Luis Manzano recalls when Vilma Santos saved Jessy Mendiola from burning set

IMAGE Mark Atienza / Luis Manzano's Facebook

What a small world! Jessy Mendiola confirms she first met Lipa Congresswoman Vilma Santos when the Kapamilya actress was only three years old. Jessy's boyfriend Luis Manzano adds, "Nagkasama sila ni Mommy sa isang commercial."


Bago pa man naging magkarelasyon sina Luis Manzano at Jessy Mendiola, minsan nang nagkrus ang landas ng dalaga at ina ng binata na si Vilma Santos. 

Kuwento ni Luis, bata pa lang si Jessy nang sagipin ito ni Vilma sa isang fire incident. 

"Trivia: Nung bata siya, nagkasama sila ni Mommy sa isang commercial.

"Sila ng ate niya, sila ni ate Pam, nagkasama sila sa isang commercial.

"Nasunog yung set. Niligtas sila ni Mommy." 

Sinabi ito ni Luis sa YouTube video ni Jessy na may petsang April 4, 2019. 

Napangiti naman si Jessy sa alaalang noon pa man ay nagkakilala na sila ng ina ng kanyang boyfriend na si Luis. 

"Three years old lang ata ako nun. Karga-karga niya ako," ani Jessy patungkol sa Lipa congresswoman at Star For All Seasons. 

Si Jessy ay 26 years old, habang si Luis ay 37 years old ngayon. 

Si Vilma naman ay 65 years old. 

Lumalabas na 1996 noong nagkasama sina Jessy at Vilma sa isang commercial. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy ni Luis, "Ta's nung nasunog nga yung set—yung stove, I guess—nilabas sila ni Mommy. Galing di ba?" 

Ikinatuwa rin ni Luis na malaman na pati ang ama niyang si Edu Manzano at Lebanese father ni Jessy na si Roger Tawile ay magkakilala na rin bago pa naging magkarelasyon ang celebrity couple. 

"Tsaka daddy ko tsaka daddy niya matagal na magkakilala.

"Ganun ka-small world yung families namin. Kasi yung dad niya, tsaka yung dad ko, may mga common friends.

"Ta's nag-uusap pala sila nang hindi namin alam." 

LUIS-JESSY RELATIONSHIP

Sina Luis at Jessy ay naging opisyal na magkarelasyon noong June 25, 2016. 

Noong panahong naging sila, hinihinala ng ibang netizens na si Jessy ang dahilan ng hiwalayan nina Luis at dating girlfriend na si Angel Locsin. 

Pero mariing pinabulaanan iyon nina Luis at Jessy. 

Ang sabi noon ni Luis, January 2016 nangyari ang breakup nila ni Angel. 

Habang ang unang beses daw na naka-bonding ni Luis si Jessy ay sa birthday celebration ng binata noong April 2016. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN