Tony Labrusca confesses to being a reformed kleptomaniac

IMAGE Noel Orsal

Tony Labrusca says he used to steal food and other stuff back in Canada, but clarifies he is not proud of it.


Inamin ni Tony Labrusca na may isang punto ng kanyang buhay na naging kleptomaniac siya.

Sa episode ng Tonight With Boy Abunda (TWBA) nitong April 30, Martes, tinanong ang 23-year-old actor kung totoo bang nagnakaw siya noon sa convenience store sa Canada.

Saad ni Tony, “Hindi lang sa convenience store.

"Dati, kailangan ko ng damit, magnanakaw din ako sa store.

"Kung kailangan ko ng pagkain… lahat ng feeling ko puwede kong nakawin, ninanakaw ko."

Nagnakaw rin daw siya ng gusto niyang bag noon.

Nang makitang mali ang kulay ng bag na ninakaw niya, bumalik siya sa tindahan, pinalitan ang bag at ipinasok ito sa isang mas malaking bag na ninakaw rin niya.

Pero paglilinaw ni Tony, mali ang kanyang ginawa at hindi iyon dapat gayahin.

“Hindi na po ako nagnanakaw. Hindi na po ako kleptomaniac,” sabi pa ng aktor.

Ipinaliwanag ni Tony kung bakit nagawa niya ang magnakaw noon.

“At that point in my life, I felt my parents couldn’t give me enough to survive through the week.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So I thought the only way I’m gonna eat today was steal. There [were] things that I wanted…” sabi niya.

DEFENDING HIMSELF

Dahil sa pag-amin tungkol sa kanyang nakaraan, nakatanggap ng pambabatikos si Tony.

Kaya naman sunud-sunod ang Twitter posts niya upang ipagtanggol ang sarili.

Himutok ng aktor, mabilis siyang hinusgahan dahil sa kanyang mga pagkakamali noon.

Pahayag ni Tony, “Some of you guys are so quick to judge.

"I shared my flaws on TWBA because I’m sharing my HUMANITY with you.

"It’s human to make mistakes and those mistakes teach you very valuable lessons.

"TRUST me I’ve experienced that first hand."

Dagdag niya, “I admitted to tito boy that I used to steal FOOD and CLOTHES I could not AFFORD. I never said it was right nor am I proud of it.

“NO ONE is perfect. So stop acting like it.

"We all make mistakes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Your mistakes aren’t what define you as a person, it’s the effort you put into changing for the better every day.”

TONY ADMITS TO HAVING ANGER ISSUES

Inusisa rin si Tony tungkol sa kanyang pagiging mainitin ang ulo, kagaya ng airport incident noong Enero ng kasalukuyang taon.

Naging laman ng mga ulat si Tony matapos umano siyang manigaw ng ilang staff members and Immigration employees.

Hindi raw nagustuhan ni Tony na binigyan lamang siya ng 30 days para manatili sa bansa paglapag sa Pilipinas.

Sabi naman ng mga opisyal, hindi qualified si Tony para sa balikbayan privileges nang dumating sa bansa dahil hindi siya Filipino citizen.

SA TWBA, inamin ni Tony na may isyu siya sa pagiging mainitin ang ulo.

“To be completely honest, I have kind of, like, an anger issue that I had a really hard time with growing up.

“I think it just stemmed from feeling like I wasn’t being heard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I don’t wanna blame, like, my family, whatever.

"I just felt, like, growing up, I was the type of kid that always, like, in a fight or an argument, I always want my piece to be heard.

“I didn’t feel, like, I was always being listened to and it got to a point I was just, like, this angsty kid, who was just angry at everything.

“It came to a point that I don’t even know why I’m so angry.

“I would just like start crying. I don’t even know why I’m so upset anymore.

“I’m a little bit grumpy, but it’s something I’m working on.”

Pag-amin din ni Tony, kumukonsulta siya sa life coach at espesyalista para ayusin ang isyu niyang ito.

“I actually go to a life coach and I went to a neurological brain doctor because I wanted to know why I was so emotional.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And they told me that there’s a side of my brain which controls my emotions and it’s running on beta waves.

"Beta waves is like the highest frequency it can go—so I don’t really have that much control over my emotions."

Pero natutunan daw ni Tony sa karanasang iyon na mahalaga ang pagkakaroon ng malamig na ulo.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN