Bea Alonzo unfollows Gerald Anderson, Julia Barretto on Instagram

IMAGE @beaalonzo / @andersongeraldjr / @juliabarretto on Instagram

Bea Alonzo (left) unfollows Gerald Anderson (center) and Julia Barretto (right) on Instagram. Gerald and Julia also unfollowed Bea, but remain following each other on their Instagram accounts.


In-unfollow na ng dating magkasintahang sina Bea Alonzo at Gerald Anderson ang isa't isa sa kani-kanilang Instagram accounts.

"No user found" na ang lumalabas kapag hinanap ang account name ni Gerald sa mga pina-follow ni Bea.

Ganito rin ang resulta kapag hinanap ang account ni Bea sa mga pina-follow ni Gerald.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong July 26, ibinunyag ni Bea sa interbyu niya sa ABS-CBN na wala silang pormal na hiwalayan ni Gerald at bigla na lang siyang iniwan nito sa ere.

Sabi ng Kapamilya actress, "Honestly, to my understanding, we did not break up. He just started not talking to me."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

July 21, Linggo, unang lumabas sa social media ang tensiyong namamagitan sa magkarelasyong Bea at Gerald.

Nag-ugat ito nang kumalat sa social media ang litrato nina Gerald at Julia Barretto na kuha nang dumalo sila sa 30th birthday celebration ng dating Kapamilya actor na si Rayver Cruz.

Nagkatrabaho sina Gerald at Julia sa pelikulang Between Maybes, na ipinalabas noong May 2019.

Ang kuha kina Gerald at Julia ang nagsimula ng espekulasyong tila may namamagitan sa kanilang dalawa.

Kasunod ng paglabas ng litratong ito, naglabas ng cryptic post si Bea sa Instagram noong araw ring iyon.

Sunud-sunod naman ang paglabas ng mga celebrities at kaibigan na nagbigay ng suporta kay Bea, kasama na sina Angelica Panganiban, Angel Locsin, Loisa Andalio, Paulo Avelino, at Derek Ramsay.

Maging ang mga tita ni Julia na sina Gretchen at Claudine Barretto ay nagpahayag ng suporta kay Bea.

BEA ALONZO, JULIA BARRETTO UNFOLLOW EACH OTHER

In-unfollow na rin nina Bea at Julia ang isa't isa sa Instagram.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"No user found" din ang lumalabas kapag hinanap ang Instagram accounts nila Julia at Bea sa kani-kanilang list of following at followers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nananatili namang nagpa-follow-an sina Julia at Gerald sa kani-kanilang Instagram accounts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong July 23, naiulat ang kuwento ng isang source sa Cabinet Files column ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa pag-uusap sa telepono ni Gerald at ama ni Julia Barretto na si Dennis Padilla.

Ayon sa source, umamin si Gerald kay Dennis na "hiwalay na sila ni Bea" at "nanliligaw" siya kay Julia.

Nang lumabas naman ang report ng PEP.ph, nakarating ito kay Bea dahil sa mga fans na nag-repost nito sa Instagram.

Makikita namang nag-react si Bea sa pamamagitan ng pag-like nito sa Instagram post ng isang netizen, na siyang nagbahagi rin ng mga litrato ni Gerald kasama si Julia.

Noong July 28, kumalat sa Instagram ang pagla-like ng dalawa sa isang post ng fan ni Gerald na nagsasabing "There's always two sides to every story."

Nag-reply rin si Gerald sa post ng kanyang fan, at sinabing, "Walang mas totoo pa dito."

Bukod dito, wala pang pormal na pahayag sina Gerald at Julia tungkol sa isyung kinasasangkutan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Bea Alonzo says no formal breakup with Gerald Anderson
Bea Alonzo says no formal breakup with Gerald Anderson
Gerald Anderson, inaakusahan ng
Gerald Anderson, inaakusahan ng "ghosting" dahil sa ginawa niya kay Bea Alonzo
Gerald Anderson, Julia Barretto like same post about
Gerald Anderson, Julia Barretto like same post about "two sides to every story"
Gerald Anderson replies to fan who reposted
Gerald Anderson replies to fan who reposted "there's two sides to every story" post


ABOUT THE AUTHOR

Enjoys life by binge-watching pinoy teleseryes.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close