Sofia Andres thinks Diego Loyzaga should not come back to showbiz yet

IMAGE Instagram

Sofia Andres on Diego Loyzaga's alleged suicide attempt: "Siguro sa kanya, sa mga pinagdadaanan niya sa life, I don't know kung ano ang nangyari sa kanya, pero I'm not quite surprised."


Nabalitaan daw noon ni Sofia Andres ang diumano'y suicide attempt ng dating kapareha at ex-boyfriend na si Diego Loyzaga.

Ayon sa Kapamilya actress, wala na silang komunikasyon ni Diego. Pero hindi na raw niya ikinagulat ang balita.

Sabi ni Sofia tungkol sa nangyari kay Diego, "Kasi mayroon siyang depression.

"Actually, we have depression before, anxiety, which is normal for us.

"Siguro sa kanya, sa mga pinagdadaanan niya sa life, I don't know kung ano ang nangyari sa kanya, pero I'm not quite surprised."

Hindi naman itinago ni Sofia na naiyak siya nang nalaman ang nangyari sa ex-boyfriend.

Pero hindi raw siya gumawa ng hakbang para makausap si Diego dahil wala na nga silang relasyon.

"Sobra, I cried, but I didn't try to call anyone. It's not my responsibilty anymore.

"Mahirap ding ma-involve kasi dati sobrang gulo."

Kinumusta naman daw ni Sofia si Diego sa handler at road manager nito, at nalamang okay ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung si Sofia ang tatanungin, naniniwala siyang hindi pa handa at hindi makakatulong kay Diego kung magdedesisyon itong bumalik sa showbiz ngayon.

"Parang I don't think so, kasi hindi makakatulong sa kanya kung babalik agad siya.

"Hindi makakatulong sa mindset niya, or mentally di makakatulong."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sofia sa premiere night ng iWant series na Bagman, na ginanap sa Trinoma noong Lunes, March 19. 

SOFIA'S NON-SHOWBIZ BOYFRIEND

Samantala, kinumpirma naman ni Sofia ang relasyon niya sa racecar driver na si Daniel Miranda.

Nagsimulang malaman ng publiko ang tungkol sa relasyon ng dalawa nang maging bukas sila tungkol dito sa kani-kanilang social media accounts.

Ayon sa Kapamilya actress, mas masarap sa pakiramdam na maging malaya at wala kang itinatago sa ibang tao.

"Liberating siya, wala kaming dapat itago, very comfortable ako with life. Yun naman ang importante. 

"Iba kasi pag masyado kang maraming tinatago," sabi ni Sofia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN