Ericka Villongco shuts down alleged JaDine fan who accused her of copying Nadine Lustre

IMAGE @erickaxx on Instagram

Ericka Villongco reacts to a netizen's accusation that she is copying Nadine Lustre. A few weeks ago, Ericka spoke up and said that she has no regrets calling Nadine a "copycat."


May hugot na naman si Ericka Villongco matapos siyang akusahang "copycat" ng isa diumanong JaDine fan.

Ngayong Martes ng umaga, April 2, nag-post si Ericka ng screenshot ng message sa kanya ng netizen.

Sa nasabing screenshots, ikinumpara ng netizen ang Instagram posts ni Nadine Lustre noong nakaraang linggo at sa isang recent Instagram Story post ni Ericka.

Sa Instagram posts ni Nadine, mababasa sa caption ang paggamit ng ABS-CBN actress ng salitang “suavé.”

Ipinadala ng diumano’y JaDine fan ang screenshots ng dalawang posts na ito ni Nadine kay Ericka, kalakip ang screenshot ng recent Instagram Story ni Ericka, kung saan mababasa sa caption ang salitang “sauvé.”

Bintang ng netizen, si Ericka naman ngayon ang gumagaya kay Nadine.

Pag-akusa pa ng netizen kay Ericka: “Copy cat lol”

ERICKA REACTS TO COPYCAT CLAIM

Nag-react si Ericka sa bintang na ito sa kanya ng alleged JaDine fan.

Sa recent Instagram Story na tinukoy ng netizen, inilagay na caption ni Ericka ang mensahe sa kanya ng fiancé niyang si Ross Sauvé.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi sa caption: “ross: stop taking selfies, mrs. sauvé.”

Tinawag ni Ross na "Mrs. Sauvé" si Ericka bilang pagtukoy sa kanyang wife-to-be.

Sa caption, idiniin ni Ericka na hindi niya ginaya ang paggamit ng salitang “suavé” ni Nadine, kundi ginamit niya ang apelyido ng kanyang fiancé na Sauvé.

Depensa ni Ericka, “IN TODAY’S TWISTED NEWS ‘I copied her’ because that’s my fiance’s last name.”

Sabi pa niya, “when are u going to stfu [shut the f*ck up] & leave me alone jadine”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dalawang linggo na ang nakalilipas, tinawag na “copycat” ni Ericka si Nadine dahil sa panggagaya umano ng aktres sa kanyang fashion style at Instagram posts.

Una nang sinagot ni Nadine ang akusasyon sa kanya ni Ericka na copycat.

Depensa ni Nadine sa sarili, “I think I have my own style and I look for inspiration, like from other celebrities—Hollywood celebrities.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And I think I have my own individuality naman so I don’t see anything na parang... na parang kokopyahin ko."

Si Ericka ay dating girlfriend ni James Reid, na ngayon ay boyfriend ni Nadine.

Naka-base na ngayon sa U.S. si Ericka kasama ang boyfriend na nag-propose sa kanya noong March 26.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN