Sunshine Dizon refuses to reveal relationship status with husband Timothy Tan

IMAGE Noel Orsal

Sunshine Dizon: "Parang it’s so unfair for us, public figure. You share your life in public and automatically they think that they have the right to insult you or para makialam sa buhay mo."


Noong isang linggo ay lumabas ang isyu tungkol sa dating kasambahay ng mag-asawang Sunshine Dizon at Timothy Tan na nagpa-interview sa radyo.

Ang mister ng Kapuso actress na si Timothy ang nagpa-interview at sumagot sa ilang alegasyon ng dati nilang kasambahay.

Tanong ng nagtatakang netizens: Nagkabalikan na ba sila ni Timothy? Magkasama ba sila sa iisang bahay?

“I’d rather not talk na about my personal life,” iwas ni Sunshine.

“Kasi, parang it’s so unfair for us, public figure.

"You share your life in public and automatically they think that they have the right to insult you or para makialam sa buhay mo.

“I just hope that people nowadays should be more compassionate and tolerant.

“Sana, hindi nila kami nakikita na parang bagay, na porke’t public figure ka, parang hindi kami tao na hindi rin puwedeng masaktan sa mga sinasabi nila.

“From now on, I’d rather not talk about it anymore.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MYSTIFIED ON IFLIX

Samantala, first time napanood nina Sunshine, Iza Calzado, Karylle, at Diana Zuburi ang ni-line produce nilang iflix movie na Mystified sa exclusive screening noong Marso 23, Sabado, sa Cinema 1 ng Shangri-La Mall.

“Yung rough cut, napanood na namin, pero ito yung final na,” saad ni Sunshine.

“Siyempre, we’re very excited and we’re very happy, nakita na namin yung kinalabasan ng aming pinaghirapan.

“It’s perfect for all ages. Puwede sa bata, puwede sa matanda.”

Masayang-masaya rin si Sunshine dahil sa dami ng mga kaibigan nilang artista na sumuporta sa exclusive screening.

Sabi ng Kapuso actress, “Nakakataba ng puso, thank you very much to all our friends, especially our friends from the industry.

“Our friends from the press, salamat po. Masaya po kami na makitang sinusuportahan itong aming debut.”

Marami raw silang natutunan sa paggawa nila ng Mystified.

“Marami kaming na-discover sa bawat isa,” sambit ni Sunshine.

“Kumbaga, parang Iza and K are very good in marketing, and Diana and I on production side. May mga ganoon na lumabas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At nakakatuwa, kasi very collaborative.

“We have really high hopes for Mystified.

"If it really does very well, there is a possibility for a second or third movie.”

Hindi nila sukat-akalaing nandiyan pa rin ang mga tagahanga nila noong Encantadia.

“Buhay na buhay pa rin!” bulalas ni Sunshine.

“Nakakatuwa kasi, social media, talagang pinaparamdam nila yung support.

"So, maraming-maraming salamat."


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN