Keempee de Leon answers with mostly lies in "Don't Lie To Me"

Actor Keempee de Leon took the hot seat in Showbiz Central's "Don't Lie To Me" segment. Out of the seven questions that were asked, five of them were "lies."



Si Keempee de Leon ang sumalang sa "Don't Lie To Me" segmentng Showbiz Central kahapon, October 12. Habang naka-strap sa lie-detectormachine si Keempee ay nakausap naman sa kabilang side ang mga kaibigan niyangsina Ariel & Maverick. Actually, tiyuhin ni Keempee si Ariel dahilpinsang-buo ito ng kanyang ama na si Joey de Leon.

Limang "Lie" at dalawang "Truth" lang ang resulta nglie-detector test ni Keempee.

Ang unang tanong ni John "Sweet" Lapus kay Keempee ay kungtotoo bang binalak niyang ligawan noon ang co-star niya sa defunct GMA-7 sitcomna Bahay Mo Ba ‘To? na si Francine Prieto.

Keempee answered a "No" at "Lie" ang lumabas na resulta.

Paliwanag ni Keempee, "Kami ni Francine kasi, naging closelang talaga kami. Kumbaga, more than that, pagiging partner namin sa Bahay MoBa ‘To?, wala nang humigit dun. More on nanaig ang friendship namin. Mastumagal yung pagiging magkaibigan namin."

Tinanong naman ni Sweet ang reaksiyon nina Ariel &Maverick. Sabi ni Ariel, iba ang alam niya noon, pero sabay bawi rin ng dalawana "friends" lang daw sina Keempee at Francine, saka humirit na, "Keempee ha,ang honorarium dito, P30,000 lang!"

Ikalawang tanong ni Sweet ay ang tungkol sa pag-amin noon niGeneva Cruz sa radio show ni DJ Mo Twister na may namagitan sa kanila niKeempee. Ang tanong, nagkaroon nga ba sila talaga ng short-lived relationshipni Geneva noong araw?

Itinanggi ni Keempee ang naging revelation ni Geneva, pero"Lie" na naman ang lumabas na resulta.

Nagpaliwanag muli si Keempee. Aniya, "Hindi, kasi kami nilaGen, grupo kami niyan. Kami nila Dessa, Lloyd Umali... Kapag may mga shows siLloyd, pumupunta kaming lahat. Sinusuportahan namin siya. Nakiki-jamming dinkami. Pero magkakaibigan lang kaming lahat. Walang namamagitan sa amingrelasyon. Relasyon bilang magkaibigan lang."

Sumunod na tanong kay Keempee ay kung totoo bang nagkagalitsila ng kaibigan niyang si Janno Gibbs dahil sa sexy actress na si CristineReyes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Again, Keempee said "No" at "Lie" na naman ang naging resulta.

"Hindi totoo yun!" apela ni Keempee. "Alam mo naman angbali-balita, di ba? Ginagawan lang ng isyu ‘yan dahil alam naman natin nananligaw ako kay Cristine. ‘Tapos, na-link sila ni Janno. Pero kami naman niJanno, hindi kami nagpapadala sa mga isyu na makakasira sa pagiging magkaibigannamin dahil sa ganoong bagay lang."

Totoo ba na hindi pa rin sila nagpapansinan ni MarvinAgustin hanggang ngayon dahil kay Pauleen Luna?

"No" na naman ang sagot ni Keempee at muli, "Lie" na namanang nakuhang resulta ng aktor.

"Ilang beses kaming nagkakasama ni Marvin dahil magkasamakami sa La Lola. Yung sa kanila ni Pauleen noon, hindi totoo. Hindi kaminagkaroon ng chance na magkausap tungkol sa relasyon nila ni Pauleen noon orkami ni Pauleen. Kumbaga, wala, e, hindi kami nagkaroon ng chance na mag-usap.Kumbaga, walang dahilan para sumama ang loob ko. Sa taping, wala...more onkuwento-kuwento lang," mahabang paliwanag ni Keempee.

Sumunod na tanong ni Sweet kay Keempee ay tungkol sarelasyon niya noon kay Angelika dela Cruz. Sa palagay kaya ni Keempee ay siya angmay kasalanan kung bakit nag-break sila noon?

Matagal sumagot si Keempee, pero "No" pa rin ang sagot niya."Lie" na naman ang lumabas na resulta.

"Well, how will I put it?" paunang paliwanag ni Keempee."Nanligaw ako kay Angelika. But I guess, it's not the right time. But I'm proudto say, we're good friends right now and congratulations to Angelika, she'svery happy right now."

Para sa next question, ang dating niligawan ni Keempee atco-host niya ngayon sa Eat Bulaga na si Pauleen Luna ang nagtanong sa kanyavia phone patch. Biniro ni Pauleen si Keempee na nakaka-limang lies na siya.

Ang tanong ni Pauleen ay kung totoo ba na nang mag-breaksila ni Mayor Sherwin Gatchalian ay gusto ulit magparamdam ni Keempee sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakangiting "Yes" ang sagot ni Keempee at sa kauna-unahangpagkakataon ay sumang-ayon sa kanya ang lie-detector machine.


Komento ni Pauleen, "Hayan! Truth na talaga ‘yan! At saka kami ni Keempee,we're very, very good friends right now at alam niya yun."

Tinanong naman ni Sweet si Keempee kung wala na siyang balakligawan ulit si Pauleen.

"I guess, mas okey na ganito kami. Mas closer kami rightnow. I guess, yung pagmamahal sa isang tao, hindi naman basta-basta nawawala‘yan. Hindi isang damit na basta mo itatapon," sabi ni Keempee.

Tanong naman ni Sweet kay Pauleen, kung sakali ba namanligaw si Keempee, may pag-asa naman ito sa kanya?

"Tingnan na lang natin," sagot ni Pauleen.

Sa last level na "Now or Never," tinanong ni Sweet kayKeempee ang tungkol sa lumabas dito sa PEP (Philippine Entertrainment Portal) na happy siya ngayon sa kanyang non-showbizgirlfriend, a 21-year-old lady na naka-base sa abroad. (Click here to read related article.) After all his failedrelationships, masasabi ba ni Keempee na ang girlfriend niya ngayon ang babaengpakakasalan niya?

Matagal bago nakasagot si Keempee, pero sa huli ay "No" angkanyang sinabi. Muli, sumang-ayon sa kanya ang lie detector.

Paliwanag ni Keempee, "May minamataan ako. She's not fromhere. She's from Canada. She's a half-Filipina, one-fourth Chinese, and one-fourth Spanish...Canadianas well. As of now, we're good friends and we're trying to know each otherbetter.

"Hindi ko masagot ng yes kasi she's from there and I'm fromhere. I just go kung anong will ni God sa akin. Kung siya, so be it."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN