Kris Aquino speaks up on presidential-chopper issue

Apr 22, 2016
<p>"Ang pamilyang Aquino, makapal daw ang mukha namin dahil ginagamit ko daw ang presidential chopper para mangampanya. Puwede bang ipagtanggol n'yo ako?" Kris Aquino tells supporters who attended Liberal Party's campaign sortie in Hagonoy, Bulacan.</p>

Humiling si Kris Aquino sa mga supporter ng Liberal Party na ipagtanggol siya sa batikos na tinatanggap niya ngayon dahil sa kontrobersiyal na paggamit niya ng presidential chopper.

Ginawa ng bunsong kapatid ni President Benigno “PNoy” Aquino III ang pakiusap na ito sa campaign sortie ng LP sa Hagonoy, Bulacan, kahapon, April 21.

Sinabi ni Kris sa harap ng mga supporter ng LP, “Binubugbog po ako sa social media, sinasabi mapang-abuso daw ang pamilyang Aquino, makapal daw ang mukha namin dahil ginagamit ko daw ang presidential chopper para mangampanya.

“Puwede bang ipagtanggol niyo ako?”

Matatandaan na noong Miyerkules, April 20, naging viral sa social media ang mga larawan ni Kris na gamit ang presidential chopper.

Noong una ay inakala ng netizens na ginamit ni Kris ang presidential vehicle para sa pagpunta sa campaign sortie ng Liberal Party sa Dalaguete, Cebu.

Read: Kris Aquino heavily criticized for allegedly using presidential choppers at LP sortie

Continue reading below ↓

Subalit napag-alaman na ang presidential chopper ay ginamit para ihatid sina PNoy at Kris sa inauguration ng Solar Power Plant sa San Carlos Ecozone, Barangay Punao, San Carlos City, Negros Occidental.

Read: Did Kris Aquino really use presidential chopper for LP campaign sortie?

Ayon sa isang ulat, matapos nito ay lumipat ang presidential choppers sa Dalaguete, Cebu.

Mula roon ay bumiyahe by land ang LP group patungo sa Argao, Cebu, kung saan sinamahan nila ang standard-bearer ng LP na si Mar Roxas at running mate niyang si Leni Robredo.

Samantala, sa campaign sortie sa Bulacan, bago ipakilala si Mar, nabanggit din ni Kris na naglakad siya ng tatlong kilometro papunta sa campaign site.

“Ang mga guards na kasama ko, naloka na lang nang sinabi ko maglakad na tayo, dahil nakakahiyang paghintayin ang Hagonoy.

“Narinig ko si Leni Robredo ay nagsalita na. Sabi ko, 'Hindi puwedeng paghintayin ko kayo.'

Continue reading below ↓

“Kaya po ako hinihingal, tatlong kilometro po ang nilakad ko.

“Pero ginawa ko 'yan dahil ang pamilyang Aquino, one hundred percent ang suporta kay Mar Roxas.”

PNOY, MAR DEFEND KRIS. Samantala, kahapon, April 21, lumabas sa mga ulat ang pagdepensa ni Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr. tungkol sa naging viral photos ni Kris.

Aniya, “Members of the President's immediate family are allowed to ride with him in official government vehicles.”

Read: Kris Aquino can use the presidential chopper, says Malacañang

Halos ganito rin ang sinabi ni Mar sa mga reporter sa Jaen, Nueva Ecija, kahapon.

Aniya, “I think she was with the president, right?

“She is the sister of the president. She is a member of the president’s family.

“There are courtesies and privileges extended to the president’s companions.”

Diin pa niya, “It did not require extra costs. If the president flew [to attend an event], she just tagged along with him.”

Continue reading below ↓

Sa kabilang banda, dinepensahan din ni PNoy ang bunsong kapatid nang humarap siya sa ilang reporters sa Batangas kahapon.

Ayon sa ulat ng GMA News, sinabi ni PNoy na boluntaryong sumama si Kris sa kanya noong Martes, April 19.

Ani PNoy, “Alam naman niyo ano, noong pagdating ng Martial Law, sino ba ang inasahan namin?

“Basically yung nanay ko, kaming magkakapatid, okay.

“Itong pagtahak namin na pagkatagal-tagal na Kris was [only] one-year-old when Martial Law was proclaimed.

“So, dumating siya, nagkamalay siya kung kailan dapang-dapa kami bilang isang pamilya.

“Gusto ko namang ipakita sa kanya, 'Tingnan mo ang resulta na talagang nagiging makabuluhan at may saysay itong demokrasyang ipinaglaban ng mga magulang natin.'”

Binanggit din ni PNoy ang pagiging isa sa mga top taxpayer ng kanyang bunsong kapatid.

Saad niya, “Siguro batid naman ng lahat na isa siya sa pinakamalaking individual taxpayer, okay.

“Ugali ko rin na kunyari merong, di ba, kapag kausap natin ang mga negosyante, ang turo natin, ‘May ginawa kayong ganito, may potensiyal na ganyan.’

Continue reading below ↓

“Kung kailangang isakay ko sila doon sa helicopter, isakay ko para minsanan ma-dialogue, makita yung vision.

“Whether as an individual taxpayer or somebody who was very close to me, who shared all of the burdens, I think it’s just but proper na i-share naman the successes, share kami sa hirap, share ko na rin iyong success.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>"Ang pamilyang Aquino, makapal daw ang mukha namin dahil ginagamit ko daw ang presidential chopper para mangampanya. Puwede bang ipagtanggol n'yo ako?" Kris Aquino tells supporters who attended Liberal Party's campaign sortie in Hagonoy, Bulacan.</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results