Dani Barretto claims Joshua Garcia had cheated on Julia Barretto

IMAGE Courtesy: @danibarretto / @garciajoshuae on Instagram

Dani Barretto (left photo) on Joshua Garcia, ex-boyfriend of her sister Julia Barretto (right photo): "Oh so when its him that’s at fault, you people just forget about it? But when my sister gets dragged in an issue that’s not even true, you turn against her and bash her?"


Nilaglag ba ni Dani Barretto si Joshua Garcia dahil sa pagtatanggol niya sa kapatid na si Julia Barretto?

Ito ang espekulasyon ng maraming netizens ngayon dahil sa kumakalat na screenshots ng usapan ni Dani at ng isang netizen tungkol kay Joshua.

Pakiwari ng mga nakabasa ng kanilang palitan ng mensahe, nilaglag ni Dani si Joshua upang linisin ang imahe ng kapatid na si Julia.

Isang netizen sa Twitter na may handle name na @Maycabellss ang nagsabing, “Sino ba naman kasing tao ang gusto pa makasama yung taong nanakit sa kanya?

“Kahit ako eh mas gusto ko na mag isa kesa makasama yung nanakit sakin at magpanggap na okay.”

Ang tinutukoy marahil ng netizen ay ang pag-solo flight ni Joshua sa after-party ng ASAP Natin ‘To Bay Area sa San Francisco, California, noong Sabado, August 3 (U.S. time).

Sumagot si Dani rito.

Sabi ng nakatatandang kapatid ni Julia (published as is): “Oh let me correct myself.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakarinig ba kayo ng paninira galing sa kapatid ko the first time he cheated on her too?

“Oh hindi mo alam yun noh? Marami kasi kayong hindi alam.

“Kaya manahimik na lang kayo.”

Kasunod nito, nilinaw ni Dani sa isa pang tweet ang tungkol sa kanyang sinabi tungkol kay Joshua na unang “nag-cheat” kay Julia noong magkarelasyon pa ang mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Dani (published as is): “Let me just clear this shit before I sleep and pray for the dark souls of these bashers.

“Tigil tigilan niyo ng gumawa ng kwento utang na loob.

“If hindi kayo maka intindi ng English, WAG KAYO MAG IMBENTO.

“This is the translation in TAGALOG of my tweet earlier.

"Ang ibig sabihin niyan sa tagalog, MAY NARINIG DIN BA KAYO SA KAPATID KO NUNG NAG-CHEAT SI JOSHUA THE FIRST TIME."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DANI BARRETTO: IT'S NOT FAIR

May post din sa Twitter si @amisfitunicorn ng screenshot ng palitan ng mensahe sa pagitan ni Dani at ng isang unidentified user sa Instagram. 

Makikita rito ang blue check sign sa dulo ng pangalan ni Dani, na sumisimbolong "verified" ang Twitter account niya. 

Sabi ng unidentified Instagram user, “Kakampi niyo siya hindi siya kaaway,” na ang tinutukoy ay si Joshua.

Sagot ni Dani, “Okay. If that’s what you think, I’m not going to burst your bubble.

“Go believe whatever you want to believe. I don’t care. 

“But leave my sister out of it.

“Its not fair that you’re sympathizing someone who doesn’t deserve it.

“Its not fair.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinagot naman ng netizen si Dani.

Sabi nito, “And fyi ms dani the dm issue with josh is not cheating.

“No conversation no sex.”

Sagot ni Dani (published as is), “Oh so when its him that’s at fault, you people just forget about it?

“But when my sister gets dragged in an issue thats not even true, you turn against her and bash her?

“Oh just cause its only the dm that you saw doesn’t mean it wasn’t cheating my dear.

“You only know what you saw on the internet.

“You have no idea the damage and the pain my sister had to go through with Joshua.

“Not once did she say anything.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil sa komentong ito ay na-bash nang husto si Dani.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JOSHUA GARCIA'S DM ISSUE

March 2018, pinag-usapan sa showbiz ang paglabas ng screenshots sa social media ng diumano’y pakikipag-usap ni Joshua sa isang female fan na may user name sa Twitter na @danerhea.

Pinalagan ito ng netizens at JoshLia fans dahil parang hindi raw naging loyal si Joshua sa napababalitang girlfriend pa lang niya noon at ka-love team na si Julia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sumunod na kumalat ang conversations ni Joshua at ng nasabing netizen sa Facebook, kung saan nagpapahiwatig ang aktor na nais niyang makilala sa personal ang female fan.

Kaunod nito, sinabi naman ng female fan na fake ang kumalat na Facebook conversation nila ni Joshua.

Ang totoo lamang daw ay ang mensahe ni Joshua sa pamamagitan ng direct messaging (DM) sa kanyang Instagram account na “Art photo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hanggang ngayon, makikita pa sa timeline ng nasabing Twitter user ang nai-post niya noon.

Dito na unang kumalat ang balitang nagkaroon daw ng tensiyon sa relasyon nina Julia at Joshua, kahit noong mga panahong yun ay hindi pa sila umaamin sa publiko.

April 2019 nang umamin ang dalawa na dalawang taon na ang kanilang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

June 2019, naghiwalay sila at balik daw sa pagiging “bestest of friends” ang kanilang ugnayan.

THE JULIA-GERALD-BEA CONTROVERSY

Kasunod ng pag-amin nina Joshua at Julia na hiwalay na sila, umingay naman ang breakup umano nina Bea Alonzo at Gerald Anderson.

At ang pinagbibintangang third party ay si Julia.

Nagsimula ito nang lumabas ang ilang paparazzi photos nina Julia at Gerald na kuha sa birthday party ni Rayver Cruz sa isang posh bar sa The Fort, Taguig City, noong July 20, 2019.

Lalo pa itong pinagpiyestahan ng netizens dahil sa cryptic post sa Instagram ni Bea noong July 21 tungkol sa panloloko diumano ng isang di pinangalanang tao.

Mariing itinanggi ni Julia na may relasyon sila ni Gerald.

Noong kasagsagan ng pagdawit ng pangalan ni Julia kay Gerald, si Joshua pa ang nag-cheer sa ex-gilfriend.

Pero ayon kay Bea, walang formal breakup na nangyari sa pagitan nila ni Gerald.

Sa panayam naman kay Gerald kahapon, August 5, mariin niyang itinanggi na third party ang dahilan sa hiwalayan nila ni Bea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala rin daw kinalaman si Julia sa kanilang breakup.

Sabi niya, “Walang ibang tao na naging dahilan ng breakup.

“Para sa akin, it’s always been our personal issues, things that we… things inside our relationship.”


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close