Vice Ganda meets sister of rumored boyfriend Ion Perez in Hollywood

IMAGE Courtesy: Natalia Perez on Facebook

Vice Ganda poses for a groupie with rumored boyfriend Ion Perez, Ion's sister Natalia Perez and brother-in-law Frank Chen in Hollywood.


Naipakilala na kay Vice Ganda ng rumored boyfriend niyang si Ion “Kuya Escort” Perez ang kapatid nitong babae.

Naganap ang pagkikita nila sa Hollywood, California, ngayong araw, May 3 (Manila time).

Mismong ang kapatid ni Ion na si Natalia Perez-Chen ang nag-post ng mga larawan sa Facebook, kung saan kasama niya sina Vice, Ion, at ang mister na si Frank Chen.

Mensahe ni Natalia sa caption: “Summer is Lab lab [heart, smiley emojis].”

Labinlimang magkakapatid sina Ion at Natalia.

Sa Instagram, nagkalat naman ang masasayang sightings nina Vice, Ion, Jackie “Ate Girl” Gonzaga, at ilan pang kaibigan.

Kasalukuyang nasa Amerika si Vice para sa two-night concert niya na may pamagat na Ang Fantastic Concert ng Vaklang Twoooh, na gaganapin sa Chumash Casino Resort (May 3) at Pechanga Resort Casino (May 5).

Hindi malinaw kung kasama sa magpi-perform sa mga concert ni Vice si Ion

Matagal na ang usap-usapang may relasyon sina Vice at si Ion na nabuo sa set ng It’s Showtime, pero wala pa silang direktang pag-amin tungkol dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN