Did Marjorie Barretto just answer Gretchen Barretto's "ghost writer" allegation? 

IMAGE @marjbarretto / @gretchenbarretto Instagram

Marjorie Barretto (left) posts "Ghost Writer" on her Instagram bio days after sister Gretchen (right) said Julia Barretto hired a ghost writer in making a statement against Bea Alonzo.


May pinatatamaan ba si Marjorie Barretto sa kanyang bagong Instagram bio? 

Ito ang tanong ng netizens na nakapansin nitong Sabado ng gabi, August 10, na isinulat ni Marjorie ang mga katagang "Ghost Writer" sa kanyang Instagram bio.

Karaniwang inilalagay sa Instagram bio ang paglalarawan sa sarili ng netizen na nagmamay-ari ng account. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bunsod nito, hindi maiwasang maugnay ang pagpapalit ni Marjorie ng Instagram bio sa alegasyong gumamit ang anak niyang si Julia Barretto ng "ghost writer" sa matapang nitong pahayag laban kay Bea Alonzo. 

August 6 nang i-post ni Julia sa sariling Instagram ang kanyang pag-alma sa diumano'y pailalim na paninira sa kanya ni Bea sa social media. 

Kaugnay raw ito ng pag-like ni Bea sa "harmless photos" nina Julia at Gerald na kumalat sa social media. 

Naging mitsa raw ang aksiyong iyon ni Bea upang madawit si Julia sa problema ng dating magkasintahan na sina Bea at Gerald. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Makalipas ang ilang oras ay nag-react ang tiyahin ni Julia na si Gretchen Barretto hinggil sa isyu. 

Tahasang sinabi ni Gretchen na kampi siya kay Bea. Naging malapit na magkatrabaho sila sa 2010 ABS-CBN teleseryeng Magkaribal, at may hidwaan naman sa pagitan ni Gretchen at Marjorie.

Sinabi rin ni Gretchen na halatang nag-hire si Julia ng "ghost writer" upang isulat ang inilabas nitong statement laban kay Bea. 

"THE FACT THAT THEY HIRED A GHOST WRITTER FOR THIS POST IS HILARIOUS & MAKES HER SOUND DESPERATE TO SALVAGE WHATEVER IS LEFT," komento ni Gretchen bilang pagsang-ayon sa isang netizen na hindi kampi kay Julia. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung pagbabasehan ngayon ang Instagram bio ni Marjorie, tila nagpapahiwatig ito na siya ang sumulat o kaya'y tumulong sa pagbuo ng statement ng anak sa Instagram account nito. 

"SILENT WAR" THAT STARTED IN LATE 2014

Ang magkapatid na Marjorie at Gretchen ay halos limang taon nang may alitan.

February 2015 nang eksklusibong ikinuwento ni Gretchen sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na mayroon silang "silent war" ni Marjorie.

Hindi rin lingid sa kaalaman ng marami ang malalim na hidwaan sa pagitan ni Gretchen at ng kanyang mga magulang na sina Miguel at Inday Barretto. 

Hanggang sa nitong March 2019, naging kontrobersyal ang pagkontra ni Gretchen sa mga binitawang salita ni Dani Barretto, ang panganay na anak ni Marjorie. 

Sinalungat ni Gretchen ang umano'y maling pananaw ni Dani sa mga pagkukulang ng ama nitong si Kier Legaspi.  

Sabi ni Gretchen, saksi raw siya sa kung paano sinubukan ni Kier na magkaroon sila ni Dani ng father-daughter relationship. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GRETCHEN ON HAVING "ONLY CLAUDINE" IN HER LIFE

Kasabay nito ay naisapubliko rin ang pagkakaayos ni Gretchen at bunsong kapatid na si Claudine Barretto.

Sa kanyang Instagram Live noon ding March 2019, kinumpirma ni Gretchen na tanging ang bunsong kapatid na si Claudine ang kapamilya niyang may maayos siyang relasyon. 

Bahagi ng pahayag noon ni Gretchen: 

"I feel this sense of freedom that I have only Claudine. Claudine among all.

"I don’t want to name names and then start anything new.

"Siya lang ang kapatid ko na hindi ako kinailangan, na hindi niya ako ginamit."

Sa hiwalay na panayam ng DZMM Teleradyo noong March 23, sinabi rin ni Gretchen na "never" siyang makikipag-ayos sa kapatid na si Marjorie.

Sa halip na sagutin si Gretchen, nanahimik si Marjorie hinggil sa isyu at nagpasalamat sa netizens na nagpaabot ng suporta sa kanya. 


Stories We Are Tracking

Marjorie Barretto grateful amid family feud
Marjorie Barretto grateful amid family feud
Marjorie Barretto replies to supporters amid rift with Gretchen
Marjorie Barretto replies to supporters amid rift with Gretchen
Gretchen Barretto on niece Julia Barretto's statement:
Gretchen Barretto on niece Julia Barretto's statement: "TEAM BEA FOR THE WIN"
Gretchen Barretto on fixing relationship with sister Marjorie:
Gretchen Barretto on fixing relationship with sister Marjorie: "Never."


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close