PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dingdong Dantes explains "piggyback photo" with Marian Rivera

Dingdong says their work abroad also becomes bonding moment with Marian.
by Rose Garcia
Published Dec 4, 2008
"Partner ko siya, kasama ko siya noong gabing yun. Sabay kaming bababa. May pilay siya. Ano ang gagawin ko? Papanoorin ko na lang siyang gumulong-gulong sa hagdanan kung sakali? Siyempre naman, hindi!" explains Dingdong Dantes about piggybacking screen partner Marian Rivera (inset).

At present ay nasa Los Angeles, California na si Dingdong Dantes kasama ang kanyang ka-love team na si Marian Rivera para sa kanilang Let's Celebrate concert na gaganapin sa Shrine Auditorium sa December 5. Nauna lang ng isang araw si Dingdong na umalis noong December 1, at kinabukasan naman lumipad si Marian.

Sinigurado ni Dingdong na hindi nila bibiguin ni Marian ang mga naghihintay at sumusuporta sa kanila sa Amerika. Kahit naka-cast pa ang isang paa ni Marian ay siguradong mabibigyan pa rin nila ng magandang show ang mga manonood.

Nanghihinayang lang si Dingdong na hindi na nila napuntahan ang premiere ng One True Love sa Amerika dahil na rin sa napaka-hectic na schedule nila ni Marian

Hindi rin naman itinanggi ni Dingdong na ang mga trabaho nila abroad ay nagsisilbing bonding moment na rin sa pagitan nila ni Marian.

"Well, alam n'yo, para sa amin, oo. Kasi, in fact, when we're in abroad, mas marami kaming time na makapag-usap. At saka siyempre, nasa isang lugar kami na hindi pamilyar sa amin. So, parang ano rin... Magandang hindi naman puro sa trabaho lang ang pinag-uusapan namin. Meron din sa buhay-buhay. Sometimes, you have to get in touch with our personal lives and discuss it with people para maramdaman mo naman na hindi ka lang puwedeng trabaho, puwede ka rin mag-enjoy," sabi ni Dingdong nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) bago siya umalis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PIGGYBACK PHOTO. Lumabas dito sa PEP ang litrato ng pagbubuhat ni Dingdong kay Marian nang pababa na sila sa mezzanine ng Imperial Palace Suites noong thanksgiving party for One True Love. (CLICK here to read related article.)

Iba't iba ang naging interpretasyon ng mga nakakita ng picture na nakapasan sa kanya si Marian. Ano ang masasabi ni Dingdong dito?

"'Eto ha... Partner ko siya, kasama ko siya noong gabing yun. Sabay kaming bababa. May pilay siya. Ano ang gagawin ko? Papanoorin ko na lang siyang gumulong-gulong sa hagdanan kung sakali? Siyempre naman, hindi!" paliwanag ni Dingdong.

May nagbiro na para raw kasing paraan ng pagbuhat sa mga Korean films and drama series ang naging pagkarga niya kay Marian. Nangiti lang si Dingdong dito.

"Hindi naman, mukha lang. Para sa akin, that was the best way of bringing her down the stair. Pababa ang hagdanan. That's the best way," aniya.

BEST FRIENDS. Naikukumpara ngayon ang close friend ni Dingdong na si Paolo Contis sa kanya. Pagkatapos daw kasing i-announce ang breakup nina Dingdong at Karylle, balita ngayon na nakipag-break na rin si Paolo kay Isabel Oli. Sabi tuloy ng iba, mag-best friend nga silang dalawa ni Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natawa muna si Dingdong sabay sabing, "With regards to Paolo, he's really... Well, I consider him one of my best friends in the industry. At tungkol sa mga bagay na mga ganyan, I want him to do the first talk with regards to the issue. I'm not at liberty to say anything at this point."

Pero nandoon naman ang suporta niya kay Paolo?

"Oo naman!" sagot niya. "Basta palagi kong sinasabi, at the end of the day, do what is right. Yun lang yun. At kung naniniwala ka dun, okey, di ba?"
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Partner ko siya, kasama ko siya noong gabing yun. Sabay kaming bababa. May pilay siya. Ano ang gagawin ko? Papanoorin ko na lang siyang gumulong-gulong sa hagdanan kung sakali? Siyempre naman, hindi!" explains Dingdong Dantes about piggybacking screen partner Marian Rivera (inset).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results