Miss Universe 2018 Catriona Gray calls for passage of SOGIE bill

IMAGE @catriona_gray on Instagram

In an Instagram post, Miss Universe 2018 Catriona Gray (in photo) appeals for passage of SOGIE Equality Bill amid mall-discrimination incident against trans woman Gretchen Diez.


Umaapela si Miss Universe 2018 Catriona Gray para sa agarang pagsasabatas sa SOGIE Equality Bill.

Layunin ng SOGIE (Sexual Orientation and Gender Identity and Expression) Equality Bill na bigyang proteksiyon ang LGBTQ+ community kontra diskriminasyon.

Ito ay kaugnay pa rin ng pamamahiya, pagpoposas, at pag-aresto sa 28-anyos na trans woman na si Gretchen Custodio Diez sa isang shopping mall sa Quezon City nitong Martes, August 13.

Batay sa video na kuha ni Diez, na kumalat sa social media, ipinahiya at kinaladkad ng janitress ng mall si Diez matapos pigilang gumamit ng restroom para sa mga babae.

Sa huling balita, bagamat humingi na ng sorry kay Diez ang janitress at ang pamunuan ng mall, desidido siyang magsampa ng kaso laban sa management ng establisimyento.

Sa Instagram post ni Catriona ngayong Huwebes ng umaga, August 15, sinabi niyang dahil sa sinapit ni Diez, lalo pang nabigyang-diin ang pangangailangang maisabatas at maipatupad na ang SOGIE bill.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad sa post ni Catriona:

“Last night's incident involving a transgender woman being prohibited from using the womans washroom and resulting in being escorted off premises in handcuffs by local police only highlights further, the Philippines need for implementation of the #SOGIEEqualityBill.

“LGBTQ+ rights are HUMAN rights - mga karapatang pangkaligtasan at kalayaan mula sa diskriminasyon, karahasan at pagmamalupit batay sa pagkakakilanlan.”

Binanggit pa ng Filipino-Australian beauty queen na nangyari ang insidente sa Quezon City, kung saan may umiiral na ordinansa kontra diskriminasyon, na dahil sa insidente ay naging “walang saysay.”

Ayon kay Catriona, “The incident happened in a city that has an existing anti-discrimination bill.

"Ibig sabihin, walang saysay ang isang bill na hindi maipatupad sa isang komunidad."

QC MALLS MUST HAVE ‘ALL-GENDER TOILETS’

Taong 2014 nang aprubahan ng Quezon City government ang Gender Fair Ordinance—ang unang uri ng nasabing batas sa bansa.

Mariing ipinagbabawal ng nasabing batas ang diskriminasyon laban sa sexual orientation, gender identity and expression ng sinuman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nauna nang kinondena ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang nangyari kay Diez.

Sa Facebook post ni Mayor Belmonte nitong Miyerkules, August 14, sinabi niyang nilabag ng mall ang Section 5 ng ordinansa na nag-oobliga sa lahat ng tanggapan ng gobyerno at mga pribado at pampublikong establisimyento na magkaroon ng “All-Gender Toilets.”

CATRIONA ASKS FOR AWARENESS CAMPAIGNS

Samantala, iginiit din ni Catriona sa kanyang post ang pagkakaroon ng pinaigting na information drive at awareness campaigns upang higit na maunawaan ng publiko ang LGBTQ+ community.

Aniya, “Kasabay ng hinihinging pagpasa ng #SOGIEEQUALITYBILL, dapat din tayong humiling ng mga sumusunod bilang isang komunidad:

“1. 'Accessible forms of information for the public such as educational drives, programs and awareness campaigns': para mas maintindihan natin ang mga pangangailangan ng LGBTQ+ community at para malaman natin ang mga bagay na maaari pa nating magawa bilang mga kaalyado o mga taong may awa sa kapwa (black heart emoji).

“2. 'A SOGIE workplace policy': para sa lahat ng mga pampublikong tagapaglingkod at mga taong may impluwensiya sa komunidad.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasunod nito, binigyang-diin ng ikaapat na Pinay Miss Universe na walang sinuman—anuman ang gender preference—ang “dapat na makaranas ng anumang uri ng pagpapahiya at pang-aabuso.”

Apela ni Catriona, “Gusto ko ring pagtuunan natin ng pansin ang katotohanang wala dapat makaranas ng anumang uri ng pagpapahiya at pang-aabuso (emotional, physical o sexual), LGBTQ+ man o hindi.”

Giit pa niya, hindi kailanman magiging tama ang victim blaming, at importanteng mapanagot ang may kasalanan.

“The whole arguement of shifting the blame to the victim for reasons of being trans to justify abuse - is still victim blaming and IS NOT RIGHT.

“The blame should be on the perpetrators who should be held accountable and corrective actions should be taken (in last nights case - points one and two above could greatly help prevent future similar incidents from happening).

“Ang LGBTQ + ay nakikipaglaban para sa kanilang mga karapatan - ang karapatan sa kaligtasan, proteksyon at pagkakapantay-pantay - ay laban din natin. (rainbow flag emoji) #SOGIEEqualityNow.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
View this post on Instagram

Last night's incident involving a transgender woman being prohibited from using the womans washroom and resulting in being escorted off premises in handcuffs by local police only highlights further, the Philippines need for implementation of the #SOGIEEqualityBill. LGBTQ+ rights are HUMAN rights - mga karapatang pangkaligtasan at kalayaan mula sa diskriminasyon, karahasan at pagmamalupit batay sa pagkakakilanlan. The incident happened in a city that has an existing anti-discrimination bill. Ibig sabihin, walang saysay ang isang bill na hindi maipatupad sa isang komunidad. Kasabay ng hinihinging pagpasa ng #SOGIEEQUALITYBILL, dapat din tayong humiling ng mga sumusunod bilang isang komunidad: 1. "Accessible forms of information for the public such as educational drives, programs and awareness campaigns": para mas maintindihan natin ang mga pangangailangan ng LGBTQ+ community at para malaman natin ang mga bagay na maaari pa nating magawa bilang mga kaalyado o mga taong may awa sa kapwa ?. 2. "A SOGIE workplace policy": para sa lahat ng mga pampublikong tagapaglingkod at mga taong may impluwensiya sa komunidad. Gusto ko ring pagtuunan natin ng pansin ang katotohanang wala dapat makaranas ng anumang uri ng pagpapahiya at pang-aabuso (emotional, physical o sexual), LGBTQ+ man o hindi. The whole arguement of shifting the blame to the victim for reasons of being trans to justify abuse - is still victim blaming and IS NOT RIGHT. The blame should be on the perpetrators who should be held accountable and corrective actions should be taken (in last nights case - points one and two above could greatly help prevent future similar incidents from happening). Ang LGBTQ + ay nakikipaglaban para sa kanilang mga karapatan - ang karapatan sa kaligtasan, proteksyon at pagkakapantay-pantay - ay laban din natin. ????‍???? #SOGIEEqualityNow

A post shared by Catriona Gray (@catriona_gray) on

Ilang celebrities na ang naunang nagpahayag ng suporta kay Diez, kabilang sina Vice Ganda, Ice Seguerra, Bianca Gonzalez, Heart Evangelista, Frankie Pangilinan, at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Taong 2017 pa naipasa sa Kamara ang SOGIE Equality Bill, na pending pa sa Senado hanggang ngayon.

Sa kanyang plenary speech kahapon, August 14, nanawagan si Senator Risa Hontiveros sa mga kapwa niya senador na ipasa na ang inakda niyang bersiyon ng SOGIE Equality Bill, kaugnay na rin ng sinapit ni Diez.

SOME WOMEN DISAGREE

Maraming nagpahayag ng pagsang-ayon sa apela ni Catriona, na matagal nang nakikiisa sa laban para sa LGBTQ+ rights.

Gayunman, kapansin-pansin din ang mga komento ng ilang netizens na kumontra sa Miss Universe 2018.

Ayon sa ilang netizens, mahalaga ring isulong ni Catriona ang karapatan sa privacy ng mga babaeng hindi kumportable na kasama sa restroom ang isang trans woman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Iginiit pa ng ilan na makukompromiso ang kaligtasan ng kababaihan, partikular ng mga batang babae, sakaling may rapist na magpanggap na trans woman upang makapambiktima sa restroom na pambabae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga netizen namang nag-suggest na dapat ay may hiwalay talagang restroom para sa mga LGBTQ+ para maiwasang maulit ang nangyari kay Diez.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close