Are Mark Herras and newbie actress Nicole Donesa already a couple?

IMAGE Courtesy: @herrasmarkangeloofficial on Instagram

Mark Herras and Nicole Donesa hint about their relationship status via Instagram Stories.


May bago na bang girlfriend si Mark Herras?

Ito ang katanungan ng netizens na nakapanood sa kanyang Instagram Stories ngayong araw, August 9, dahil sweet na sweet sila ng baguhang aktres na si Nicole Donesa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon naman sa isang post ng netizen sa Instagram, halos isang buwan na raw ang relasyon nina Mark at Nicole.

Magkasama ang dalawa sa Kapuso afternoon drama series na Bihag.

Makikita rin sa Instagram Stories ni Nicole ang ilang larawan at video ni Mark.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maroon pa silang IG Stories na may kaparehong caption na “wawa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa isa namang IG Story ni Nicole, may nakalagay pa siyang caption patungkol sa rumored boyfriend.

Nakasaad dito, "There are lot of things I'm gonna miss in BIHAG

"Two of those things are my favorite boys."

Naka-tag dito ang isang "Raphael Landicho."

Kahit hindi binanggit ni Nicole si Mark, may nakasulat naman siyang, "& of course..." na tumutukoy sa kayakap niyang lalaki.

Ang nakatalikod na lalaki ay walang iba kundi si Mark, ang unang itinanghal na StarStruck Utimate Male Survivor. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pebrero 2019, inamin ni Reina Hispanoamericana 2018 Winwyn Marquez na hiwalay na sila ni Mark matapos ang tatlong taong relasyon.

Wala raw third party sa hiwalayan nila. 

Sa panig naman ni Mark, sinabi nitong hindi na healthy ang relasyon nila kaya sila naghiwalay. 

Samantala, si Nicole ay sumali sa Binibining Pilipinas 2013, ngunit hindi pinalad manalo.

Sumali rin siya sa Miss World Philippines noong 2014, kung saan naging Third Princess siya.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close