Maine Mendoza, Arjo Atayde spotted on a date at Star City

IMAGE @arjoatayde / CTTO via @juanico822 @deverakamille19 Instagram

Exclusively-dating couple Maine Mendoza, Arjo Atayde seen wearing face masks while spending time out at Star City.


Hindi nakaligtas sa mapanuring netizens ang date night ng Eat Bulaga! Dabarkads na si Maine Mendoza at Kapamilya actor na si Arjo Atayde.

Ito ay dahil sa namataan ang dalawa na tuwang-tuwang namamasyal sa Star City, isang theme park sa Pasay City, noong gabi ng March 20.

Base sa kumalat nilang videos at photos sa social media, nagsuot sina Maine at Arjo ng face masks upang huwag makatawag ng pansin sa ibang namamasyal doon.

Pero kahit tila sinubukan nilang maging low profile ay may mga nakilala pa rin sa exclusively-dating couple.

Sa isang hiwalay na video, nakunan si Maine na walang mask habang naghihintay sa isang photo booth.

Makikitang nakatayo sa tabi niya ang isang lalaki na nakasuot ng cap, may face mask, at kulay orange ang damit.

Hindi maitatangging si Arjo ang lalaking iyon dahil sa isang hiwalay na litrato ay nakunan si Arjo na nakalislis ang suot nitong face mask at kulay orange din ang suot na shirt.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tila chill lang din naman sina Maine at Arjo kahit may nakakilala sa kanila roon, dahil may ilan pang litrato na walang suot na face mask ang dalaga.

May isa pang video kung saan naglalaro si Arjo ng basketball hoops sa theme park.

Mukhang nag-enjoy ang dalawa dahil madalas nakangiti si Maine sa mga litratong kuha noong gabing iyon.

Partikular na nang mamataan sila matapos nilang sumakay ng Ferris wheel. 

Tunay ngang kapag gusto ay may paraan dahil sa kabila ng kani-kanilang work schedule at kahit magkaiba sila ng TV network na pinapasukan ay nakakasingit pa rin sila ng quality time together.

CONFIRMED ROMANCE

September 2018 nang mapansin ang simula ng closeness nina Maine at Arjo, base sa pagdalo ng aktor sa media launch ng isang endorsement ng Kapuso Dubsmash Queen.

Nagtuluy-tuloy ang pagkakakilanlan ng dalawa, hanggang sa umamin si Arjo, sa isang panayam noong January 2019, na exclusively dating na sila ni Maine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinumpirma naman ito ni Maine noong March 2, 2019.


Stories We Are Tracking

Maine Mendoza and Arjo Atayde romance: A timeline
Maine Mendoza and Arjo Atayde romance: A timeline
Arjo posts hugging photo with Maine Mendoza
Arjo posts hugging photo with Maine Mendoza
Maine Mendoza finally admits to dating Arjo Atayde
Maine Mendoza finally admits to dating Arjo Atayde
Maine Mendoza quashes false stories about her and Alden Richards
Maine Mendoza quashes false stories about her and Alden Richards


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN