Matapos dumugin ng mga tao si John Lloyd Cruz sa Wao, Lanao Del Sur noong nakaraang Miyerkules Santo, April 17, sa Cagayan de Oro naman pinagkaguluhan ng mga residente ng lugar ang aktor.
Spotted si John Lloyd sa P.O.P.S., isang All-Filipino restaurant na matatagpuan sa Corrales Avenue corner Chaves Street, Cagayan de Oro City noong Sabado de Gloria, April 20.

Game naman sa pagpapa-picture ang aktor sa service crew ng restaurant.

Hindi malinaw kung napadaan lang si John Lloyd sa lugar o may dinalaw na kaibigan katulad nang pagbisita niya sa kanyang matalik na kaibigan sa Lanao del Sur noong nakaraang linggo.
Hanggang ngayon ay naka-indefinite leave pa rin ang aktor mula sa showbiz, dahil mas pinili nito ang simpleng buhay kasama ang partner na si Ellen Adarna at ang anak nilang si Elias Modesto.
