Teresa Loyzaga announces son Diego will make a showbiz comeback

by Bernie V. Franco
Jul 1, 2019
Actress Teresa Loyzaga announces that her son, Diego Loyzaga, will make a showbiz comeback really soon.
PHOTO/S: Noel Orsal / @teresaloyzaga on Instagram

Tiniyak ni Teresa Loyzaga na hindi magtatagal ay babalik na sa showbiz ang kanyang anak na si Diego Loyzaga.

“I promise you, the day will come, when he returns, hindi namin kayo bibitinin, hindi namin kayo pagsusuwapangan ng panahon, ng oras, at talento.

“Babalik siya. And pagdating ng araw na iyon, happy na again…” paniniyak ni Teresa sa interview niya sa July 1 episode ng ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay.

November 2018 nang pumutok ang balitang nag-suicide attempt diumano si Diego.

Ayon pa sa ulat, nangyari raw ang insidente noong November 6, 2018 sa tirahan mismo ng aktor.

Nang makita umano ng mga kasama sa bahay si Diego matapos nitong saktan ang sarili, tumawag sila ng paramedics at isinugod ang aktor sa St. Luke’s Medical Center, sa Quezon City.

Naging stable ang kalagayan ni Diego, pero nanatiling tahimik ang kanyang kampo hinggil sa insidente.

Mula rin nang pumutok ang balita ay hindi na napanood sa telebisyon si Diego, at pinatay ang kanyang karakter sa teleserye ng ABS-ACBN na Los Bastardos.

Continue reading below ↓

TERESA LOYZAGA TALKS ABOUT DEPRESSION

Sa Magandang Buhay kanina, naitanong kay Teresa ang tungkol sa pinagdaanan ng kanyang anak.

Sa sagot ng aktres, nagpahaging siya na ang pagkakaroon ng depression ni Diego ang nag-udyok ditong saktan ang sarili.

“Actually, hindi ko isesentro na si Diego lang, ‘no,” simula ng seasoned actress.

“Parang napansin ko lang sa society natin, hindi masyadong napag-uusapan ang depression.

"At the more na hindi natin ito pinag-uusapan, the more hindi natin ito maiintindihan."

Patuloy ni Teresa, “Maipapayo ko lang, kung meron kayong pinagdadaanan...

"Kahit ako dumaan din ako sa depression, nung na-realize ko mag-isa na lang ako and all that, you deal with it one step at a time."

Ipinapayo rin ni Teresa ang pakikipag-usap sa pamilya at mga kaibigan.

Sabi niya, “In my case, 'I’m your mom, tell me, make me part of that.

"'It’s not your problem alone, problem natin iyan. So, ang solusyon, sa atin din.

Continue reading below ↓

"'Wag mo sosolohin. Kung ikaw lang mag-isa, masisiraan ka.'"

Sabi pa ni Teresa, handa man siyang gabayan ang kanyang mga anak kahit anong oras, gusto niyang matuto ang mga ito sa buhay.

“Actually, any parent can only do so much.

“Basta ang alam ko, hindi ako magkukulang sa pagpayo ko, sa pag-remind both my children, di ba?

“Kasi they’re not little anymore. They’re grownups.

“It’s about time they take accountability for themselves, for their actions.

“Again, gabay nila ako hanggang sa aking huling hininga, pero hindi ko puwedeng makontrol ang buhay nila.

“Hanggang sa makakaya ko tutulungan ko sila, never ko sila iiwan. Yun ang promise ko.”

TERESA SAYS DIEGO WILL MAKE SHOWBIZ COMEBACK SOON

Nagpasalamat si Teresa sa mga patuloy na sumusuporta kay Diego sa yugtong ito ng buhay ng anak.

“I wanna thank everyone who keeps in touch with him, and with myself, nangungumusta and praying for him and wishing him well. Thank you very much.

Continue reading below ↓

“Ang daming tumatawag sa amin, nagpapa-schedule, ang daming humihingi na um-attend si Diego [ng events].

“Ayaw namin kayong i-let down.

"Soon. Soon we will be able to give you a date, and we will be able to say yes,” paniniyak niya.

“Right now, let’s wait in happy anticipation and, again, thank you.

“Yung suporta po ninyo, napakalaking tulong sa amin.”

Sabi pa ng aktres, nagdesisyon si Diego na ilayo muna ang sarili sa gadgets kaya hindi ito nakakabasa ng mga komento sa social media.

“Right now, si Diego has decided na, ‘Wala muna akong gadgets.’

"He is maturing and realizing what little things actually mean—these are the big things.

“And the big things are not necessarily the big things, they could be wala… useless…”

Ang pinagkakaabalahan daw ngayon ni Diego ay ang pagluluto.

Nagpahiwatig din daw sa kanya ang anak na gusto nitong mag-aral ng film directing.

“He wants to go to school he wants to study directing. Sabi ko, ‘Why not?'

Continue reading below ↓

"He has an eye. Magaling siya sa camera talaga.

“At saka alam niya lahat ng mga shots, alam niya yung codes na mga ganito,” sabi ni Teresa.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Teresa Loyzaga announces that her son, Diego Loyzaga, will make a showbiz comeback really soon.
PHOTO/S: Noel Orsal / @teresaloyzaga on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results