eat Bulaga! host.

Lahad ni Ria, "I met her, yes, couple of times.

“Mabait si Maine, I enjoy her company, saka nakakatuwa siya, ang kengkoy kasi niya.

“Ganun kami ni Arjo, kengkoy-kengkoy din kami.

“Ang cute, ang cute nilang tingnan. As in, super!”

Nakapanayam ng PEP.ph si Ria sa special screening ng restored version ng 1973 film na Captain Barbell na pinagbidahan ng namayapang Comedy King na si Dolphy, sa Santolan Town Plaza, noong March 13.

HANDLING BASHERS

Sa kabila ng kaligayahang nararamdaman ng kanilang pamilya dahil sa lumalalim na relasyon nina Arjo at Maine, may ilang netizens na tila hindi pa rin ito tanggap.

Identified pa rin kasi si Maine sa phenomenal love team nila ni Alden Richards, ang AlDub.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bunsod nito ay pinuputakti ng bashers ang social media accounts ng pamilya ni Arjo, kabilang na si Ria at ang kanilang ina na si Sylvia Sanchez.

Ang malala pa rito ay nakakatanggap din ng pagbabanta sa kanilang buhay ang pamilya Atayde mula sa ilang netizens.

Sa ngayon, tinuturuan na lang daw ni Ria ang sarili na balewalain ang pamba-bash sa kanila.

"Ewan ko, deadma na lang, the art of deadma.

“These people naman kasi, they don't know me personally, hindi naman kami kilala kung sino talaga kami.

“Kahit anong sabihin nila, hindi na lang namin dinidibdib.

“On one hand naman kasi,” patuloy ni Ria, “naiintindihan ko kasi fan din naman ako, sobrang fan girl ko rin.

“Nage-gets ko kung bakit siguro sila nagagalit, kasi hindi nila gusto ang nasusunod. So, naiintindihan ko.

"Pero at the same time, hinahayaan ko na lang kasi kailangan din naman nila ng outlet para sabihin yung mga hinaing nila sa buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro baka pag di nila yun inilabas, magkasakit sila, di ba?

“Unfortunately, kami yung nakaka-receive ng masasakit na words.

“Pero kaya naman, kaya naman namin.”

Hangga't maaari ay ayaw na raw sanang magsalita ni Ria tungkol sa relasyong Arjo-Maine dahil alam niyang maba-bash siya uli dahil dito.

Saad niya, "Actually, dapat nga hindi ako nagsasalita para sa kanila.

“I don't know… maba-bash na naman ako sa pagsasalita tungkol sa kanila, as usual.

“I'm just speaking the truth. Sasabihin nila, kumakapit kami kay Maine, nanggagamit...

“Hindi ako dun na-offend, mas na-offend ako nung idinadamay na nila ang mga magulang namin.

“Ano naman ang kinalaman nila sa relasyon?”

STAY POSITIVE

Nakiusap din si Ria na sana ay pagmamahal at pagiging positibo na lang ang maramdaman ng bawat isa.

“I don't know… sana maging maayos ang lahat, sana maging happy na lang sila sa mga taong masaya.

“Nasa age tayo na ang daming tao na parating galit, sana naman positivity naman ang i-spread natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun ang kailangan ngayon.”

Sa kasalukuyan ay napapanood si Ria sa Kapamilya prime-time series na Halik at nakatakda rin siyang gumawa ng isang series sa iWant.

Masaya si Ria na nakakagawa na sila ni Arjo ng sariling pangalan at tatak sa industriya.

Pahayag niya, "You know, ‘til now kasi, hindi naman mawawala yung comparison sa amin.

“Kahit ano ang mangyari, nandiyan na ‘yan talaga.

“It's just a matter of turning all the pressure and stress that comes to that into something more positive.

“Ginagamit na lang namin yun as motivation.

“Nakakatuwa na kahit papaano nakikilala kami in our own right and in our own merit.”


Stories We Are Tracking

Arjo admits he and Maine are
Arjo admits he and Maine are "exclusively dating"
Maine Mendoza finally admits to dating Arjo Atayde
Maine Mendoza finally admits to dating Arjo Atayde
Arjo posts hugging photo with Maine Mendoza
Arjo posts hugging photo with Maine Mendoza
Alden to guest on Maine show after she confirmed dating Arjo
Alden to guest on Maine show after she confirmed dating Arjo


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN