Sylvia Sanchez says Maine Mendoza good influence on son Arjo Atayde

IMAGE Gorgy Rula / Instagram

Sylvia Sanchez to son Arjo Atayde and Maine Mendoza: “Huwag niyong intindihin kung sino man ang manlait sa inyo... Maging happy kayo, mahalin niyo ang isa’t isa. Alam mo yun, huwag magmadali."


Nakikita raw ni Sylvia Sanchez kung gaano kasaya ang anak na si Arjo Atayde kung anumang namamagitan ngayon sa kanila ni Maine Mendoza.

Bagamat hindi pa naipakikilala sa kanya ni Arjo si Maine, nakikita raw ni Sylvia ang magandang impluwensiya ng Kapuso star sa kanyang anak.

“Good influence sa kanya si Maine. Kasi, pag nag-uusap kami sa bahay, positive lahat si Arjo, e.

“Basta ibang Arjo na ngayon ang nakikita ko, and happy ako na happy ang anak ko,” pakli ng Kapamilya actress.

May mga tanong daw siya kay Arjo tungkol sa kanila ni Maine, pero hindi niya inuurirat at pinapakialaman kung ano ba talaga ang namamagitan sa kanilang dalawa.

Saad ni Sylvia, “Hindi ko pinapakialaman yun, e.

“Basta ako, ‘Anak, may kumakalat…’ ‘Yes, ‘Mom.’ ‘Ah, okay,’ ganun lang ako.

“Hindi ko pinapakialaman ang anak ko, pero ina-advice ko naman.

“Meron naman akong mga tanong. E, iba si Arjo, paninindigan niya kahit ano gusto niyang gawin sa buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mula bata ‘yan, naninindigan ‘yan.

“Saka pag mahal ka nun, saka pag gusto ka niya—kaibigan, pamilya o lalo na ‘yan, girlfriend—ipaglalaban ka.

"Hindi takot yun."

DEATH THREATS

Medyo humupa na raw ang bashing na natatanggap ng kanilang pamilya dahil sa pagkakaugnay ni Arjo kay Maine, pero hindi na raw nila ito pinapansin ngayon.

Kaya lang daw nagsalita si Sylvia noon ay dahil may death threats na silang natatanggap.

“Hindi na kami nagbabasa na. Wala na kaming pakialam.

“Basta yung sa akin lang naman, nagsalita lang naman ako nung time na may death threat na.

“Kahit nung nilalait yung pagkatao ng aming pamilya, nilalait na kaming lahat, tinapakan kami nang husto, hindi naman kami kumibo dahil dun sa panlalait na yun.

“Dun lang naman ako kumibo nung death threat na.

“Nanay ako. Kahit na sinong nanay, ipaglalaban yung mga anak, pagdating na dun sa death threat,” pahayag niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sylvia sa story conference ng OFW The Movie sa tanggapan ng Overseas Workers Welfare Association (OWWA), nitong Marso 28, Huwebes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Sylvia Sanchez, di pa nakikilala nang personal si Maine Mendoza
Sylvia Sanchez, di pa nakikilala nang personal si Maine Mendoza

ADVICE FOR ARJO AND MAINE

Hindi man sila nagkikita ni Maine, mayroon na ba siyang naibigay na payo sa dalawa?

“Maging happy kayo,” pakli ni Sylvia.

“Huwag niyong intindihin kung sino man ang manlait sa inyo, Maine and Arjo.

“Maging happy kayo, mahalin niyo ang isa’t isa.

“Alam mo yun, huwag magmadali.

“Basta ako, nandito lang ako sa likod niyo.”

Dagdag niya, “Kung darating man ang time  na kung anuman ang mangyari sa inyo… hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa kanila, kung maging sila o hindi, basta ako andito lang ako bilang nanay.”

THE SEARCH FOR HER FATHER

Punung-puno rin ng excitement si Sylvia nang nag-usap sila ng dating deputy administrator ng OWWA na si Arnell Ignacio tungkol sa paghahanap sa kanyang ama sa Brazil.

Excited na rin daw kasi siyang ibalita ito sa kanyang mga anak pag-uwi mula sa story conference ng bagong film project niyang OFW The Movie, na gagawin ng Active Media Events Productions at OWWA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ito yung magandang balitang ihahatid ko sa mga anak ko.

“Kasi si Ria at si Arjo, gustong pumunta sa Rio de Janeiro, dahil gusto raw nilang hanapin yung lolo nila. Gusto nilang makita yung lolo nila.

“Sabi nung dalawa, ‘Mom, gusto naming makita yung lolo namin.’

“Kasi close sila sa nanay ko, sa parents ng asawa ko.

“Isa lang ang hindi nila nakita, yung tatay ko.

“So, mismo yung mga anak ko, gustong hanapin yung tatay ko,” masayang pahayag ni Sylvia.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN