Hindi naniniwala si Anne Curtis sa "ghosting" o sa biglaang pag-iwan sa ere at pakikipaghiwalay sa isang karelasyon nang wala man lang proper closure.
Pahayag ni Anne, "Yung bigla na lang nawawala, ganun ba yun?
"Dapat nag-uusap, yun talaga. Ako, as in, kailangan mag-usap."
Hindi raw naranasan ni Anne ang ma-ghosting sa mga dating nakarelasyon bago niya naging nobyo at napangasawa si Erwan Heussaff.
Pero prangkang inamin ni Anne na nangyari na sa kanya ang maloko ng boyfriend niyang nambabae noon.
Hindi raw siya nagdalawang-isip na kumprontahin ang hindi niya pinangalanang ex-boyfriend.
"Of course! Ako pa!" natatawang sabi ni Anne.
Balik-tanaw pa niya, "Away talaga yun!
"In the beginning, it was just a matter of texting horrible words and then changing my number para di na niya ako ma-contact ever.
"Pero siyempre, pag love mo, pag nagkita kayo ulit...
"And then away, like, whatever."
Iba raw talaga ang sakit na naranasan ni Anne nang lokohin ng taong minahal at pinagkatiwalaan niya.
"Masakit. I changed my number... Ta's nagda-drive ako nang hindi ko alam kung saan ako pupunta."
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang reporters si Anne sa presscon ng pelikula niyang Just A Stranger.
Ginanap ito sa Le Reve Events Place, Quezon City, Miyerkules ng gabi, July 31.
NO EXCUSE FOR INFIDELITY
Nang tanungin kung ano ang pananaw niya tungkol sa infidelity, sinabi ni Anne na may mga dahilan kung bakit nararanasan ito ng ibang couples.
"I think it's very hard, because that's a case-to-case basis.
"Kung anong nangyayari sa buhay mo or kung ano ang nangyayari between you and your partner to reach the point to actually fall for someone else or to actually like someone else.
"So it depends. There's no way to justify it. It's your emotion.
"It depends kasi kung ano yung pinagdadaanan ng bawat couple for them to reach the point na ma-attract sa iba."
ANNE'S CELEBRITY CRUSHES
Bilang married woman, acceptable pa rin bang ma-attract siya sa ibang guys?
Natatawang sagot ni Anne, "Well, it's hard.
"Kasi ako, mahilig pa rin akong mag-crush. Alam ng lahat ng tao yun.
"I have a crush on Gong Yoo. I have a crush on Park Bo Gum. Andami ko talagang crush!
"And it's OK, you know. Erwan accepts my fangirling."
Ang mga tinukoy ni Anne ay ang Korean heartthrobs na sina Park Bo Gum ng K-drama na Love In The Moonlight at Gong Yoo ng Goblin.
Pero giit niya, iba naman ang simpleng paghanga sa nangangaliwa.
"So I don't think there's anything wrong with having a crush on someone.
"But at the end of the day, when you cross that line, it will always be wrong."
