Diether Ocampo joins Philippine Coast Guard Auxiliary

IMAGE Courtesy: Philippine Coast Guard Auxiliary on Facebook

Diether Ocampo on why he wants to become a seafarer: "Nakilala ko lalo kung sino ako. Nakilala ko kung ano ang mga Pilipino, nakilala ko kung gaano kayaman ang Pilipinas pagdating sa tao. Kaya nagdesisyon ako na mas mabuti pa siguro na pasukin ko ang mundo ng seafarer.”


Isa nang ganap na miyembro ng Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) ang dating matinee idol na si Diether Ocampo, 46.

Si Diether ay may ranggong Lieutenant Commander (LCDR) sa PCGA.

Hindi man aktibo ngayon sa showbiz, pinagtutuunan ng pansin ni Diether ang kanyang pagiging maritime advocate kaya siya pumasok sa auxiliary unit ng Coast Guard.

Marso pa nitong taon nagkaroon ng indoctrination sa PCGA si Diether, pero bago pa ito ay marami na siyang nasalihang training sa Coast Guard.

Marami ring mga programa ang Coast Guard na kanyang sinalihan.

Nitong nakaraang Hunyo, matagumpay ring natapos ni Diether ang kanyang seafarer’s training sa Philippine Center for Advanced Maritime Simulation and Training.

Sa video na ibinahagi ng Philcamsat sa kanilang Facebook page, ibinahagi ni Diether kung bakit siya naging maritime advocate. 

Saad niya, "Paano nga ba maging isang marino? Mahirap ba o madali?

"Parang laging sumasagi sa isipan ko na sa bawat oras na lumilipas na iniiwan nila ang kanilang pamilya, sa bawat araw na lumilipas na kailangan nilang pagdaanan ang lahat ng unos, bagyo, disgrasya, apoy, lahat na, kailangan nilang malagpasan lahat ng ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakilala ko lalo kung sino ako.

"Nakilala ko kung ano ang mga Pilipino, nakilala ko kung gaano kayaman ang Pilipinas pagdating sa tao.

"Kaya nagdesisyon ako na mas mabuti pa siguro na pasukin ko ang mundo ng seafarer.”

Ang iba pang mga artistang pumasok sa PCGA ay sina Lieutenant Commanders Matteo Guidicelli, Erwan Heussaff, Nico Bolzico, at si Lieutenant Gerald Anderson.

Samantala, ang huling proyekto ni Diether sa telebsiyon ay ang Bagani noong 2018.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close