Sofia Andres deletes all IG photos with rumored boyfriend Daniel Miranda

IMAGE Courtesy: @danielmirandaa_ on Instagram

Netizens are puzzled about why Kapamilya actress Sofia Andres has deleted all her Instagram photos with rumored boyfriend Daniel Miranda. Have they broken up?


Hiwalay na ba ang rumored couple na sina Sofia Andres, 20 at Cebuano-racer na si Daniel Miranda, 21?

Ito ang tanong ng mga sumusubaybay sa love life ng dalawa na nabuo mula noong October 2018.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kapansin-pansin kasing binura na ni Sofia ang lahat ng larawan nila ng international race car driver sa Instagram.

May ilang followers ng Kapamilya star ang nagtanong sa kanya kung bakit niya binura ang kanilang mga larawan, ngunit hindi ito sinagot ni Sofia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabilang banda, binura na rin ni Daniel ang maraming sweet photos nila ni Sofia.

Nagtira lamang siya ng dalawang larawang magkasama sila.

Ang latest post ni Daniel ay noon pang May 2, 2019.

Mula nang naglabasan ang mga nakakakilig na Instagram posts nina Sofia at Daniel, sinundan na ito ng marami nilang followers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Daniel ay mula sa angkan ng mga milyonaryo sa Cebu.

November 14, 2018, sinabihan ni Sofia ng “I love you” si Daniel.

February 20, 2019, tinawag namang “My love” ni Sofia ang racer.

Hanggang ngayon, wala pa ring tuwirang pag-amin ang dalawa sa totoong estado ng relasyon nila. 


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN