"Hannah Montana" cast member Anna Maria Perez de Tagle is a Filipino

Anna Maria Perez de Tagle is part of the highly-successful Disney show Hannah Montana. She was also included in the cast of Disney original movie Camp Rock.



Sikat na sikat sa Amerika ang TV show na Hannah Montana nanapapanood sa Disney Channel at pinagbibidahan ni Miley Cyrus, anak ng datingcountry singer na si Billy Ray Cyrus. Lingid sa kaalaman ng marami, isa sa cast member ng Hannah Montana ay may dugong Pinoy—si Anna Maria Perez de Tagle.

Seventeen years old na si Anna Maria at ipinanganak siya saSan Jose, California. Parehong Filipino ang mga magulang niya na nag-migrate saU.S. bago pa man isilang si Anna Maria.

Sa Hannah Montana ay ginagampanan ni Anna Maria ang role niAshley Dewitt, ang isa sa mga bullies ni Hannah. Bukod sa naturang Disney showay napanood din si Anna Maria sa Disney original movie na Camp Rock, kung saannakasama niya ang sikat ngayon na Jonas Brothers. Nakasama rin siya sa TV showna Cake TV.

Noong 13 years old pa lang si Anna Maria ay nagpadala siya ngaudition tape sa Disney. Kahit na wala siyang showbiz background,naglakas-loob siyang mag-audition para sa role ni Hannah or Lily sa sisimulanpa lang noon na Hannah Montana.

Noong una raw ay dini-discourage siya ng kanyang ama na siMr. Artie Perez de Tagle dahil alam niyang matindi ang competition saHollywood, lalo na ang makapasok sa isang Disney TV show. Pero dahil sa hiligtalaga ni Anna Maria ang mag-perform, itinuloy pa rin niya ang mag-audition.

Ang pinaka-exposure lang niya as a performer ay noong sumalisiya sa Children's Musical Theater. Sumali rin siya sa Star Search, kung saannakasabay niya ang American Idol runner-up na si David Archuleta.

"I always wanted to be a singer, I just love to sing. I wasthe very first Asian Cinderella in the Bay Area, by the way," sabi ni AnnaMaria sa panayam sa kanya ng Good News Pilipinas.com.

Si Anna Maria ay apo ng sikat na comedienne-actress noongpanahon ng Sampaguita Pictures at LVN Films na si Sylvia La Torre. Ang ama niAnna Maria ay ang eldest son ni Sylvia at ang ina naman niya ay si Mrs.Evelyn Enriquez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa edad na apat ay nakitaan na raw ni Sylvia ng talent sapagkanta ang kanyang apo.

"My mother said may tono raw ang batang ‘to, and from thenon, she would give voice lessons to Anna Maria whenever she could. Even duringher [Sylvia] performances, she would ask Anna Maria to go up the stage andperform with her, and Anna Maria never said no," kuwento ni Daddy Artie.

Sinuwerte nga si Anna Maria nang makuha niya ang role naAshley sa Hannah Montana laban sa libu-libong nag-audition.

Isang honor student si Anna Maria sa Los Angeles County HighSchool for the Arts (LACSA or Arts High, the same school na pinasukan nina JoshGroban, Jenna Elfman, at Corbin Bleu) bago siya nakapasok sa Hannah Montana.Pero ngayon ay home-schooled na siya dahil nga sa pagsabay ng kanyang actingcareer.

After mapanood at mabigyan ng magandang exposure sa HannahMontana, nabigyan si Anna Marie ng isa pang break to work with the JonasBrothers and Demi Lovato sa Disney Channel original movie na Camp Rock.

Camp Rock was watched by 8.9 million viewers nangmag-premiere ito last month sa Disney Channel. Natalo nito ang viewership ngfirst High School Musical, na pinagbidahan nina Zac Effron at Vanessa Hudgens, na may dugong Pinoy rin.

"In Camp Rock, I play the role of Ella, a talented girl whogets bossed around by Tess Tyler [Meaghan Jette Martin] to make the life ofMitchie Torres [Lovato] miserable. In the end, Ella realizes she is her ownperson and does not need to be anybody's follower. I think I am breaking out ofthe Asian actress mold, who is usually typecast as ditzy. Disney takes goodcare of me," saad ni Anna Marie.

In the works na raw ang Camp Rock 2 at malamang na makasamapa rin si Anna Maria.

Bukod sa acting ay marami pa siyang kayang gawin.

"Not many people know that I sing and I write songs becauseI show a different side of me in Hannah Montana. But I do all these and I alsodesign clothes," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang pinaka-inspiration ni Anna Maria sa kanyang pag-performay ang ipinagmamalaki ng Pilipinas na si Lea Salonga. Ayon kay Anna Maria,paborito na niya si Lea noong bata pa siya. Lahat daw ng shows at concerts niLea ay pinapanood niya, lalo na kung sa Los Angeles area ito nagaganap.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN