Sheryl Cruz slams rumors that her mom is in PH to ruin Grace Poe's campaign

Apr 22, 2016
<p>Sheryl Cruz slams malicious rumors that her mom Rosemarie Sonora is in the Philippines to ruin Senator Grace Poe's bid for presidency. "Hindi ba puwedeng pumunta dito yung nanay ko para bisitahin kami? Kailangan bang bahiran na merong nagpapunta sa kan

Inalmahan ni Sheryl Cruz ang espekulasyong dumating sa bansa ang kanyang ina na si Rosemarie Sonora upang maghayag ng pambabatikos laban sa kandidatura ni Senator Grace Poe.

Si Rosemarie ay kapatid ng adoptive mother ni Grace na si Susan Roces at matagal nang nauugnay bilang biological mom diumano ng senadora.

Buwelta ni Sheryl, “Ang tagal na naming kinikimkim. Masyado na kaming matagal na hindi nagsasalita, di ba?

“So, para lang sa amin, ganito na lang, sana tama na yung pandadamay nila sa mga pangalan namin. Nanahimik kami.

“Hindi ba puwedeng pumunta dito yung nanay ko, bisitahin kami?

“Kailangan pang ipaalam sa lahat ng tao yung pagdalaw nila sa amin dito?

“Kailangan bang bahiran na merong nagpapunta sa kanya ditong pulitiko?”

Read: Rosemarie Sonora and daughter Sheryl Cruz to speak up against Grace Poe in a presscon

Nakapanayam ng piling entertainment reporters si Sheryl matapos ang presscon proper ng upcoming GMA-7 primetime series na Once Again, na ginanap sa 17th floor ng GMA Network Center, nitong Huwebes ng gabi, April 21.

Continue reading below ↓

Kapansin-pansing mabilis na lumabas ng function room si Sheryl pagkatapos ng presscon proper, ngunit naharang siya ng ilang entertainment reporters bago bumaba ng elevator.

Dito ay hindi na napigilang umiyak ni Sheryl dahil sa gusot sa pagitan niya at ng pinsang si Senator Poe.

Matatandaang minsang nang naging bukas si Sheryl sa pagsasabing hindi siya pabor sa pagtakbo ni Grace sa pinakamataas na posisyon sa bansa ngayong 2016 elections.

Read: Sheryl Cruz dismisses claims that she is being used by Binay and Roxas camps against Sen. Grace Poe

Naluluhang paliwanag ni Sheryl nang paalalahan tungkol sa kanyang mga nasabi noon, “I just said my piece before because that’s my opinion, and everybody is entitled to their opinion.

“Ngayon, kung pupunta man dito yung nanay ko, karapatan niya bumista dito dahil anak niya kami.

“Kailangan din niya kaming makasama dahil maikli rin naman ang buhay.

“Hindi naman niya kami laging makakasama at hindi rin namin alam hanggang kailan kami mabubuhay.

Continue reading below ↓

“So, sana patahimikin na lang niya kami.

“Kasi ito ba yung gobyernong may puso? Yun lang yung akin, e.”

Gayunman, iginiit ng Kapuso actress na walang katotohanan ang bali-balitang balak niyang magpatawag ng presscon para sirain ang kanyang pinsan.

Aniya, “Hindi po, kasi nakakasakit na po lahat ng isinusulat nilang hindi totoo.

“Yung mga kasinungalingan na sinasabi nila laban sa amin, kasi hindi naman kami gumagawa ng kahit anong salita.

“Hindi naman kami nagsasabi ng kahit ano.”  

Malaman din ang panghuling pahayag ni Sheryl tungkol kay Senator Poe.

“Hindi nga kami tumatakbo for any positions so sana patahimikin na lang nila kami.

"Kasi wala naman kaming intensiyon, wala naman kaming hangad kahit ano.

“Simple lang kaming mga tao, simple lang kaming mga mamamayan.

“Nagtatrabaho kami nang maayos so sana huwag na lang nila kaming i-drag sa kanilang mga kung anumang political aspirations nila, kasi sobra na silang nakakasakit.”

Continue reading below ↓

Sa kabila ng alegasyon ni Sheryl laban kay Grace, wala namang opisyal na pahayag ang senadora na masasabing naghayag ito ng anumang hinanakit laban sa aktres.

Matagal nang mayroong espekulasyon na diumano’y anak ni Rosemarie kay dating Pangulong Ferdinand Marcos si Grace, ngunit makailang beses na itong pinabulaanan ng senadora at maging ng kanyang adoptive mother na si Susan.  

Read: Susan Roces denies Grace Poe is sister Rosemarie Sonoras's daughter with Ferdinand Marcos

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Sheryl Cruz slams malicious rumors that her mom Rosemarie Sonora is in the Philippines to ruin Senator Grace Poe's bid for presidency. "Hindi ba puwedeng pumunta dito yung nanay ko para bisitahin kami? Kailangan bang bahiran na merong nagpapunta sa kan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results