Thai beauty queen Coco Suparurk files cyberbullying complaint

IMAGE Missosology on Facebook

Miss Grand Thailand 2019 Coco Suparurk cries at the press conference inside a police station in Thailand after she filed charges of cyberbullying against two persons of interest.


Nagreklamo ng cyberbullying si Miss Grand Thailand 2019 Coco Arayha Suparurk, eksaktong isang buwan makaraan siyang maging kontrobersiyal sa Pilipinas dahil sa pagtawag ng “fat” kay Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Naglabasan ngayong Martes, August 6, ang mga litrato ni Coco na umiiyak nang humarap sa press conference sa loob ng Bangkaew Police Station sa probinsiya ng Samut Prakan sa Thailand.

Kasama ni Coco nang dumulog sa presinto at humarap sa media ang presidente ng Miss Grand International na si Nawat Itsaragrisil.

Batay sa translated na ulat ng Thai news and media website na Thairath, iniharap nina Coco at Nawat sa media ang dalawa sa tatlong tao na inireklamo ng cyberbullying ng 25-anyos na beauty queen.

Kapwa hindi pinangalanan ang dalawang lalaking suspek, habang kinikilala at pinaghahanap ang isa pa.

Ayon sa report ng website, hindi na kinaya ni Coco ang mga pambabatikos sa kanya ng tatlong suspek sa Facebook page ng isang pageant organization.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi sa report na gumamit ang mga suspek ng “rude words” na “blasphemous, so rude that it can’t be published.”

Napaiyak naman si Coco habang ikinukuwento ang “feeling of suffering for a long time” dahil sa inabot niyang pamba-bash sa social media.

Sa huli, sa mismong presscon ay personal na nag-sorry kay Coco ang dalawang suspek, ayon pa rin sa ulat.

Sinabi pa sa report na para makaiwas sa pagbabayad ng multa at pagkakakulong dahil sa contempt, inobliga ang dalawang suspek na mag-post sa Facebook ng public apology nila kay Coco.

Sa comments naman ng mga netizen sa Facebook pages ng Missosology at Pageants and News, iginiit nilang kinarma umano si Coco sa ginawa nitong “pambu-bully” kay Catriona.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

COCO GETS BASHED FOR CALLING CATRIONA ‘FAT’

Matatandaang July 5 ngayong taon nang mapaulat ang katakut-takot na pamba-bash na inabot ni Coco makaraang tawagin niyang “fat” si Catriona sa kanyang post.

Kandidata noon si Coco sa Miss Grand International Thailand 2019, at umaasang makukuha ang titulo upang lumaban naman sa Miss Grand International 2019.

Sa Instagram Story ni Coco noong July 4, pinagtabi niya ang mga litrato nina Catriona at Miss Grand International 2018 Clara Sosa ng Paraguay.

Sa caption, tinawag niyang “FIT” si Clara at “FAT” naman daw si Catriona.

Nadismaya naman ang pageant enthusiasts sa ginawa ni Coco, na inulan din ng pambabatikos sa social media, partikular na mula sa mga Pinoy.

Gayunman, makalipas ang ilang araw, at sa kabila ng kinasangkutang kontrobersiya, nasungkit ni Coco ang korona bilang Miss Grand Thailand 2019 noong July 13.

Si Coco ang pambato ng kanyang bansa sa Miss Grand International 2019, na gaganapin sa Venezuela sa October 25.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos manalo sa pageant, sinabi ni Coco na hihingi lang siya ng paumanhin kay Catriona kung personal na magpapadala ng mensahe sa kanya ang Pinay beauty queen.

FOR CATRIONA, BULLYING ‘IS NEVER OKAY’

Sa kainitan ng nasabing kontrobersiya, at alegasyon ng umano’y body shaming ni Coco kay Catriona, nanatili namang tikom ang bibig ng ikaapat na Pinay Miss Universe.

Pero sa kasagsagan ng temporary power outage sa New York City noong July 14, sinagot ng Filipino-Australian beauty queen ang tanong ng isa niyang Twitter follower tungkol sa online bullying at body shaming.

Sagot ni Catriona sa follower niyang may handle na @WillowPontino: “Obviously I stand firmly against any form of bullying and bashing - online and off.

“It is never, ever okay to put someone down for the sake of 'expressing your opinion.'

“With words come power and we should be using those words to build someone up and not pull them down.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close