Angel Locsin, Jimmy Bondoc exchange tirades anew over ABS-CBN

IMAGE Noel Orsal / @jimmybondoc on Instagram

Actress Angel Locsin responds to Jimmy Bondoc's latest message to her about the possibility of ABS-CBN's franchise not being renewed next year.


Hindi pa tapos ang naunang palitan ng sagutan nina Angel Locsin, 34, at Jimmy Bondoc, 43, hinggil sa kontrobersiyal na Facebook post ng huli nitong May 22, Miyerkules.

Ngayong hapon, nag-tweet muli si Angel upang sagutin ang panibagong post para sa kanya ni Jimmy.

Nagsimula ang isyu nang sabihin ni Jimmy sa kanyang Facebook post na excited siya sa napipintong pagsasara ng “biggest tv network.”

Ang ABS-CBN ang itinuturing na pinakalamalaking television network sa bansa.

Inakusahan pa ni Jimmy ang Kapamilya network na ang tagumpay sa career ay nakadepende sa pulitika at “sexual favors.”

Si Jimmy ay nagsisilbi bilang Assistant Vice President for Entertainment ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ng kasalukuyang administrasyon.

JIMMY BONDOC ANSWERS ANGEL LOCSIN

Matapos sagutin ni Angel ang controversial Facebook post ni Jimmy kaninang umaga, sumagot si Jimmy, na sinundan niya agad ng isa pang post para sa aktres. 

Paglilinaw ni Jimmy, hindi niya ikatutuwa na marami ang mawawalan ng trabaho kung sakaling hindi ma-renew ang franchise ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mensahe ng singer sa aktres: “That is a false assumption. Kayo po ang nag-generalize, hindi ako.

“When a network (any network) closes, it can mean a change of management or ownership.

“Ibig po sabihin, deserving employees would probably be retained.”

Diin pa ni Jimmy, wala siyang sinabi sa kanyang post na magiging masaya siya kung maraming tao ang mawawalan ng trabaho.

Tanong pa ni Jimmy kay Angel: “if u acknowledge the imperfection of the network, do you have any comments on the acquisition of ownership by its current owners in light of the allegations that it was transferred to them to the disadvantage of the government?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ANGEL LOCSIN'S LAST STATEMENT

Ngayong dakong ika-3:30 ng hapon, muling nag-tweet si Angel upang sagutin si Jimmy.

Ito na raw ang "last statement" ng aktres tungkol sa isyu.

Sinabi ni Angel na, base sa sagot sa kanya ni Jimmy, maaaari pa ring matanggal sa trabaho ang mga empleyado “that will have no job security if this happens.”

Ang gusto lamang daw ng Kapamilya actress ay magkaroon ng mapayapang resolusyon ang isyung ito para sa libu-libong empleyado.

Post ni Angel, published as is: “(Part 1) Mr. Bondoc sorry hindi ako nagfafacebook masyado so Kung May makabasa nito paki send Na lang sa kanya.

"'As you said when a network closes it CAN mean a change of management or ownership' key word is can.

"I’m speaking for the thousands of employees that will have no job security if this happens.

"The assumption I gave is coming from your statement that you are excited for the network to CLOSE.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I am not a lawyer nor am I a politician. I have no knowledge of how it was acquired.

"I am just a human being hoping for a peaceful resolution to this problem so that thousands of jobs can be saved."

Tungkol naman sa akusasyon ng singer sa sexual favors, pulitika, at rigged o “nilutong” contests sa bakuran ng ABS-CBN, hinimok ni Angel si Jimmy na magsumbong sa awtoridad at huwag idaan sa pagpu-post sa social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Panghahamak daw ang paratang ni Jimmy sa mga artistang nagpapakapagod para maayos ang kanilang trabaho.

Published as is: “(Part 2) Regarding the sexual favors, politics and rigged contests that you claimed happened.

"If ever any of these has happened to you or anyone you know pls report it to the proper authorities. Don’t just rant on Facebook.

"Your rant discredits the artists that truly worked hard to get where they are.

"Magtulungan tayo at wag magsiraan. Let’s not wish ill of others rather let’s look for the proper solutions.

"And yes I was sincere when I said I will pray for you have a good day!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ANGEL LOCSIN VS JIMMY BONDOC ROUND 1

Kaninang umaga, nag-tweet si Angel bilang reaksiyon sa matapang na Facebook post ni Jimmy.

“I am so excited to see the biggest tv network close down,” bungad ng post ng PAGCOR official.

Hindi man direktang tinukoy ni Jimmy ang network, malinaw na ang ABS-CBN ang kanyang tinutukoy.

Noong 2017, nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya ire-renew ang franchise ng ABS-CBN kapag nag-expire ito sa 2020.

May kinalaman ito sa karanasan ng Pangulo sa panahon ng kampanya noong 2016.

Inakusahan ni Pangulong Duterte ang ABS-CBN na hindi inere ang kanyang campaign ads na nabayaran na umano noong 2016 campaign season.

Banat ni Jimmy sa Kapamilya network: "This company is a snake pit, where success is based on politics and sexual favors.

"NOBODY dares to talk about it because they either benefit from it, or they would rather not have them as enemies.”

Akusasyon pa ni Jimmy, sinira ng TV network ang sining, kultura, at moralidad ng bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“You have COUNTLESS VICTIMS, from sexual harassment to plain and simple bullying.

"I am so happy that your time has come,” bahagi ng post ng singer-turned-government official.

Sumagot si Angel via Twitter.

Bungad niya: "The network might not be perfect but for you to be happy about thousands of people losing their jobs is pure evil.”

Hinimok pa ni Angel si Jimmy na magreklamo kung nakaranas ito ng harassment nang aktibo pa bilang musician at lumalabas sa shows ng ABS-CBN.

"But generalizing that sexual favor is a prerequisite to success is just wrong,” banat ng aktres.

Si Angel ay lumipat sa bakuran ng ABS-CBN, mula GMA-7, noong 2007.

Sa kasalukuyan, napapanood siya sa prime-time series na The General’s Daughter.

Sumagot si Jimmy kay Angel via Facebook.

Nilinaw niyang ang kanyang post ay hindi generalization, kundi pagtukoy sa nangyayari ang kanyang akusasyon.

Aniya, ang isyu ay hindi tungkol sa pagsikat kundi tungkol sa hindi pagsikat ng iba dahil hindi sila pumapayag sa tinukoy niyang “kalakaran.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang post daw niya ay hindi patama sa mga artista o empleyado, kundi tungkol sa sistemang nangyayari sa network.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN