FIRST READ ON PEP. Gretchen Barretto confirms silent war with sister Marjorie: “At least, it’s silent!”

Gretchen Barretto on turning 45: “It’s good to be light and happy. It’s good to be positive. You know you wake up every morning and you’re healthy. You know everything is fabulous, so there’s no reason to be angry. So, I mean, can you complain? You can’t complain.”


“But at least, it’s silent, ‘di ba?”

Ito ang bahagi ng kumpirmasyon ni Gretchen Barretto tungkol sa kanilang “silent war” ng nakababatang kapatid na si Marjorie Barretto.

Kahit paiwas nung una, kinumpirma pa rin ng aktres sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang matagal nang usap-usapang alitan nila ng kapatid.

Nakausap namin si Gretchen sa launching ng kanyang bagong collection para sa Karat World, ang Everyday Gretchen. Ginanap ang event sa Blackbird restaurant sa Makati City, ngayong Biyernes ng hapon, February 27.


“SILENT WAR.” Huling bahagi ng 2014 nang napansin ng followers ng dalawang magkapatid sa Instagram na hindi na sila nagpu-post ng mga larawan nilang magkasama.

Dito na lumutang na baka may awayang namamagitan kina Gretchen at Marjorie.

Ngunit hindi katulad sa mga naunang bangayan ng mga Barretto sisters, tahimik at hindi public ang kanilang hidwaan ngayon.

Tanong ng PEP kay Gretchen: Totoo ba ang ‘silent war’ niyo ni Marjorie?

Napasipsip muna ng kape si Gretchen at tumitig sa writer na ito, bago sumagot ng: “Ano sa tingin mo?

"Kung napi-feel mo, hindi ba? So…

"But at least, it's silent, ‘di ba?”

Natatawa naman niyang dugtong, “Invisible war… ‘di, silent war na lang!”

Ayon sa mga ulat, nag-ugat daw ang tampuhan sa pagitan ng dalawa nang mag-post si Gretchen sa Instagram ng papuri kay Liza Soberano.

Hindi raw ito nagustuhan ni Marjorie dahil si Liza ay itinuturing na karibal ng kanyang anak na si Julia Barretto sa bakuran ng ABS-CBN.

Parehong ginu-groom ngayon ng Kapamilya network at Star Magic sina Julia at Liza bilang next top leading ladies ng network.

Labis daw na nasaktan si Marjorie at ito na ang simula ng kanilang alitan ni Gretchen.

Read: Gretchen and Marjorie Barretto at war because of Julia-Liza rivalry?

Tinanong muli ng PEP si Gretchen: Mababaw lang ba ang dahilan ng away nilang ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napabuntung-hininga muna siya at saka sinabing, “What do you want me to say?

“Like what I said, I have so much to be grateful for.

“Ang layo na ng narating ko kung saan man ako nanggaling.

"Ang dami ko nang napagdaanan kung saan man ako galing, na hindi ko naman itinatago sa publiko.

"So, how can you sweat the small stuff?

“Sabi nga nila, ‘Don’t sweat the small stuff.’

“Why should I sweat? Enjoy lang every day. Enjoy lang.”

“FAMILY IS FAMILY.” Dalawang linggo mula ngayon ay 18th birthday na ni Julia. Invited ba si Gretchen sa selebrasyon ng pamangkin?

Sagot ng Kapamilya actress, “Yes, I am invited. I am family.

“To be serious about it, lahat gusto ko ipagdasal.

"I want her to have a good debut.

"So, if in any way, it will not be relaxed or happy, the environment for her if… I don’t want it that way."

Mabilis niyang dugtong, “Kung ano yung dahilan, huwag mo nang tanungin.

"Kasi you're not gonna help. It won’t help. You know what I mean?

“It's her day, let her enjoy it. Let’s not add negativity to it."

Dagdag pa ni Gretchen, “Huwag natin ano... you know, the kid is turning 18, she has a long way to go.

“She’s starting light, so huwag nating...

"Family is family. No matter what happens, family is family."

Dadalo ba siya sa debut ni Julia?

Tugon ni Gretchen, “I dont know.”

Dito ay nagpaliwanag ang aktres tungkol sa sinabi niyang "family is family."

Aniya, “Family is family; friends, friends. Ganun lahat yun.

"Things may happen, magkatampuhan tayo.

"Whatever it is, it’s not gonna help if somebody will provoke, will add so just, you know, may mapag-usapan.

“There are things na puwede pag-usapan, puwedeng pagtawanan."

Saad pa ni Gretchen, “People you love, that’s a very, very sensitive topic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"You cannot play around with people’s emotion.

“Kasi ayaw mo na malasin ka. Ayaw mo ng negative.

"We can be bitchy in other things, you know, playful in other things.

"Pagdating sa mga emotions ng tao na mahal mo o mahal ka, hindi puwede yun, lalo na 'pag bata.”


“I JUST WANNA BE BETTER.” Ayon kay Gretchen, hindi na niya masyadong iniisip ang mga ganitong klaseng intriga at negatibong isyu.

“’Di ba, at our age, we don’t have to play, e.

"I think, at my age, sa status ng career ko, I’m not out for publicity anymore.

“Whether there’s publicity or not, basta ako, I just wanna do my job.

"I just wanna feel fulfilled, I just wanna give back, and then the rest of my time, I just wanna enjoy it.

“I just wanna do good, I just wanna be better.”

Sa March 5 ay ipagdiriwang ni Gretchen ang kanyang 45th birthday.

Wala na raw siyang mahihiling pa kundi magandang kalusugan at masayang buhay.

Aniya, “It’s good to be light and happy. It’s good to be positive.

“You know you wake up every morning and you’re healthy.

"You know everything is fabulous, so there’s no reason to be angry.

“So, I mean, can you complain?

“You can’t complain.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN