Gerald Anderson takes a swipe at people meddling with his breakup with Bea Alonzo

IMAGE Noel Orsal

Gerald Anderson: “It’s my personal life. It’s not something na I want to share sa buong mundo, di ba?”


May pasaring si Gerald Anderson sa mga “nakikisawsaw” sa kanyang personal na buhay, partikular sa hiwalayan nila ni Bea Alonzo.

Pagkatapos ng higit dalawang linggo mula nang pumutok ang breakup nila ni Bea at pagkaka-link niya kay Julia Barretto, nagsalita na sa kauna-unahang pagkakataon si Gerald nitong Lunes, August 5.

Dito ay inihayag ng Kapamilya actor ang kanyang bersiyon kung bakit sila nag-break ni Bea. 

Itinanggi rin niyang si Julia ang dahilan o third party sa kanilang relasyon.

Bukod dito, nagsalita rin ang ABS-CBN actor kaugnay ng panghihimasok ng ibang tao sa personal niyang buhay.

“It’s my personal life. It’s not something na I want to share sa buong mundo, di ba?” saad ni Gerald sa interview ng ABS-CBN News.

Kung siya raw ang masusunod, mas gusto ni Gerald na ayusin ito sa pribadong paraan at hindi panghimasukan ng sinuman.

“It’s something I want to keep private and sana maayos namin in private.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But, obviously, hindi naging ganoon.

“Maraming mga opinion and maraming nakikisawsaw.

"Di ko alam na kasama rin pala sila sa relationship ko," patutsada ni Gerald sa mga nagbibigay ng opinyon ng publiko hinggil sa isyu.

Sa pagtatapos ng interview, sinabi ni Gerald na nais lang niyang maayos ang gusot na ito at mag-move on na.

“But it is what it is and, wala, I’m just gonna take this moment to get it off my chest, have peace of mind, and ito yung first step to moving forward.”

Sa kasagsagan ng isyung kinasasangkutan nina Gerald, Bea, at Julia, naging malaking usapin ito sa social media.

Ilang mga artista na malapit sa kanila ay nadawit din sa isyu habang ilan sa kanila ay nagbigay rin ng opinyon.

Naging supportive kay Bea sina Angel Locsin, Paulo Avelino, Derek Ramsay, Gretchen Barretto, at Claudine Barretto.

Ipinagtanggol naman si Julia ng ina niyang si Marjorie Barretto at kapatid na si Dani Barretto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close