Kakai Bautista reveals she almost quit showbiz because of Mario Maurer

IMAGE Noel Orsal

Kakai Bautista on why she is often being linked to handsome, mestizo guys: “Ewan ko ba, baka kailangan nila ng pet!”


Nali-link lagi si Kakai Bautista sa mga guwapo at mestisuhing aktor, pero matagal-tagal na raw wala siyang official boyfriend.

“Ang official talaga, medyo matagal na, seven, eight years.

"Then, mga paanu-ano na hindi natutuloy.

"Pero yung official na ipapakilala ko sa parents ko, ganun," sabi ng comedienne nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng pelikulang And Ai, Thank You nitong Agosto 7, Miyerkules, sa Max's Restaurant, Quezon Avenue, Quezon City.

Na-link sila dati ng Thai actor na si Mario Maurer, na nakasama niya sa pelikulang Suddenly It's Magic (2012).

Bali-balitang pinagbabawalan itong makipag-communicate sa kanya. Hanggang ngayon ba?

“Actually, ewan, baka hindi na lang niya gustong makipag-communicate sa akin!” natawang sabi ni Kakai.

“Pero yung character naman ni Mario, hindi naman siya ganoon. Napakabait nun.

"Pero wala na tayong magagawa, ganoon na talaga yun."

Nasaktan siya?

“Oo naman, muntik na akong mag-quit ng show business noon. Kasi, first time kong maganoon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sinasabi ng mga tao, sabi ko nga, 'Bakit ko naman gagamitin?'

"Baka hindi lang kayo sanay sa mga sweet na tao at saka mababait talaga."

KAKAI BAUTISTA ON ALDEN RICHARDS AND OTHER TISOY MEN

Napa-“Ano ba ‘yan?!” si Kakai nang mabanggit si Alden Richards, na isa sa mga guwapo at tisoy na inili-link din sa kanya.

“Si Alden, kaibigan ko ‘yan. Sobrang kaibigan ko ‘yan. Si Alden, sobrang bait,” sabi ng comedienne-singer.

Lapitin siya ng mga tisoy.

“Ewan ko ba, baka kailangan nila ng pet!” biro niya.

“Pero noong may boyfriend pa ako, halos lahat, moreno. Baka ganun.”

Nakakatanggap pa rin ba siya ng pamba-bash mula sa fans daw ni Alden?

“Hindi naman sila tumitigil,” saad niya.

“Pero hindi rin ako sure kung fans nga ba ni Alden yung mga namba-bash.

"Kasi nakakausap ko naman sila sa mall shows, nandiyan sila, sumusuporta, mababait sila.

“At saka, sabi ko nga, mga itlog lang naman yung nagko-comment. Walang profile photos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tinatawanan ko na lang din. Minsan, puro kagaguhan lang din ang sagot ko."

GHOSTING ISSUE

Ayaw namang makisali ni Kakai sa isyu ng ghosting ng mga nakakasama niyang artista sa Kapamilya network.

Pero inamin ni Kakai na matagal na niyang kaibigan si Bea Alonzo nang tanungin ng PEP.ph kung malapit siya sa dalawang babaeng nauugnay ngayon kay Gerald Anderson—sina Bea at Julia Barretto.

Si Gerald ay ex-boyfriend ng best friend ni Kakai na si Maja Salvador.

Ayon kay Kakai, “Si Julia, naka-work ko na rin yata.

“Ayokong magsalita. Parang wala ako sa huwisyo na mag-comment about that.

"Sana lang, maayos at maayos. Ma-heal ang mga pusong nasaktan.

“Basta kasi, di ba, hindi naman natin gusto na palaging may nag-aaway. Sana, maayos.”

Bilang kaibigan niya si Bea, ano ang suporta niya rito?

Diin ni Kakai, “Ayokong magsalita talaga. Basta, magpi-pray na lang ako na maayos.

"Yun na lang ang pinakamagandang magagawa natin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close