Actress-activist Chin Chin Gutierrez shares views ranging from native lullabys to fellow actors

Environmental activist Chin Chin to skeptics: "Siguro I wouldn't be given the recognition [as one of the Asian heroes in 2003] ng TIME magazine kung ganun-ganun lang ako. Huwag na nating dagdagan pa yung hirap ng advocacy, kasi mahirap na maging malabo yung cause. Kasi people would think na napakababaw 'pag hinaluan ng mga ganyang kuwento. E, ang pinag-uusapan dito, buhay na ng tao."


Ginulat ni Chin Chin Gutierrez ang TV audience sa singing talent na ipinakita niya sa "Willie of Fortune" segment ng Wowowee during the promo ng bago niyang kinabibilangang teleserye sa ABS-CBN, ang Dahil May Isang Ikaw.

Lingid sa kaalaman ng marami ay nakagawa na pala siya ng isang CD album titled Uyayi, na naglalaman ng mga lullaby mula sa iba't ibang lalawigan sa Pilipinas.

"May dalawang discs siya. Ginawa ko 'yan para maging tulay sa tao. Kasi ang tao, hindi sanay sa tunog ng katutubo. So, I sang just to represent 17 songs, pero sinabayan ko ng isa pang disc na 35 tracks para sa mga curious [na] ito talaga ang original. Para mapamahal din tayo sa sarili nating katutubo," lahad ni Chin Chin sa solo presscon na ibinigay sa kanya ng Star Television, na nag-produce ng Dahil May Isang Ikaw.

Sino ang nag-record sa album ng iba't ibang uri ng lullaby?

"Ako, I went through, I asked them questions. Effort talaga yun. Imagine going all the way to Ifugao for a song. Pero once you hear the song, you hear the voice, para kang... Yun ang treasure talaga."

Magkano ang ginastos niya sa pagpo-produce ng lullaby album niya?

"Naku, huwag na nating anuhin... Pero mahigit P200,000, kasi plane tickets, research, tapes... Hindi pa siya nare-record because nobody thought of, maybe some recorded lullaby but none created an album, Philippine lullaby. But, you know, it's appreciated abroad pa. Nauna pa ang France, in Paris. After 2003, we launched it in Magnet sa ABS-CBN and then three months after, we went to...

"Publicity? Yun ang kulang siguro kasi independent producer ako. And then in France, we promoted, performed it in the theater of the world. And it's the first time that they heard Filipino songs. Imbes na puro bad news ang Pilipinas, like prostitutes, parang, 'This is the Philippines we want to know. Ganun pala ang mga music ninyo.' It's the first time they heard Philippine music sound that way."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinakinggan nila ang kanyang album?

"Yes, but it's part of the lecture I give to communities para magbigay ng kamalayan. Kasi yun ang problema sa environment, parang how can we take care of environment. Maraming basic necessities—tao, pagkain...

"Pero even Filipinos to Filipinos, we don't really care about each other that much because we don't know each other. Pero kung marinig mo ang 'Uyayi' ng Tausog, hindi na sila war people lang. Matutunog natin yung puso at diwa ng isang Tausog."

Hindi ba siya natakot sa pagpunta sa iba't ibang malalayong lalawigan sa Pilipinas?

"No, kasi I was with the lean team and then, gastos ko rin. There's a partial grant from the Commission on National Arts. Nag-apply talaga ako, pero siyempre, talagang ano yun, 'pag kailangan mong tapusin, kailangang mo munang abunohan."

Nakabawi naman siya?

"Ah, break-even," sagot niya. "I was not able to sell it abroad. We performed it abroad and it was one of the top ten CDs in France for a while, 2004. When we were invited by the theater of the world, si Joey Ayala was with me kasi isa siya sa mga musical arranger. Bo Razon was one of the musical directors for the whole ano, and then Malou Matute, and Tots Tolentino because he's one of the—if not the best—saxophonists in the country. We have wonderful musicians also."

Binayaran niya raw lahat ng involved sa album niya.

"Of course, mahirap naman puro sa bayan, tapos hindi mo binabayaran ang mga co-artists mo. But, kaya walang nagsisilbi para sa bayan. Para naman masu-sustain natin. I wanted that respect to happen and hopefully with that CD, mapapamahal ang mga indigenous people sa tao. Kaya sana those who have more than enough can donate to the cause for our indigenous people.

"Imagine, may na-meet ako na mga Manday tribe doon mismo sa airport ng Davao. Ngayon, beautiful singing and dancing, why are they begging lang? Parang na-reduce sila sa ganun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ENVIRONMENTALIST. Pero aware ba si Chin Chin sa mga eksaheradong kuwento about her dahil sa pagiging environmentalist niya, gaya ng pakikipag-usap niya sa paru-paro at halaman? May mga nawi-weirduhan daw kasi sa kanya. Kulang na lang sabihin na nababaliw siya.

"Matagal na yun!" sabi niya. "Naku, siguro naman, ganito na lang... Siguro I wouldn't be given the recognition [as one of the Asian heroes in 2003] ng TIME magazine kung ganun-ganun lang ako. Huwag na nating dagdagan pa yung hirap ng advocacy, kasi mahirap na maging malabo yung cause. Kasi people would think na napakababaw 'pag hinaluan ng mga ganyang kuwento. E, ang pinag-uusapan dito, buhay na ng tao.

"Nasa kritikal na kundisyon ngayon ang buhay ng tao sa mundo. Dito sa Pilipinas, bakit hindi tayo nagpa-panic? All over the world—sa Amerika, sa Europe—may panic stage sa global warming, sa effects ng climate change. But we should also be in a panic because parang... Hindi naman panic, pero parang we should be worried.

"Kulang lang siguro pagkamulat ng tao and awareness, pero kailan tayo magiging aware? Kapag wala na tayong naaani? Kapag patay na ang ating mga lupa? At nangyayari na 'yan ngayon. Kapag wala nang ulan? Pag tag-init naman, umuulan. Did you realize PAGASA announced, 'Okay, we officially say summer is over,' even if it didn't happen. Which means, tuluy-tuloy yung ulan, which means hindi natuloy yung mga bunga ng mga mangga dahil ang mga bulaklak bago mamunga... May bulaklak dahil ulan nang ulan, nahuhulog ang mga bulaklak, hindi natutuloy yung mga bunga. This is the first year that yung indicator doon na nasa kritkal na kundisyon. Hindi nakapag-harvest ng honey ang mga bee growers. Ibig sabihin, walang natuloy na bulaklak or nahulog na lang. Walang nakolekta.

"Bakit magiging kaweirduhan yun? People nga talk to their pets, e. Di ba, weird yun? May pangalan pa nga, e. Dinadamitan pa!" natatawa niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag ni Chin Chin, "Hindi siguro naiintindinhan ng mga tao, even the Prince of Wales na si Prince Charles is said to be very... to understand the language of plants. But it's not the language the way we talk to our pets. Iba yun, e. We have to understand na, is your life sacred?"

Sinagot namin ang actress-environmentalist ng "yes."

"Okay, in general, is life sacred?" tanong niya ulit. "Oo naman, bigay ng Diyos 'yan, e? Pero sino ang nagbigay sa atin? Ang Diyos, di ba? Samakatuwid, lahat ng may buhay, sagrado. So, yung mga puno, may mga buhay, sagrado."

Paano naman niya sine-share sa mga kabataan ang mga kaalaman niya at pagiging aktibo sa kanyang mga proyekto sa kalikasan?

"Alam mo naman ang mga bata, kapag ikaw mismo ang nagsabi sa kanila, parang, 'Ano, e.' Pero kapag nagtatanong sila, that's when I talk abut it and they're very interested. I don't force it to them. Kasi kung gusto nila, tutulungan ko.

"How many times I've been told, 'Sige, Chin, tatawag ako.' Pero kapag hindi na tumawag, ayaw kong i-force. So, makikita mo talaga kung seryoso ba sila. But in terms of acting, I have a big hope for this generation of actors and actresses. Talagang, like si Karylle, Karylle is such a refreshing person to work with," lahad niya.

LESBIAN ISSUE. Ano naman ang masasabi ni Chin Chin sa isa pang isyu na lesbyana raw siya?

"No way. Huwag na 'yun," pakiusap ng aktres.

Pero yun kasi ang sapantaha ng iba tungkol sa kanyang sexual preference?

"But I'm not!" tawa niya.

Bakit nga ba hanggang ngayon ay wala pa rin siyang napupusuan?

"E, paano kasi, para sa akin, ipapaubaya ko sa Diyos. So, kung ipagkakaloob Niya sa akin, it's up to Him. Nag-iingat ako na maging tama yung... dapat maging tama, hindi lang yung lalaking pipiliin ko, kundi yung mga choices ko. Puwede niyang ipagkaloob yun or kung tatawagin Niya ako. Mahirap, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ba ang type niya sa isang lalaki?

'Hindi ko na iniisip yun," sagot niya.

Paano niya malalaman kung ang isang guy ay para sa kanya?

"Malalaman yun. Kabiyak kasi ng puso yun, di ba, kapag siya yung totoong tunay na gusto mong mahalin."

Kinikilig ba siya kapag may nakakita siya ng lalaki na type niya?

"I look through the souls," sagot ni Chin Chin. "Hindi mukha ang tinitingnan ko, ang kalooban niya. Kaagad-agad, nagra-radiate. Before siguro when I was a teenager, may kilig. I mean, siyempre malakas ang dating ng mga lalaki at that age, because for a while, you used to be just playing, and all of a sudden meron palang ligawan. Ano yun? Parang ganun."

Pero may attraction sa kanya ang mga lalaki?

"Yeah. Natatakot nga ako kapag kinaiinggitan ako ng mga girls. Sabi ko, hindi ko na lang papansinin ang mga boys para wala akong kaaway na mga girls. Kaya ako nag-ano, when I was in college, I joined a basketball team para ano, sa sports na lang ako. Mahirap, pinag-iinitan ako, e. And then I was into modeling pa. Kaya I want to play low key, kasi model ka na nga. Pinag-iinitan ka talaga. Matapang pala ang mga girls!" saad niya.

DAHIL MAY ISANG IKAW. May crush ba siya sa showbiz?

"Naman," ngiti ni Chin Chin. "Mahirap namang sagutin 'yan. Kasi ibig sabihin niyan, 'pag wala akong crush sa showbiz, ibig sabihin, lahat sila hindi guwapo."

Does she find her co-stars in Dahil May Isang Ikaw—Gabby Concepcion and John Estrada—handsome and delicious?

"Talaga?" tawa niya. "Kasi, hindi delicious ang pagtingin ko sa kanila. Hindi, kasi Gabby, for example, I don't know him personally. But I know he went through a lot. Happy lang ako sa kanya. Happy ako for him because I know he's happy in his element. He's acting again, with the fans. Parang kulang siguro kung wala yun sa buhay niya, kulang. He was born to give it that to people. I see it promoting, kinikilig yung mga babae, kinikilig lahat. Sabi ko, 'Wow, Gab! You don't know how happy these women feel.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Saka like John also. Other guys look up to him also as the model to ano... I mean, John has a girlfriend [Priscilla Meirelles]. And I'm not really looking on that kind of a relationship. But I admire him for, well, being the actor that he is."

What about Jericho Rosales?

"Hay naku, Jericho and Sid [Lucero] they're like both flames, 'no!" sambit ni Chin Chin. "But Jericho is the red orange, yellow flame. Si Sid, 'yan yung cool flame, pero wow! Nasa loob ang ano, green, blue, purple...

"Mapusok talaga, masusunog ka kapag tinitingnan ka nila, yung ganun. But it's so nice kapag nag-meet sila sa eksena, makikita ninyo kapag galit sila sa eksena and their characters, they're so disciplined. They adhere to their own characters. Hindi lang sila sigawan nang sigawan blues, suntukan blues lang. Talagang makikita mo ang arte nila. They are really holding on their characters.

"Echo has a very original way of approaching his role. Sid, ganun din. Kagandahan kay Sid, unpredictable siya. Hindi mo mape-predict kung paano niya gagawin yung role niya. Kapag pagbitaw niya, 'Oh!'" papuri ni Chin Chin sa dalawa pa niyang co-stars sa Dahil May Isang Ikaw.


KRISTINE HERMOSA. Si Gloria Romero raw ang artistang naging inspirasyon ni ChinChin sa kanyang showbiz career. Pero marami ang nagsasabi na magkahawig sila ni Kristine Hermosa, na co-star niya rin sa Dahil May Isang Ikaw. Puwede nga raw silang magkapatid sa big screen

"Oo, maybe another project. Sabi rin ni ano, ng EP [executive producer] namin," banggit ni Chin Chin.

Close ba sila ni Kristine sa set?

"Oh, yeah. Ewan ko, pero with me, very ano naman... Siya mismo ang nagpapakuwento sa akin what's healthy food. Ano ang mga dapat niyang gawin. Nakikisalo nga siya sa amin, e," sabi ni Chin Chin.

May mga signs ba siyang hiningi pagkatapos ng malaking sunog na nangyari sa bahay nila kung ipagpapatuloy niya ang kanyang pag-aartista?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"After the fire, maraming projects ang dumating. Pero maganda yung proseso kung paano... Pero yung Dahil May Isang Ikaw, how can I say na that's not given by the Lord? Ang ganda-ganda, yung values niya. Sabi ko, 'Okey, 'yan ang gusto Niya muna sa ngayon," pagtatapos ni Chin Chin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN