PEP EXCLUSIVE: Phil Younghusband's talent manager explains issue about ward's endorsements

"I cannot think for Phil kasi bata 'yan. Ang kinatatakot ko nga, kasi bata, madaling maimpluwensyahan," said talent manager Joyce Ramirez about the issue involving her ward, football player and commercial model Phil Younghusband.


"It's highly confidential."

Ito ang naging pahayag ni Joyce Ramirez, talent manager ng football player/ model na si Phil Younghusband, nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, January 20, tungkol sa balitang pag-pull out ng dalawang kumpanyang ini-endorso ng kanyang alaga. (CLICK HERE to read related article.)

Sabay na sinubukang hingan ng pahayag ng PEP si Joyce at ang talent niyang si Phil sa pamamagitan ng text message kahapon. Unang nagpaunlak ang talent manager, samantalang ang dating Celebrity Duets contestant ay nagsabing kausapin na lang ang kanyang manager.

Sa umpisa ng panayam, inamin ni Joyce na ilang araw na rin silang hindi nagkakausap ng kanyang talent dahil sa maliit na tampuhan. Subalit sinabi niyang alam ni Phil ang isyu tungkol sa kanyang mga endorsements.

"Previously, I have informed him, kasi, mayroon siyang ginagawang sports event. Alam na niya previously na baka magka-problema kami sa isang brand because we signed a contract with the company na parang magkalaban 'yong dalawang events. E, kasi, ine-endorse din niya ang event ng company na 'yon."

Hindi pumayag si Joyce na pangalanan ang mga endorsement ito, ngunit banggit niya, "'Yong nature ng endorsements niya and the status remain confidential up to this point since it's all official business. I am trying to work this out with the companies as much as I can because, technically, Phil is still under contract with me. So, to this date, I am still his manager. It's my responsibility that when there are problems like this, I am able to sort this out with those companies."

MORAL CHARACTER AT STAKE. Ayon sa balita, naalarma ang dalawang kumpanyang ini-endorso ng 22-year-old commercial model tungkol sa ilang aktibidades ni Phil na maaring makasira sa kanilang produkto.

Depensa naman ng talent manager ni Phil, ito ang unang pagkakataon na may kumuwestiyon sa "good moral character" ng kanyang talent.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"This is the first time. 'Yon nga lang, naapektuhan lahat ng endorsement," ani Joyce. "Good moral character kasi...Hindi na kami masyadong magkasama ni Phil ngayon. Hindi na kami nagkikita, so hindi ko alam kung lumalabas siya sa gabi, kung sino-sino ang mga kasama niya. Baka nakakapunta siya sa mga lugar na hindi maganda kasi bata nga, hindi niya alam, you know, nababarkada sa masama."

Dagdag pa niya, "Siyempre, medyo sikat siya kahit papaano. Hindi siya kasing-sikat nila Piolo [Pascual] or Dingdong [Dantes], pero kahit papaano nagkapangalan 'yan. Siyempre, siguro, kapag nakikita siya sa mga lugar na 'yon, nakakaapekto 'yon sa good moral character niya. Pero as I've said, hindi ko rin alam. Ako kasi nagbe-base na lang sa mga nababalitaan ko na nakita siya dito, nakita siya doon. Siyempre, kung ako nababalitaan ko 'yon, malamang 'yong mga advertisers naririnig din. Pero kahit ako, wala kasi kaming communication, I don't know what's happening."

TALENT-MANAGER RELATIONSHIP. Sa interbyu, tinanong din ng PEP si Joyce kung kumusta naman bilang talent si Phil. Aniya, "Very disciplined kasi he's an athlete. He's very disciplined and very competitive."

Patuloy pa niya, "We both like challenges. Let's say, it's an impossible hurdle to be like Piolo or Dingdong or Chris Tiu and Manny Pacquiao in the sports arena. Kasi, hindi sikat ang football dito sa Pilipinas. 'Yong mga factors na 'yon, kaming dalawa as talent and manager, hindi namin pinansin 'yon. Nag-concentrate kami...trinabaho ko how to promote him, talagang lahat ng publicity niya inayos ko, nilinis ko lahat. Siya naman, naging loyal and obedient as a talent. So, I can say that Phil has been very, very loyal to me as a talent."

Nang tanungin namin kung may ginagawa ba siyang paraan upang makausap ang kanyang talent tungkol sa isyu, ito ang naging sagot ni Joyce, "In the past, I already exhausted all means. Right now, I want to give him space muna. I think he's old enough to gauge and to learn the lessons of life himself. Kinikuwento ko nga, masyado akong nakabantay sa kanya. This time, I like to give him space and let him grow up on his own."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa panig naman ng mga brand na iniendorso ni Phil, ito ang naging pahayag ng talent manager, "Sa advertisers kasi, I have good relationship with them, especially one of the brands, ako rin ang incoming PR nila. I have to protect the brand. I don't want the brand to be dragged into this controversy."

Bago natapos ang phone interview ng PEP kay Joyce, muli niyang nilinaw na siya pa rin ang tumatayong talent manager ng commercial model na ilang linggo na niyang hindi nakakausap. At para maayos ang isyu na ito, sinabi niya na, "My doors are always open for Phil because I'm his manager, he's my talent, we have a professional relationship. We have to set aside all things personal and start working professionally.

"'Yong tampuhan namin na personal should not be dragged into the professional line. Also, pakiusap ko rin sa lahat ng tao na maaring nag-iimpluwensiya sa kanya or nagsusulsol sa kanya, huwag nang makialam. Kasi, kung may problema kami ni Phil, kaming dalawa na lang 'yon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN