Clint Bondad on viral making-out video: "Bar, kissing with a girl? Ako ba yun?"

IMAGE Noel Orsal

Clint Bondad refuses to directly answer question about viral make-out video: "Which one? Ipakita mo sa akin para alam ko yung sinasabi mo, e."


Mukhang napag-aralan na ni Clint Bondad ang isasagot kapag tinanong tungkol sa viral video kung saan isang lalaking kamukha niya ang nahuling nakikipaghalikan sa isang babae sa loob ng isang bar.

Kumalat ang nasabing make-out video noong unang linggo ng Abril.

Sa grand media conference ng GMA primetime series na Love You Two kagabi, April 11, inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Clint tungkol sa naturang video.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Anong video? Which one?” nakangiting sagot ng model-actor, na tila walang alam kung ano ang tinutukoy naming video.

Inilarawan namin sa kanya ang nilalaman ng video, kung saan matapos halikan ng lalaki ang babae ay binuhat pa niya ito papasok sa isang tila kuwarto.

Ngunit ibinalik muli ni Clint ang tanong sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Bar, kissing with a girl? Ako ba yun?

"Is that me? Which one? Hindi ko nakita. Which one?”

Hanggang sa huli ay hindi pa rin umamin si Clint tungkol dito.

“I kissed someone? Hindi ako nag-iinom, e.

"Which one are you talking about?”

Dagdag pa niya kasabay ang malakas na tawa, “I don’t drink, e. Hindi ako nag-iinom, e!

“Which one? Ipakita mo sa akin para alam ko yung sinasabi mo, e.”

Pagkatapos nito ay hindi na napilit ng reporters na pasagutin pa si Clint tungkol dito.

Nakiusap din ang mga namamahala sa presson na huwag siyang tanungin tungkol sa ex-girlfriend na si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Mapapanood ang Love You Two simula sa April 22 sa GMA Telebabad.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN